Prologue

4.6K 81 6
                                    

Present time

KOMPARA sa unang dalawang interview na ginawa ni A.C., dito siya pinaka hindi komportable. Kaakibat ng pakiramdam na iyon ang matinding awkwardness. Pero dahil napasubo siya ay hindi na siya makaatras pa ngayon. Tutal ay siya ang nagsimula ng lahat ng ito. Noong una kasi talaga'y matindi ang hesitasyon niya na ito ang gawing huling subject ng huling libro ng kanyang trilogy pero wala na siyang ibang pagpipilian. Besides, ito ang "feel" niya.

Tapusin na natin 'to, aniya sa kanyang sarili. Kaya mula sa pagtitig sa iniinom niyang hot chocolate na may maraming marshmallows ay nag-angat siya ng tingin kay Cross. Shit. Nakatitig ito sa kanya kaya nagging irregular na naman ang tibok ng kanyang puso. Kung ide-describe niya sa isang libro ang titig nito—in A.C. writing—ganito ang kalalabasan niyon...

His ice cold blue eyes was staring straight at hers, pinning her down on her seat, making her insides twist and churn, totally intensifying her undeniable need deep down. But there was really nothing cold about the guy. He's as hot as a f—

"Well? Magtatanong ka ba o..."

Sinadya ni Cross na ibitin sa hangin ang iba pa nitong sasabihin. O gusto nitong kung anu-anong ideya ng "o" na iyon ang tumakbo sa isipan ni A.C.? Dahil sa totoo lang ay mga hindi maka-mundong bagay ang pumasok sa isipan niya ng mga oras na iyon base sa pagkakatitig sa kanya ni Cross.

Get your head in the game, A.C.!

"Okay. Ano ang first impression mo kay—"

"Little," sagot ni Cross bago pa man niya matapos ang kanyang tanong. Tinaasan niya ito ng isang kilay.

"'Little'?"

"Yeah. Literally on about every aspect you could fucking think of," kaswal na sabi ni Cross habang titig na titig pa rin sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ni A.C. dahil sa naisip niyang maaaring kahulugan ng sinabi ni Cross. And then, he smirked at her—that delicious smirk of his. "Pero hindi na siya FC ngayon."

"'FC'?"

"Flat-chested," nakangising sabi nito sa kanya. Napaawang ang mga labi ni A.C. dahil sa sinabi nito.

"Okay. And they lived happily 'never' after."

"But I fucking love her."

"Because?"

"Because..."

---

This is the last book of the trilogy! Siyempre, "tri" nga kaya tatlo lang. Hahaha!

Iyong first book pala, name ni Cady Lorenzana hiniram ko. I was given the permission to use it. Iyong second book, hiniram ko rin name ng isang co-writer ko dati na si Ate Haze Prado. At dito sa last book, hiniram ko ang name ng pinaka-wholesome kong friend na si Marione Ashley. Although hindi ko nagamit ng magkasunod ang name niya dito. 

Hindi po danger-magnet si MA, directionally-challenged lang. Hahaha!

I hope you'll enjoy this last book! Happy reading!

A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon