"Pangako "(part 03)

78 29 1
                                    

A/N

Bago nyo basahin ito dapat po nabasa niyo na yung Ako na kaibigan mo(part 01) at Mga ala-ala nating Dalawa(part 02) nito kasi po mahihirapan mo kayong maka relate.

Pakibasa po ng may feelings

†††††††††

"Pangako "(part 03)

Hindi ko alam kung paano pero bigla nalang nagbago.
                                        
nagbago ang ihip ng hangin pati narin takbo ng buhay ko.
                          
Dahil ang mga hiling ko tila ay nagkatotoo
                                            
nagkatoo dahil muli kang nagbalik kasama ng mga pangako mo
                                             
Mga pangakong binitawan na siyang pinanghahawakan ko
                        
Mga pangako mong hindi na ako lalayo sa iyo 
                                            
Mga pangako mong hindi na kita iiwan at lagi nako sa tabi mo
                   
Mga pangako mong sinabi ng ikay nagbalik sa piling ko.
                      
Nagbalik ka sa akin at muling ipinadama  na akoy mahalaga sa iyo

Nagbalik ka muli sa akin at sinabing   
               
"kaibigan patawad sa mga nagawa ko "

kasabay nito ay ang pag-agus ng mga luha mo
                                                                                                        
luha mo na ayaw na ayaw kong makita dahil ito ang dumudurug sa puso ko

luha mo na siya ring kahinaan at kalungkutan ko

Kaya ngayong nagbalik kana simulan na nating bumuo ng mga alaala

simulan ulit natin sa umpisa pero ngayon yung walang katapusan na

simulan na nating tuparin ung mga pangakong binitawan mo
                    
Mga pangako na siyang bumubuhay sa kalooban ko
                                   
Mga pangakong nagbibigay kulay at nag aayos sa magulong buhay ko at

Mga pangakong mong nag-alis ng lungkot sa pagkatao ko
                     
dahil hanggang sa panginip magkasama tayo at sinasabi ang mga katangang. 
                                                                                                         
"hindi na kita iiwan at lagi na ko dyan sa  tabi mo"
                            
hanggang sa panaginip magkasama at lubus lubusan ang saya.
     
hanggang sa panaginip nandoon ka at ipinaparamdam kung gaano ako kahalaga

Pero, bakit? Paano? Para saan? ang mga tanong na bumubulabog sa aking isipan
 

             
PARA SAAN ang mga pangako kung wala namang katuparan?

BAKIT bigla kang bumalik sa akin at bigla mo rin akong iniwan?
               

PARA SAAN.  ang iyong pagbabalik kung ikay muling lilisan at ang masmasakit pa hindi lang basta paglisan kundi akoy tuluyan mo ng iniwan

ANO pang silbi na ikay na sa harap ko kung ang sarap sarap naman tulog mo

ANO pang silbi na nakikita kita kung hindi naman kita madama

Hindi kita madama dahil nariyan ka  nakahimlay at wala ng kabuhay buhay

Nariyan ka nakakulong sa apat na sulok ng kabaong

Kabaong na nagsisilbing himlayan mo at nagpapatunay na wala kana sa piling ko

Wala ka na sa piling ko,  ang katotohanan na kahit kailan ay hindi ko na mababago

Hindi ko na mababago dahil kahit anong gawin ko hindi ko na maibabalik ang buhay mo

At ngayon na wala kana pano mo pa matutupad ang mga pangako mo

Mga pangako mo na muli tayong magsasama napuno ng saya

At paano pa ako magiging masaya kung ipinagkait mo na

Paano pa ako magiging masaya kung wala kana

Pero alam mo gusto kong magalit sayo, magalit ng sobra sobra at sisihin ka

Gusto kong magalit sayo dahil iniwan mo nanaman ako

Gusto kong magalit sayo dahil hindi mo tinupad yung mga pangako mo

Gusto kong magalit sayo. Gusto kong iparamdam ang sakit na nararamdaman ko

Gusto ko ring sisihin ka sa lahat ng nangyayari ito hanggang sa bumangon ka at magpaliwanag mismo sa maharapan ko

Ngunit alam ko na kahit anong gawin ko hindi kana babangon diyan at magbabalik sa tabi ko

Gusto kong magalit sayo pero hindi ko rin maiwasan ang magalit sa sarili ko

Dahil wala akong nagawa para iligtas ka sa kapahamakan na dinanas mo

Gusto kong magalit sa sarili ko dahil hindi ko nasulusyunan ang problema na kinahaharap mo

Gusto kong magalit sa sarili ko dahil hinayaan kitang mawala sa mga bisig ko

Kaya eto ako ngayon nasa harapan mo umiyak at nagmamaka awang bumalik kana sa piling ko

Bumalik ka na pakiusap bumalik ka na

Tupadin mo na ang mga pangakong binitawan mo at nangangako ako gagawin ko ang lahat maging masaya lang tayo

Kaya bumalik kana
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Bumalik ka na
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Bumalik ka na



††††††

Susunod po yung last chapter nito

Nakakaiyak katagal tagal niyang nagintay tapos bumalik kaso ilang araw lang iniwan nanaman siya.... Kawawa naman siya......

- Fantasystic-

Relate Much Si Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon