Katutubong Wika

62 3 0
                                    

Buwan ng wika spoken poetry

Tema:
Wikang katutubo tungo
sa isang bansang Pilipino



Katutubong Wika

Wika,
Apat na letra isang salita
pero tila nakalimutan na
at unti unti'y nagigiba

Tila napalitan na
at nawawalan ng halaga
na para bang isang bulaklak
na unti unting nalalanta

Wikang Ingles ay tangkilikin
sabi ng ilan sa atin
nandyan din yung koreano
na pinag-aaralan ng mano mano

Pero,bakit pagdating sa sariling wika
tila tayo ay banyaga
yung tipong sa katutubong salita
tayo ay nawawala

Tila isa tayong isda
na ayaw sa tubig at gusto sa lupa
yung tipong masminahal mo pa  yung iba
kesa sa kinagisnan mo na

Dibat,katutubong wika ay sa atin
pero bakit tila hirap na hirap tayong mahalin
tila ating kinakahiya
ang wikang sa ati'y biyaya

Pilit natin tong pinapalitan
at unti unting kinalilimutam
na para bang may sakit tayong amnesia
o di kaya'y katulad ng paglimot sa kanya

Yung tipong sa isang kisap mata
ang katutubong wika'y naglaho na
napalitan na ng ibang lengguwahe
kaya ako'y natatawa at walang masabe

Sa isang kisap mata nakalimutan
na natin kung ano ang mahalaga
nakalimutan na ang katutubong wika
kaya ako'y nasasaktan at nadudurog na

Dahil ako,
Ako ang katutubong wikang
sa inyo'y nagsusumamo
Kumakatok sa mga puso
at isipan nyo

Nakikiusap na muling pagbuksan
at bigyang pansin ako
naghahangad na muling mahalin
at ako'y mapansin niyo

Kaya ating ibalik ang wikang nagmulat sa iyo
atin muling yakapain
ang katutubong wikang sa atin
atin muling mahalin
ang biyaya ng Diyos sa atin

Katutubong wika'y ibalik
napunong puno ng pagkasabik
Pilipinas ay ibangon
Pilipino tayo'y umahon

Tayong lahat ay magkaisa
gumising sa bagong umaga
sariling wika'y tangkilikin
katutubong wika'y mahalin

★★★★★★

-Fantasystic-

Relate Much Si Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon