Chapter 2

1.9K 49 8
                                    

"WHAT happened inside the bus?" curious na tanong ni Rione kay Grey matapos nitong mag-kwento—at ni Cady—tungkol sa love story ng mga ito—ang pinakahihintay niyang kwento. Ngunit ngumiti lang si Grey ng makahulugan sa kanya dahilan para ma-torture siya. Pakiramdam ni Rione ay hindi niya malalaman kahit kailan kung ano ang nangyari noon. "Kapag hindi mo sinabi sa'kin, kahit ano ang pwede kong ilagay ro'n ha?"

Rione was a romance novelist "majoring" in love scenes. Ha-ha. Hindi pa siya confident tawagin ang sariling "erotic writer" kahit iyon na ang bansag sa kanya ng iba niyang readers dahil pakiramdam niya'y kulang pa sa steam ang kanyang mga sinusulat. After all, sa light at romantic comedy novels siya nagsimula. Nagsimula lang naman ang mga "love scenes" niya nang mahilig siyang magbasa ng erotica dahil iyon ang uso nowadays. Two years na siguro ang nakalilipas mula nang una siyang magsulat ng nobelang may love scene at habang tumatagal ay "lumalala" ang mga iyon.

Ayon sa ilang blog review na nabasa niya tungkol sa kanyang recent book releases ay kulang daw sa "deep feelings" ang kanyang mga istorya dahil masyadong nagfo-focus ang mga iyon sa love scenes. Mabuti pa daw iyong mga dati niyang libro na kahit light novels ay talagang may istorya. Kaya ngayon ay plano niyang gumawa ng link sa dati niyang atake—at voice—sa kasalukuyan niyang gawi. At pakiramdam niya'y ang soon-to-be-wed couples na sina Stark at Haze at Grey at Cady ang solusyon sa problema niyang iyon.

Ang ginagawa ni Rione na trilogy ngayon ay ibinase niya sa mga totoong taong nadiskubre niya sa internet at magazines. Nafi-feature sa Weddings ang mga couples na malapit nang ikasal at nagbabahagi ng preparasyon ng mga ito para sa kani-kanilang engrandeng kasal. There were several couples on the magazine but two love stories caught her attention and she was very thankful to them. Dahil nabitin si Rione sa istoryang nakasulat sa magazine ay naglakas-loob siyang magpakilala at interview-hin ang dalawang couple na kanyang napili.

Pero siyempre ay hindi agad pumayag ang mga ito sa kagustuhan niya—na inaasahan naman na niya. Walang problema kay Cady—ang fiancée ni Grey—dahil agad itong pumayag sa interview niya. Pero tumutol doon si Grey. Kaya para makuha ang loob ni Grey ay nag-offer si Rione na maging personal assistant nito pansamantala—isang linggo—habang abala sa pinapagawa nitong coffee shop si Cady—na siya ring sekretarya at personal assistant nito.

"Oh, you're an erotic writer. You could figure it out," maya-maya ay sabi ni Grey.

"Grey!" nanaway namang sabi ni Cady kay Grey na tapos nang maghanda ng merienda nila.

"Oh, my God!" bulalas ni Rione. Napa-facepalm siya pero pagkuwa'y natawa rin dahil nakita niyang pulang-pula ang mukha ni Cady.

Kasalukuyan silang nasa ipinapagawang coffee shop ni Cady na malapit nang matapos. Plano pala ng mga itong ipatapos muna iyon bago ang kasal dahil iyon ang regalo ni Grey para kay Cady. Sweet. Larawan talaga ang mga ito ng isang masayang pares. Nakaramdam siya ng matinding inggit sa mga ito at humiling na sana'y makahanap na rin siya ng sarili niyang Grey—minus the wicked tyrancy.

"So, okay ka na?" tila apuradong tanong ni Grey sa kanya. After all, pumayag lang ito sa interview na iyon—kahit wala pang isang linggo—dahil nagsasawa na raw ito sa mukha niya. As expected from the wicked tyrant.

Umiling siya. "How do you want your story to end?" tanong niya kina Cady at Grey.

"Like this," ani Grey, saka hinapit palapit si Cady at hinalikan ito—full on the lips.

Great. Nang-inggit pa sila. Oh, well.

"And they lived happily ever after, people," sigaw niya sa mga trabahador na nag-aayos ng loob ng coffee shop. Pagkuwa'y pumalakpak siya para awatin sa ginagawa ng mga ito ang dalawang lovers. "Hintayin n'yo naman muna akong makaalis bago kayo mag-chukchakan."

A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon