HUNYO

81 21 25
                                    

Dedicated to yehlssy_kim
A

t kay luv_misery salamat po sa support niyo.

HUNYO

Limang letra isang salita
eto na hunyo na ata
pinakahihintay ng mga bata
dahil oo pasukan na nga

Simpleng pasukan
bakit ako tinamaan
simple lang din ang laman
nitong aking isipan
na ika'y masilayan
O dika'y pagmasdan
ang yung kagandahan
pati na rin kabitihan

Pasukan nanaman
at ikay masisislayan
kaya di nag dalawang isip
ika'y pinuntahan
upang sabay na tayo
papuntang eskuwelahan

Ako'y nagmadali upang ika'y maabutan
at ng makarating na ika'y nasilayan
ako'y natuwa ng ika'y makita
dahil kitang kita ang saya
sa iyong mga mukha

Ika'y pinagmasdan habang tumatawa
hanggang sa may lumapit na di ko kilala
hanggang sa maalala
Ahh oo nga pala
muntikan ko ng makalimutan
hanggang kaibigan lang pala

Nagsimula na ang pasukan
pati narin ang sakitan
sampung buwang luhaan
ang aking kakalabasan
dahil hanggang ngayon
kaibigan ang turingan
pero samantalang kayo nagmamahalan

Pagmagkasama kayo
nababaliwala ako
yung tipong kayo lang dalawa
at wala ako sa tabi niyo
sa bawat pagtawa niyo nadudurog ako
nadudurog ng unti-unti dahil sa sakit na dulot niyo

Hindi ko alam kung anong gagawin ko
sa tuwing makikita na magkasama kayo
hindi ko alam kung anong gagawin ko
sa tuwing maririnig ang mga tawa niyo
hindi ko alam kung anong gagawin ko
dahil hanggang ngayon umaasan parin ako
umaasa parin na mapapansin mo
umaasa parin namamahalin mo
Ang masmasakit pa
umaasa parin ako
sa kabila ng katotohanan
na hanggang KAIBIGAN lang ako.

★★★★★

Sorry po kung natagalan sa pag U-UD halos dalawang linggo rin akong hindi nakapag UD dahil busy po sa study.

Pero ayan na sana po nagustuhan niyo yung UD ko kahit medyo huli na para sa HUNYO.

Dont forget to vote and comment.

Love you all

-Fantasystic-

Relate Much Si Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon