SWP 01:Kasalanan ko ba talaga o Kasalanan niya

151 40 12
                                    

Isa, dalawa, tatlo

sinubukan kong lumaban subalit
ako'y talo

apat, lima, anim

napigilan kong lahat subalit di ang dadamin

pito, walo, siyam

siyam? Oo nga pala, siyam na buwan mo akong pinaniwala na nag iisa ka

Siyam na buwam mo akong pinaniwala at pinag mukhang tanga

At higit sa lahat siyam na buwan mo akong minahal kahit may minamahal kang iba!

Pero minahal mo nga ba talaga ako o isa lang ako sa mga niloko mo!

Niloko mo gamit ang matatamis na salita mo

Naloko mo dahil sa mga pangakong binitawan mo

Mga pangako na syang pinang
hawakan ko para ipaglaban yung nararamdaman ko

Pero,lalaban pa ba ako sa karera kahit alam ko na may nauna na?

Ipaglalaban ko pa ba yung nararamdaman ko kahit na sasaktan na?

Ipaglalaban ko pa ba o ititgil ko na.?
Ipagpapatuloy ko pa ba o i hihinto na.?

Dahil sa mata ng nakakarami na pakasama ko na

Patuloy pa rin kitang minamahal kahit may mahal ka ng iba

Mali ba,na mahalin ka kahit may mahal ka ng iba.?

Mali bang umasa na pagdating ng araw ay magiging tayo na.?

Mali bang maghintay ng tamang panahon para masabi kong akin kana.?

Mali ba? Mali ba? Ako ba talaga yung mali pagdating  sa ating dalawa.?

Ako ba talaga o baka naman ikaw na?

Dahil kahit na maymahal ka na hinayaan  mo parin  na mahulog ka sa iba

Dahil kahit na may nagmamay- ari na sayo hinayaan mo parin na makuha ka ng iba

At kahit na may minamahal ka na nagmahal ka pa rin ng iba

Kasalan ko ba talaga o kasalanan mo na?

Ako na nagmamahal sa sayo kahit may mahal ka ng iba o ikaw na pinagsabay kaming dalawa?

Kaming dalawa bakit ng kaibigan ko pa?

Kaibigan na laging karamay sa ano mang problema

Kaibigan na mapagkakatiwalaan at magpapasaya

Kaibigan na laging kahati sa mga pagsubok o kahit ano pa

At higit sa lahat kaibigan na kAsabay sa pagtawa dahil sa sobrang saya

At ngayon kaibigan na kahati hindi sa problemA kundi sa iyo na

Kaibigan na kasabay sa pagluha dahil sa sakit na nadarama

At pagkakaibigan na dahil sa pag ibig tila na wawasak na

Nawawasak ng unti unti dahil sa pinaglalabang nadarama

Nawawasak ng unti unti dahil kalaban na ang tingin sa isat isa

Nawawasak ng unti unti na kahit pigilan ay ng yayari na

Nawawasak na ng unti unti,

nawawasak na

at patuloy pang mawawasak hanggang sa maglaho na ng tuluyan at di na madama

★★★★★

Salamat po sa lahat ng nagbabasa kung meron man po

Please  do vomment...

-Fantasystic-

Relate Much Si Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon