'DON'T hold back'? What the fuck, Cross? kastigo ni Cross sa sarili patungkol sa sinabi niya kay Rione kanina. Ang lakas ng loob niyang magbigay ng advice. Pero hindi niya alam kung bakit niya nasabing tutulungan niya itong makahanap ng isang boyfriend. Siguro'y dahil naramdaman niyang responsibilidad din niya iyon bilang bodyguard nito? What the fuck?
Pero dahil sa nangyaring pag-uusap nila kanina ay parang alam na ni Cross kung bakit sa kanya ibinigay ni Sir Alex ang assignment na ito—dahil may pagkakaparehas sila ni Rione. They're both drowned in so much guilt that they had refused to live their lives to the fullest. Marahil ay naisip ni Sir Alex na kapag nagkakilala silang dalawa ay magagamot nila ang "sakit" na iyon. Parang "misery loves company", na silang dalawa ang makakatulong sa isa't isa.
"So, this is your infamous lair," ani Rione nang makapasok sila sa laboratoryo niya sa Black Cosmos.
Isinama niya ito roon para kuhanin ang isang pares ng communication device na madalas nilang gamitin sa operasyon—para sa misyon niyang tulungan itong makahanap ng boyfriend. Pero sa paraan ding iyon ay malalayo ang isip nito sa nangyaring theft at kidnapping incident.
"Hindi ito sa'kin. Share kami dito ni July," sabi naman niya rito.
"Ah. Ang sabi ni K, 'evil genius' ka daw kasi mahilig kang mag-imbento ng mga bagay na pang-end of the world," sabi ni Rione. Napapikit si Cross dahil sa sinabi nito. Ano pa ang sinabi ni Kareene dito?
"Hay, si Kareene...FC din. Hindi porke alam niya ang tungkol sa nakaraan ko ay kilala na talaga niya ako," seryosong sabi niya rito.
"Pero at least, kilala ka niya kahit paano. Anyway, thank you nga pala sa apples noon, sa treat sa chocolate café at sa pagiging bodyguard ko kahit ayaw mo," nakangiting sabi ni Rione pero napansin niya ang lungkot sa tinig nito.
Shit. "Sinabi ko sa'yong kalimutan mo na 'yon."
Sa halip na sagutin siya ay binigyan siya ng isang makahulugang ngiti ni Rione. Pagkuwa'y lumapit ito sa kanya at may iniabot na paper bag. "Ano 'to?"
"Eye glasses. Para hindi ka na mahirapang gumamit ng contact lenses para itago ang mga mata mo," paliwanag nito saka mataman siyang tinitigan. Ipinaliwanag na niya rito kanina kung bakit nagsusuot siya ng contact lenses. Hindi niya akalaing bibilhan siya nito ng salamin. "Hindi ko talaga ma-gets kung bakit kailangan mong itago ang mga 'yan. They're gorgeous. Dapat maging proud ka. Asset mo 'yan eh. I'm sure the girls would like them."
"I don't want them to like them."
"Bakit? I like them," sabi naman ni Rione. Kinuha nitong muli sa kanya ang paper bag at ito na mismo ang nagbukas sa salamin na laman niyon. Pagkuwa'y sapilitan nito iyong isinuot sa kanya. "Wah, kamukha mo na si Superman."
"Salamat dito pero hindi mo na kinailangan pang mag-abala. Kaya kong bumili nito at alagaan ang sarili ko," aniya rito.
"Whatever," anito saka unti-unting lumapit sa kanya hanggang sa halos magdikit na ang tungki ng kanilang mga ilong.
Bumalik sa kanyang alaala ang pinagsaluhan nilang halik noon. Fuck. Nag-init ang buong katawan niya. Napalunok siya ng tingnan ang mga labi ni Rione. Nag-flashback sa kanyang isipan ang nangyari noon sa kanila. Naalala niya kung ano ang pakiramdam ng mga labi nito. Ngunit nang mga oras na iyon ay tila isang bato si Cross na nanigas at hindi makalagaw. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin Heck, ilang babae na ang nahalikan niya pero iba itong si Rione. Hindi nito alam kung ano ang epekto nito sa kanya.
Pagkuwa'y bigla na lang itong ngumiti sa kanya. "Walang makakakita sa mga mata mo unless lumapit sila ng ganito sa'yo."
The little witch sounded as if she had just claimed him. Kaya bakit hindi ka na lang magprisinta bilang boyfriend niya? udyok sa kanya ng isang bahagi ng kanyang isipan. Pero mariin niya iyong kinontra. B-A-W-A-L!
BINABASA MO ANG
A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark Sinner
Romance"Do you know the truth about forever? It's you and me." Nangangailangan si Rione ng subject para sa isinusulat na nobela. Kaya nagpasya siyang magpunta sa paboritong coffee shop para maghanap ng lalaking papasa para maging hero niya. Eksakto namang...