Chapter 4

1.6K 54 15
                                    

"MISS Rione, okay ka lang?" untag ni Syrene kay Rione.

"Eh?" maang na tugon niya rito. Shit! Wala na si Cross sa harapan niya. Agad niya itong hinanap at nakita niyang patungo ito sa pinakadulong mesa ng café.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Rione at sinundan niya ito. Pero nang halos makalapit na siya rito'y bigla itong huminto sa paglalakad. Hindi naman siya nakapag-preno agad sa paglalakad kaya sa paghinto ni Cross ay bumangga si Rione sa likuran nito. Mabilis siyang lumayo rito at ganoon din naman ang pagharap ni Cross sa kanya.

"Sorry," hinging-paumanhin niya rito.

Si Rione naman ngayon ang matamang tiningnan ng lalaki. Kasunod niyon ay ang paghagod ng tingin ni Cross kay Rione mula ulo hanggang paa na ikina-conscious niya.

"Don't even think about having a fucking chance with me. You're not my fucking type. Not even a fucking bit," sabi ni Cross sa malamig at magaspang nitong pananalita. Naloloka na yata siya dahil "hot" ang dating niyon para kay Rione.

"Beautiful face. Beautiful body. Horrible attitude. It was the holy trinity of hot boys," ayon nga kay Jennifer L. Armentrout. Cross was the perfect epitome of the holy trinity of hot boys.

"But I like you," pa-cute na sabi ni Rione kay Cross. Pero wala siyang pakialam kung hindi ma-cute-an sa kanya si Cross. Ah, perfect talaga siyang maging subject ko at gagawin ko ang lahat para makuha siya!

Iyon nga lang, na-offend ang legs niya sa sinabi ni Cross. Ang legs niya ang pinaka-asset niya. Maraming nagsabi na makinis, maganda ang hubog at maputi ang legs niya. Kaya hindi nga siya nahihiyang mag-short. Pero hindi man lang iyon nagustuhan ni Cross?

Mataas ang standards niya, Rione. Sa gwapo ba naman niya na 'yon? Besides, katawan lang niya ang kailangan mo, hindi puso, anang isang bahagi ng isipan niya.

Pero parang gusto ko ring isama pati puso niya. Napangiti si Rione sa kanyang sarili. Paano nga kaya kung makilala niya ng maayos si Cross at ma-in love siya rito?

So? Paano kung hindi siya ma-in love sa'yo? anang atribidang isipan niya.

Sa halip na sagutin ni Cross ay nilampasan lang nito si Rione at tinungo ang pinaka-dulong mesa ng café. Na-alerto si Rione kaya agad niya itong sinundan. Pagkuwa'y walang paalam na umupo siya sa tapat nito.

"I'm Rione. Ah, I just need a few minutes of your time. May mga gusto lang akong malaman. Kaunti lang naman. Para sa trabaho ko lang. Okay?" simula niya rito habang abala si Cross sa pagitan ng pag-inom ng kape nito at pagpipindot sa cell phone nito.

"Masasayang lang ang oras mo dahil wala akong sasagutin kahit ano sa tanong mo," sabi ni Cross na hindi man lang nag-angat ng tingin kay Rione.

"Sumagot ka na," nakangiting sabi ni Rione dito. Nag-hello sa kanya ang 'pag-asa'. "Ano'ng work mo? May girlfriend ka ba? Tinatanong ko ito para sa trabaho ko ha. 'Wag kang mag-isip ng kung ano pa. Trabaho lang."

Pero hindi pa rin siya sinasagot ni Cross. Grabe! First time ko yatang ma-reject ng bonggang-bongga.

"Okay. Kahit 'wag mo nang sagutin ang lahat ng 'yon. Ito na lang, saan ka nakatira? Hindi kita ii-stalk. Promise!" pagkuwa'y sabi ni Rione.

Noon nag-angat ng tingin si Cross kay Rione kaya napangiti siya. Sinalubong ng kulay-asul nitong mga matang tila bumibighani sa kanyang puso ang tingin ni Rione. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may isang emosyon siyang nabasa sa mga mata nito. Longing. At hindi niya alam kung bakit ganoon din ang naramdaman niya ng titigan niya ang mga mata nito.

"Your fucking phone," maya-maya'y untag ni Cross sa kanya.

"Ha?" maang na tanong niya rito. Saka niya na-realize na nagri-ring pala ang cell phone niya—na nasa kanyang short pocket. Tumatawag ang isang numerong hindi pamilyar sa kanya. Nagpa-excuse siya kay Cross pero hindi pa rin siya umaalis sa mesa nito. "Hello?"

A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon