Ayoko na

51 26 2
                                    


Ayoko na

Una,
ng unang beses mong sabihing
"mahal kita "
Wala akong naramdamang kakaiba
akal ko ganun talaga
pero akala ko lang pala

Hinayaan kita
sa kung anong gusto mo
hinayaan kitang mahalin ako
hinayaan kita na maging tayo
pero yun pala ang pagkakamali ko
ang magpadala sa nararamdaman ko
dahil hinayaan na rin kitang
lokohin ako
hinayaan na rin kitang

paglaruan ako
hinayaan na rin kitang

babuyin ang pagkatao ko
dahil ang pagmamahal mo sakin
ay hindi totoo

Pangalawa,
ng pangalawang beses  mong sabihing  "mahal kita "
sabi ko ayoko na
ayoko ng ipagpatuloy pa
dahil hindi ko na kayang tiisin pa
ayoko ng magbulag-bulagan pa
dahil ang sakit sakit na
ayoko ng makita ka
dahil bumabalik lang ang ala-ala
mga ala-ala ng kahapon
na kailangan ng ibaon
Kailangan ng ibaon sa limot
dahil hindi na kaya ng gamot
Oo ng pinagbabawal na gamot

Pangatlo,
ng Pangatlong beses kang lumapit sa akin
habang dumadaing-daing
sabi mo di mo na kaya
na ika'y nag-iisa
ang sabi ko sayo magtiis ka
dahil kasalanan mo
kung bakit ka nag-iisa
kung hindi niyo sana ako pinaglaruan ng iyong barkada
baka magkasama pa tayo
at magkahawak kamay pa
kung hindi niyo sana ako pinagpustahan
baka magkasama pa tayo
habang tamatawa
tapos ngayon babalik ka
at sasabihing mahal kita
anong akala mo paniniwalaan pa kita
tama na ang minsang mag pakatanga
tama na ang minsang umasa ka
tama na ang minsang lokohin ka
tama na ang minsang paglaruan ka
pakiusap, tama na ang minsan AYOKO NA

★★★★★★★★★★

Dahil na inspired akong gumawa ng tula sa mga suporta niyo nag update ako. 😂😂

Sana magustuhan niyo and dont forget to vote at also comment. Natutuwa akong basahin yung mga comment niyo.  Saka na i-inspired din ako.

May i-ta-try ako. Try niyo magbigay ng title ng tula at gagawin ko ang lahat para gawin yun. Tapos i-pa-publish ko siya dito. Try ko lang kung makakaya ko. At kung magugustuhan niyo yung kakalabasan. 😂😂😂

Love you all...

-Fantasystic-

Relate Much Si Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon