Operation101

34 4 0
                                    

Chapter 03

What’s happening on me? I’ve decided na umalis na sa computer shop. Pagkaalis ‘ko, nagaalanganin pa ako if saan ako uuwi. In the end, I decided na umuwi muna sa bahay nila Marissa.

Sa case namin, baka hindi ako payagan matulog doon sa bahay namin. Im in Marissa’s Body for pete’s sake!

Aalamin ko ang lahat by my OWN.

Nandito na ako sa’kanila, madaming bumabati sa’akin. I just smiled at them.

Nakarating ako dito sa bahay nila pero laking gulat ko nang makita ko ang mommy ni Marissa na nanunuod ng tv.

Nagmano ako. “Marissa.” Panimula niya pero nakatutok pa rin siya sa tv.

“Bakit po?” tanong ‘ko.

“Gabi ka na naman nakauwi, marissa. Kailan ka ba magbabago ha? Everyday ka nalang umaalis at gumagala. Gabi-gabi umuuwi. Highschool ka palang, pero ganyan ka na. Paano pa kaya kapag college ka na? Baka hindi ka na umuwi ha.” Nilelecturan ako ng mommy niya. Hindi ako makaimik kasi hindi ko alam na ganon pala si Marissa.

Kahit na, oo alam ‘kong mahilig siya sa gala pero gabi-gabi umuwi at araw-araw yun na ang hindi ko alam. Tahimik lang akong nakikinig sa bawat lecture niya. Halata ngang galit na galit siya.

“a-ah, mo-mommy. Magbabago na po ako.” Yan lang ang nasabi ‘ko. Hindi na ako nag-abalang magpaalam. Dumiretso ako agad sa kwarto ni Marissa.

Napaupo nalang ako sa kama.

Napaisip ako. Amnesia?

Nagkaroon ng amnesia si Marissa? But how. Papaano.

Paano ‘ko malulutas ‘tong problema na ‘to. Wala akong kakampi. Wala akong karamay. At papaano ko malalaman ang sagot.

Haist.

--

*The NEXT morning*

 

Pagkagising ko, agad akong naligo at nagbihis. Syempre, nanibago pa rin ako sa paligid.

Pagkatapos kong mag-ayos, napagdesisyunan ko na lumabas na sa kwarto. Naabutan ko na nag-aayos yung mommy ni Marissa ng mga libro kaya naisipang kong tumulong.

“Marissa, bago ‘yan ah.” Sabi sa’akin ng mommy ni Marissa. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagwawalis.

Ilang oras din ang lumipas at nalinis na namin ‘tong bahay. Naramdaman ko nalang parang narinig ko ringtone ni Marissa, kaya agad ‘kong hinahanap ang phone niya at kung sino ang tumatawag

Bebe’s Calling.

 

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon