Chapter 6

1.5K 62 12
                                    

ALAS-TRES ng madaling-araw ay bumangon si Rione dahil nakaramdam siya ng gutom. Hindi kasi siya nakakain ng hapunan kahapon dahil sa sobrang panic at stress. Pagkauwi niya sa kanilang bahay ay agad naman siyang nakatulog. Kaya bumaba siya sa kanilang kusina para kumain. Nagulat siya dahil nakita niyang nakabukas ang isang ilaw sa may kusina at nakaamoy siya ng bacon. Naisip niyang baka isa iyon sa mga kuya niya na maaaring late umuwi dahil sigurado siyang tulog na ang kanilang mga kasambahay.

Pagdating ni Rione sa kusina ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nadatnan: isang hubad-barong lalaki—at hindi ito isa sa mga kuya niya! May "X" tattoo sa batok ang lalaking ito kaya alam niyang hindi ito isa sa mga kuya niya. Isa pa'y mas matangkad ang lalaking ito sa mga kuya niya. Pero agad na nag-zoom in ang tingin ni Rione sa maganda, matikas at malapad nitong likod—down to his oh-so-awesome butt na kitang-kita sa fitted nitong black Adidas sweat pants na tangi nitong suot maliban sa silver chain na nakatali sa leeg nito.

Sexy back. Yum! hiyaw ng "erotic mind" ni Rione. Ang sabi ng iba, 'bad news' daw ang mga lalaking may tattoo. Pero naa-attract si Rione sa mga ganoong lalaki. Ang hot tingnan ng mga ito. Pero siyempre, ayaw naman niya noong puno ng tattoo ang katawan ng isang lalaki.

Ang perv mo lang, Rione, anang isang bahagi ng kanyang isipan pero inignora niya iyon. Natural lang para sa kanya iyon. Pero hindi ba dapat ay matakot ka ngayon dahil may hindi kilalang lalaki na nasa kusina ninyo?

"Sino ka?" pasigaw na tanong niya rito. Medyo walang dating ang tanong na iyon dahil nakatutok pa rin ang atensyon niya sa katawan nito. Nang humarap sa kanya ang lalaki ay napasinghap siya—nagulat sa nakita.

"Anong ginagawa mo dito?" sabay nilang bulalas ni Cross.

Yes, si Cross na kiss and run ang naging drama sa kanya. Ano'ng ginagawa nito sa bahay nila? Biglang nagising ang buong diwa niya pagkakita dito. Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa.

Magulo ang buhok nito—baka kakagaling lang sa kama, well, obviously. Tila nang-aakit ang kulay-asul nitong mga mata, na medyo nanliliit pa sa pagtingin sa kanya—Oh my gosh! Hindi pa ako ready! Pero ang pinaka-matinding "sight" na halos makapagpanganga kay Rione ay ang parte ng tiyan nito. Mali siya sa pag-aakalang ang mga lalaking may six pack-abs ay "the best" na. Because this guy has eight!

I wanna lick it. I wanna lick it, kanta ng "erotic mind" niya hanggang sa naging "I wanna lick him" na iyon. Shit. Bumalik sa kanyang alaala ang pinagsaluhan nilang halik nang nagdaang araw. Gusto niya muling maulit iyon. Ah, ibibigay niya ang lahat para muli siyang mahalikan ni Cross.

Desperada much?

"Maaga pa. Bakit gising ka na?" tila naiinis na tanong ni Cross.

"To lick you up."

"Ano?" sigaw ni Cross sa kanya.

Shit. Nasabi ko ba ng malakas ang sa tingin ko'y nasabi ko? Shiiiiiiit!

"Eat your..." Na-distract na naman siya sa abs nito kaya napatitig siya roong muli hanggang sa bumaba ang kanyang tingin sa may gitna ng katawan nito.

"Ha?" muling sigaw ni Cross.

"Bacon. Eat your bacon," aniya saka siya tumikhim. Dahil naramdaman niya ang pag-iinit hindi lang ng kanyang katawan kundi pati na ng kanyang mukha'y sigurado si Rione na pulang-pula na siya ngayon.

Pero hindi niya inaasahang pati si Cross ay mamumula rin. Shit! Ang cute niya.

"Uy, nag-blush siya. Kinikilig," tudyo niya rito.

"Hindi ako nagba-blush. I don't fucking blush!" tanggi ni Cross—para itong isang bata. Sinong mag-aakala na sa laking bulas ni Cross ay marunong pala itong maging cute?

A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon