Chapter 1

2.9K 63 9
                                    

Manila, 2014

FUCK! Fuck Fuck! Paano nangyari 'yon? hindi makapaniwalang tanong ni Cross sa sarili. Padabog niyang inihagis ang keyboard sa kanyang mesa. Natalo siya sa larong Underground Kingdom. Ngayon lang siya sa natalo sa larong iyon kung saan mahigit dalawang taon na siyang number one.

Ang Underground Kingdom ay isa sa pinaka-sikat na online game ngayon—isang survival game na magde-determine kung sino ang top gamer na hahawak sa "Underground Kingdom". Para iyong Tekken, hindi nga lang iyon isang role-playing game dahil mismong ang player ang gagawa ng sarili nilang avatar. Sa online gaming na iyon niya pinapalipas ang oras. Siya si "Count X" ang kasalukuyang namumuno sa "Underground Kingdom"—or rather, siya ang former lord niyon dahil natalo na siya ngayon ni "Rapture".

It's coming, sabi sa sarili ni Cross. At katulad ng inaasahan niya, sandali lang ay nag-pop-up na sa kanyang computer screen ang isang direct message ni Rapture.

Rapture: I won! Bleh.

Count X: I want a rematch.

Rapture: Fine, babe. Just promise to grant my wish if I win again, 'kay?

Count X: Okay.

As if, papayagan kong manalo ka ulit, sabi ni Cross sa sarili. Hinding-hindi niya pagbibigyan ang sarili kapag natalo siya ng isang babae sa ikalawang pagkakataon.

Sa sumunod na oras ay naglaro muli sila ni Rapture. Best of five ang labang iyon at sa kasalukuyan ay dalawa na ang panalo niya. Nasa ikatlong laban na sila ng marinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang laboratoryo. Hindi siya nag-abala pang tingnan kung sino ang dumating dahil naka-pokus ang buong atensyon niya sa kasalukuyang laro.

"Uh, Cross?" narinig niyang tawag sa kanya ni July—ang technical at security agent na partner ni Cross.

"Tumahimik ka," mariing sabi niya kay July na hindi man lang tumitingin dito.

"Xander, dapat mong irespeto ang nakakatanda sa'yo," anang tinig ni Sir Alex Eduque—ang dating director ng Black Cosmos. Napaungol si Cross dahil sa pagtawag nito sa kanya sa tunay niyang pangalan kahit alam nitong ayaw na ayaw niyang tinatawag na "Alexander" o "Xander".

Fuck! mura niya sa sarili dahil hindi niya alam kung ititigil ba niya ang paglalaro—at matalo kay Rapture—o ituloy pa rin iyon—at makakuha ng demerit kay Sir Alex kahit sanay naman na ito sa pagiging "rogue" niya. Para siyang walang utang-na-loob gayong ito ang nagbigay sa kanya ng ikalawang pagkakataong mamuhay ng maayos.

"'Underground Kingdom'? Naglalaro ka rin pala n'yan. Mukhang uso talaga 'yan ngayon, ano? Nang umalis ako sa bahay kanina, iniwan ko si Rione doon na naglalaro din n'yan. At hindi ko man lang makuha ang atensyon niya kanina. Sige. Tapusin mo muna 'yang laro mo. Tutal ay ako naman ang may hihinging pabor sa'yo," sabi ni Sir Alex. Nagulat siya na alam ng dating direktor ng Black Cosmos pero mas napakunot-noo siya nang marinig na may hihingin itong pabor sa kanya.

Ang Black Cosmos ay isang secret service agency—parang isang ghost agency ng gobyerno na pumo-protekta sa mga mamamayan—na hindi dumadaan sa tamang proseso katulad ng mga pulis at military. In short, there's no red tape for them. Tanging ang president lang ng Pilipinas ang may alam tungkol sa tunay nilang ginagawa. Ang ahensiya ang pumupuksa sa mga underground organization na kanilang mara-radar at madalas na hindi nakakaabot sa galamay ng NBI. Kaya alam ni River ang tungkol sa Rogue noon.

Pero piling mga tao lang ang nakakaalam sa tunay na serbisyo at operasyon ng Black Cosmos. Nabuo dahil sa tiwala, prinsipyo at dignidad ang Black Cosmos. Wala pa sa limampung miyembro ang kasali sa kanilang ahensiya—mula sa mga dating sundalo at pulis at mga doctor hanggang sa mga ordinaryong tao at mga ex-con. Masasabi niyang walang social discrimination sa Black Cosmos base sa kanilang pinag-aralan. Basta ba kaya nilang gawin ang kanilang mga trabaho ng maayos.

A Villain's Tale Book 3: CROSS, The Dark SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon