"I'M REALLY sorry, Rione."
"Ano ba, tama na. Sinabi ko nang okay na eh," sabi ni Rione kay Lucas dahil ilang ulit na nitong sinabi iyon ngayon. Parang gusto na niyang sabihin ditong sa ibang araw na lang ito mag-'sorry' rant sa kanya dahil inaantok pa siya. Hindi kasi siya nakatulog dahil sa nangyari kagabi. "Napagkakitaan naman kita dahil do'n," pagkuwa'y pabirong sabi niya rito.
"Hindi ka kasi sumasagot sa messages ko sa'yo sa Facebook kaya pakiramdam ko talaga'y galit na galit ka sa'kin. Pero ang iniisip ko talaga noon ay ang future natin, sana...Akala ko kasi maiintindihan mo ako noon," sabi nito matapos tumawa.
Sa totoo lang ay hindi niya akalaing matatanggap niya ng ganito kadali si Lucas ngayon. Pero siguro nga ay naka-move on na talaga siya kaya nagagawa niya itong harapin ng may ngiti sa mga labi ngayon. Na alam niya at ng puso niya na hindi na ito ang nagmamay-ari doon kundi si Cross.
"Oo, nagalit ako sa'yo noon. Kasi 'di ba nangako ka na hindi tayo maghihiwalay, na magiging official taga-tikim ako ng gagawin mong recipes para sa pangarap mong restaurant. Pero na-realize ko naman na napaka-selfish ko para pigilan kang abutin ang pangarap mo. Na kailangan mong palawakin ang mundo mo para makaipon ka ng experiences. I don't want to hold you back then. Nasaktan lang talaga ako noon. Pero natuto naman na ako at ikaw din, 'di ba?" paliwanag niya rito.
"Gano'n naman talaga ang purpose ng nakaraan, 'di ba? Ang turuan tayo para mabawasan ang pagkakamali natin sa susunod," seryosong saad ni Lucas. Isa sa mga nagustuhan ni Rione sa dating nobyo ay ang maturity nito. Siya lang talaga siguro ang immature noon. "Inconsiderate mang pakinggan pero naging proud ako noon sa'yo sa pag-let go mo sa'kin. It takes great courage to let go of something so dear to you yet you still did it. Mula nang maging tayo noon ay naging komportable ka ng umiyak sa harapan ko, 'di ba? Pero no'ng nagpaalam ako sa'yo, hindi ka umiyak, though I know you did afterwards. Kung nakita kitang umiyak noon, baka hindi siguro ako nakaalis."
"Dapat pala umiyak ako sa harapan mo no'n," pabirong sabi niya rito kaya nagkatawanan silang dalawa. Pagkuwa'y napasulyap siya sa may kitchen entrance at nakita niya roon si Cross. Tatawagin na sana niya ito nang bigla itong tumalikod kaya nalaglag ang mga balikat ni Rione.
Baka nahihiya itong humarap sa kanya dahil sa nangyari kagabi.
"So, boyfriend mo ba 'yong kasama mong lalaki kagabi?" tanong ni Lucas.
"Hindi...pa."
"Talaga? Pero na-intimidate niya ako ha. Baka kung nagtagal pa ako sa pakikipag-usap sa'yo kagabi ay namatay ako sa tingin niya. Pakiramdam ko ay niligtas ako ni Macy kagabi," biro ni Lucas.
Binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti. "Gusto niya ako. Takot lang siyang aminin 'yon sa sarili niya dahil pakiramdam niya'y hindi ko siya matatanggap."
Nang makaalis si Lucas ay agad na hinanap ni Rione si Cross. Natagpuan niya ito sa may garden habang nakatingin sa hammock.
"Ah, nagre-reminisce ka ng nangyari kagabi?" nanunuksong bungad ni Rione dito.
Kunot-noong napalingon ito sa kanya. "May...iba bang nangyari kagabi?" tanong nito.
Hindi sigurado si Rione kung nagkukunwari lang ba si Cross na hindi matandaan kung ano ang nangyari kagabi o talagang lasing ito kagabi kaya hindi nito matandaan ang lahat? "Wala ka talagang matandaang nangyari kagabi?"
"Iyong nangyari lang hanggang sa truth or dare. Naalala ko ring humiga ako sa hammock. Pagkatapos no'n, wala na," ani Cross. Hindi makapaniwalang napatingin lang dito si Rione.
Shit. Kung kalian naman napaka-unforgettable sa'kin ng nangyari, 'yon pa ang hindi niya matandaan. "Sa totoo lang, umamin ka sa'kin na gusto mo ako," seryosong sabi niya rito.
BINABASA MO ANG
A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark Sinner
Romansa"Do you know the truth about forever? It's you and me." Nangangailangan si Rione ng subject para sa isinusulat na nobela. Kaya nagpasya siyang magpunta sa paboritong coffee shop para maghanap ng lalaking papasa para maging hero niya. Eksakto namang...