Sinungaling na Ina

89 24 1
                                    

Sinungaling na Ina

(Sabi nila dont judge the book by its cover  pero para sa akin dont judge the poem by its title) hahahaha

"Sinungaling na Ina "

Sa pagmulat ng mata siya kaagad ang makikita

Malabo man sa paningin kilala na ng damdamin

Mga labi niyang nakangiti at mga luha niyang di mapawi

Buhok niyang kay gulo at ang nanghihinang katawan nito

Natila ba sumabak sa giyera  dahil sa itsura nito

Pero hindi talaga iyon ang totoo
Dahil dumaan siya sa matinding proseso

Proseso sa pagluwal ng anak nito kung saan napaka delikado dahil isa itong sakripisyo

Pero hindi doon nagtatapos ang takbo ang buhay nito

At hindi lang din doon magtatapos ang pagsasakripisyo nito

Dahil sumisikat palang ang araw sa silangang bahagi nito

Simula pagkabata hanggang sa pagtanda nariyan siya at hindi ka iiwan o hahayang mag-isa

Gagawin niya rin ang lahat makita ka lang na masaya

Kahit kapalit pa nito ay ang kapahamakan nila

Oo nila, nilang mga Ina, Ina na minahal na natin ng sobra sobra

Ina na nagkalinga sa atin at nagpadama

Nagpadam ng ibat-ibang emosyon katulad ng pagmamahal niya

Ina na naging kalakasan natin sa pagharap ng problema

Ina na naging kahinaan natin sa pagsubok at iba pa

Ina na naging bestfriend na natin dahil araw-araw kasama

Ina na handang magsakripisyo para sa kaligtasan mo

At higit sa lahat Ina na minamahal natin at nagmamahal satin

Ngunit bakit ganun?

Sa kabila ng pagmamahal at sakripisyo marami parin ang kasinungalingan na pinaniniwalaan ko

Pinaniniwalaan nating lahat dahil akala natin ito ang totoo

Mga kasinungaligan ng Ina para sa mga anak nila

Mga katagang " okay lang ako unahin mo sarili mo "

Pero ang totoo ay tinitiis niya lang ang hirap  na pinagdadaanan niyo

Tinatago niya lang ang hirap sa likod ng mga ngiti nito

Katulad ng mga katagang "hindi ako gutom sighe kumain lang kayo "

Mga kasinungalingan na laging naririnig ng mga tenga niyo

Pero yung totoo gutom na gutom na siya na halos mabutas na sikmura niya

"Wag niyo na akong isipin matanda na ako " isa pa sa mga linyang palaging pambato niya

Tila ba sinasabing maayos lang siya kahit ang taas taas ng lagnat niya

Na makakaya niyang gumaling sa sakit kahit na mag-isa

Dahil lagi nilang inuuna ang kapakanan ng mga anak nila

"Pumili ka na ng gusto mo,  wag ka mag-alala may pera pa tayo"

Mga linyang laging naririnig kapag nasa tindahan na kayo

Pero kapag mag isa nalang siya ayan mag lilista na titipidin ang sarili para sa mga anak niya

Mga kasinungalingan ng Ina para sa mga anak nila

Mga sakripisyo nila makita ka lang nila na masaya

Sila ang mga Ina na  nagmamahal ng sobra

Na kahit maging sinungaling ay okay lang sa kanila basta ang kasiyahan ng anak ang una sa listahan nila

Kaya kung isa kayo sa may Inang ganito

Wag niyo silang kagalitan o kayay kamuhian

Sa halip ay iparamdam ang pagmamahal sa kanila

Sa kanila na mga dakilang Ina

Dahil wala ng hihigit pa sa pagmamahal nila

Sila na handang gawin ang lahat para sa mga anak nila

Sila na mga Ina, Ina na nagbigay buhay at nagmahal ng tunay

Kaya wag mong isiping nag iisa ka dahil hindi purket iniwan ka ng kasintahan mo ay katupusan mo na

Lagi mong tatandaan bago ka mahalin ng iba nariyan na siya

Nariyan na siya sa tabi mo at hindi ka hinayaang mag-isa

Kaya ngayon matauhan ka na wag ka nangmahiya sabihin mo na

Sabihin mo na na mahal mo siya

Sabihin mo ng harap harapan saka yakapin mo siya

Dahil hindi natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama

Kaya hanggang maaga pa iparamdam mo na dahil baka magsisika kapag nawala na siya

Sabihin mo na hanggang maaga pa

Iparamdam mo na hanggang kaya pa

Dahil ang mga Ina na kagulad nila ay walang katumbas sa kahit anong halaga

********

Salamat po ng marami sa lahat ng sumuport sa mga story ko lalong lalo na po sina YourstrulyEs at sina Akiru_Sakibara. Try niyo rin pong basahin yung mga story nila magaganda po yun. Pati rin po justhya salamat po ng marai sa lahat ng support niyo

Relate Much Si Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon