Chapter 3

1.8K 60 10
                                    

ONE WEEK later.

Habang gumagawa si Cross ng ibang trabaho sa laboratory niya sa Black Cosmos ay nagagawa pa rin niyang bantayan si Rione sa pamamagitan ng hidden camera—na in-implant niya sa Doraemon stuffed toy nito—at nang mga CCTV cameras na nakapalibot sa bahay ng mga Eduque. Kompara sa pagbabantay niya dito sa labas ay mas marami pa siyang nalaman tungkol kay Rione sa pananatili nito sa loob ng bahay—partikular na sa pananatili nito sa loob ng kwarto.

Napatunayan niyang Queen of Misfortunes si Rione dahil kahit nasa loob lang ito ng kwarto nito'y napapasabak pa rin ito sa gulo. Sa loob ng isang linggo ay nasangkot ito sa tatlong online rumbles. Ang isa'y may kinalaman sa negative feedback tungkol sa isang nobela nito. Hindi naman ito ang nagsimula ng awayan—sa pagitan ng reviewer at loyal reader ni Rione—ngunit ito ang sentro niyon. Ang isa nama'y tungkol sa bagong K-Pop idol group na ginawan nito ng blog post na nagpapahiwatig na loyal si Rione sa isa pang idol group. Nahanap iyon ng fans ng bagong idol group at minasama iyon ng mga ito. Hindi nagtagal ay nahanap din ang blog na iyon ng fans ng isa pang sangkot na idol group dahilan para pagsimulan ng fanwar ang mismong blog post ni Rione.

At ang pinaka nakakaloko sa lahat ay nang mag-post si Rione ng picture nito at ni Mico—na kapitbahay ng mga Eduque—sa Facebook dahilan para awayin ito ng girlfriend ng lalaki at ng mga kaibigan nito. Iyon pala'y nagpaalam si Mico sa nobya nitong may importanteng gagawin pero lumabas na binisita lang ng lalaki si Rione. Totoong may ginawang importante si Mico nang araw na iyon. Dumaan lang ito kina Rione dahil matagal nang hindi nagkikita ang dalawa. Akala niya noong una'y tiwala lang ang issue sa magkarelasyon pero ayon kay Mico ay matagal na daw itong nagtitiis sa ugali ng nobya nito kaya nagdesisyon na itong makipagkalas sa babae. Malas lang ni Rione dahil akala ng mga taong hindi alam ang mga nangyari'y ito ang dahilan ng break-up, gayong ang totoo'y naipit lang ito sa gitna ng isang hindi matatag na pagsasama.

Isa pang bagay na nadiskubre niya tungkol kay Rione ay hindi ito people person. Wala itong ginawa sa tatlong online rumble na kinasangkutan nito pero alam ni Cross na nagbabasa ito ng comments sa mga iyon. Ilang beses din niya itong napanood na umiyak at isang tao lang ang kinakausap nito tungkol doon—si Jang na kaibigan nito mula elementarya at siya ring editor nito.

"Ayaw mo pa rin banag sumama sa mga book signing events? Gustong-gusto ka ng makita ng mga readers mo," sabi ni Jang kay Rione dalawang araw na ang nakararaan.

Narinig ni Cross ang pinag-usapan ng mga ito dahil t-in-ap niya ang phone ni Rione.

"No. Hindi mo na dapat tinatanong pa sa'kin 'yan dahil alam mo namang pumirma ako ng kontrata na hindi kasama ang book signings, 'di ba? Isa pa, alam mo naman kung ano ang nangyari no'ng una at huling beses akong sumama sa book signing," sagot naman ni Rione kay Jang.

"Pero hindi mo naman kasalanan ang nangyari," kontra ni Jang dito.

Hindi alam ni Cross kung ano ang nangyari noon pero naguluhan siya sa personalidad ni Rione. Dahil madalas niyang makitang masaya, magiliw at confident si Rione na siyang first impression niya rito. Pero nalaman niya mula kay Sunder na dinidibdib daw talaga ni Rione ang mga insidenteng kinasangkutan nito.

"Hindi ugali ni Rione na umiyak sa harapan ng mga tao. Ayaw niyang ipakita ang weakness niya sa iba. She's optimistic, pero naaapektuhan talaga ng kamalasan niya ang will niyang makisalamuha sa mga tao. Masama ang tingin niya sa kanyang sarili to the point na nakakainis na para sa mga taong nagmamahal sa kanya na makita siyang gano'n. Lapitin siya ng disgrasya kaya ayaw niyang makipaglapit sa mga tao. Iniisip kasi niyang mahahawa ang mga ito sa kamalasan niya. Kaya mas pinili niyang maging writer kaysa magtrabaho sa isang kompanya para sa bahay lang siya. Para walang ibang taong makalapit sa kanya. Kaya minsan din lang siyang lumabas. Malaking hakbang para sa kanya ang paglapit niya kina Del Pierro and Alvarez. Pero masaya kami dahil nagkusa siyang makipag-interact sa ibang tao at walang nangyaring masama sa mga taong 'yon," paliwanag ni Sunder kay Cross noon.

A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon