Chapter 5

1.6K 51 7
                                    

OH, GOD. Iligtas N'yo po sila. Please, iyon ang paulit-ulit na dalangin ni Rione habang naghihintay ng balita tungkol sa rescue mission na isinasagawa nina Cross kina Cady at Haze. Sina Cady at Haze ang na-kidnap dahil mas open daw ang mga ito ayon kay Cross. Nang dumating sa Black Cosmos sina Grey at Stark ay higit pa sa hiya ang naramdaman niya sa mga ito. Kapag may nangyaring masama sa mga mahal nito sa buhay ay kasalanan niya.

Tanging sina Kareene at Jang lang ang kaibigan niya dahil may "pagmamahal" si Kareene sa panganib at sanay na si Jang kay Rione kaya tila immune na ang ito sa kanyang "kamalasan". Tanging ang mga ito lang at ang kanyang pamilya ang makaka-tolerate sa kanya. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama kina Cady at Haze lalo na't buntis ang huli. Walang ibang may kasalanan ng mga nangyayari kundi siya. Dapat talaga ay hindi na lang siya lumalapit sa ibang tao para ma-solo niya ang kamalasan niya.

Kahit ilang bilyong diyamante pa ang laman ng Doraemon bag na 'yon, hindi pa rin niyon mapapantayan ang buhay ng mga tao, isip-isip ni Rione dahil nang buksan nina Cross ang stuffed toy bag niya ay lumabas doon ang maliliit na diamonds na siyang target ng mga nang-kidnap kina Cady at Haze—na dapat naman talaga ay siya. Kaya nagkampo muna siya sa kwarto ni Cross—kung saan siya dinala ni Kareene. Doon ay nagkaroon ng space at tsansa si Rione na magdasal para sa kaligtasan ng kanyang mga kaibigan at sa mga taong magliligtas sa mga ito pati na rin ang umiyak.

Lahat ng pent up emotions na pinipigil niyang lumabas kanina habang kaharap sina Grey, Stark, Cross at ang mga taga-Black Cosmos ay lumabas ngayon. Hindi talaga siya sanay umiyak sa harap ng ibang tao. Umiiyak lang siya kapag mag-isa siya. Ayaw kasi niyang mahirapan din ang mga ito kapag nakita siyang umiyak. Umiyak siya dahil sa matinding takot at pangamba para sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya kakayanin kapag nalaman niyang may nasaktan sa isa sa mga ito. Inaamin niyang mahina siya. Humuhugot lang naman siya ng lakas sa kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi naman ganoon karami. She was sheltered. Kaya hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin kanina. Nagbibiro siya pero sa loob-loob niya'y sobrang kinakabahan at natatakot na siya. Pagkuwa'y naramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib at hindi na naman siya makahinga ng maayos.

"Rione?" tawag ng isang pamilyar na tinig sa isang bahagi ng silid—si Cross. Nandito na ito kaya ibig sabihin ay nakabalik na ang rescue team.

Umayos siya ng upo para harapin ito ng maayos. "Ano'ng nangyari? Sabihin mo sa'kin na maayos ang kalagayan nila. Please," sabi niya rito.

"Okay na sila. Pero para makasiguro ay dinala sila nina Grey at Stark sa ospital," sabi ni Cross.

Thank God. Kahit na ayaw niyang may makakita sa kanyang umiiyak ay hindi niya napigilan ang mga luhang pilit na kumawala sa kanyang mga mata. Maya-maya'y naramdaman niya ang pagpulupot ng malalakas na bisig sa kanyang katawan. Isang pamilyar na init ang lumukob sa kanyang katawan, pero hindi iyon naging sapat para kalmahin si Rione.

"Hush, I'm here. It's okay."

Nakita niya si Cross na may panic sa mga mata. Nakabalik na ang mga ito. Humugot si Cross ng isang malalim na buntong-hininga saka nito naisuklay ang kamay sa buhok. Nasasaktan at nahihirapan siya ngayon pero habang tinitingnan ni Rione si Cross ay pakiramdam niya'y times ten ang hirap at sakit na dinaranas nito ngayon.

Si Cross...ay ang bago niyang bodyguard. Kanina lang nalaman ni Rione. Ibig sabihin ay ito ang 'thoughtful' niyang bodyguard na nakakita ng lucky charm niya at nagbigay ng apples sa kanya. Pero pasok na pasok kasi si Cross sa criteria niya bilang bodyguard—gwapo. Sobrang gwapo, actually. Pinasaya siya ng papa niya ngayon. Para bang isang package si Cross na libreng-libre niyang buksan pero alam din niyang bawal.

"Sorry. Iniwan mo kasi ako, na-miss tuloy kita," pabiro niyang sabi kay Cross para pagtakpan ang kanyang mga luha. Dinaluhan naman siya ni Cross at mahigpit na niyakap na kanyang ikinagulat. Mukha sigurong mapanganib ang panlabas nitong anyo pero ang totoo'y may malambot at mapang-unawa itong puso. "Thank you. Kung wala ka sa tabi ko at nagbabantay sa'kin, malamang na ako ang na-kidnap ngay—"

A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon