Kayo

20 7 6
                                    

KAYO

Kayo,
Apat na letra isang salita
pero bakit ang hirap sabihin
tila sa aki'y may tumataga
Ang hirap bigkasin
tila sa bibig ko ay may nakasapin
Tila may nakabara at nahihirapan sa paghinga

Sa bawat araw na lumipas
tila ako ay hinahampas
ng katotohanan na ika'y malayo na
at kahit kailan ay hindi na mahahawakan pa

Ilang taon naba simula ng ako'y nag-iisa
Pero bakit ang sakit padin
at ang kirot ay damang damang
pati ang yung mga memorya
saki'y nagbabalik pa
tila kahapon lang naganap
ang lahat ng pagpapanggap

Ang akala kong tayo
ay nagkamali ako
dahil hindi ko inakala
na habang nasa piling kita
ay meron palang kayo

Hindi ko inasahan
na ang pagtawag mo sakin ng hon
ay siya pala ang tinutukoy mo
at di pala ako

Isang araw kayo ay nakita
ako'y napahinto tila ako'y pinana
pero maslalong lumalala
ng ako'y lagpasan niyo at binaliwala

Tila huminto na ang oras
at mundo ko'y nagiba
pati ang aking mga luha
tila'y naglahot nawala

Doon ko napagtanto
na ang salitang tayo ay di totoo
wala naman palang tayo
Dahil meron naman palang kayo

★★★★★★★★

-Fantasystic-

Relate Much Si Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon