Chapter 2

145 4 0
                                    

"Take care lil sis!" Napa-iling na lang ako ng makaalis na ang sasakyan ni Kuya Brix. Haaays talaga! Mamaya kukulitin ko talaga siya pagdating ko ng bahay.

Ano ba kasi ang gagawin nila? Bakit tanging ako lang ang walang alam? O baka naman...hay mababaliw na talaga ako ugh!!

"Hello!" Napatalon naman ako sa gulat ng may kumulbit sa likuran ko.

"Hi?" Sabi ko at nag-wave ng kaunti dito sa babaeng kasing tangkad ko lang.

"I'm Sophia Corpuz but you can call me Pia. I'am the representative of this school and pinatawag ako kanina ni Mrs Carol para ihabilin ka sakin so tara na?" Napakurap naman ako ng tatlong beses ng ilahad niya ang kamay niya sakin.

"I-i'm Brina" maikling sabi ko at nakipag-kamay sa kanya pero mali pala ako ng akala. Hinila niya ako papasok ng isang hallway at naglakad kami ng naglakad.

"Malaki ang school na 'to kaya di malayo na maligaw ka. Ihahatid na muna kita sa cafeteria at may itatanong lang ako sa president namin okay lang ba?" Napatango na lang ako kasi nandito na kami sa cafeteria at konti na lang students na nandito ngayon.

"Promise babalik agad ako," sabi ni Pia kaya tumango na lang ako at pumasok na lang ako sa loob at nagpunta malapit dito sa may counter.

"Hello Ms. isang juice nga po" sabi ko at tumango naman siya sakin. Habang hinihintay ko ang juice ko inilibot ko muna ang paningin sa buong paligid nitong cafeteria. Okay naman. Sure naman y'atang malinis ang pagkain nila dito.

"Excuse me?" Napatingin naman ako sa nag-excuse sakin. Laglag panga ko nang makita ko ang mukha niya. Napaka-ganda.

"A-ah?" Walang alam kong sabi. Lalo nalaglag ang panga ko ng ngumiti siya sakin. Juskong mahabag ang langit at lupa nito, parang anghel sa ganda.

"Where is the bathroom Miss?" Sabi niya kaya napaikot ang tingin ko sa kabuuan ng cafeteria at ibinaling kaagad ang tingin sa kanya pero ng mapansin ko ang kaputian niya, parang may iba.

"Hmm..do you understand filipino language?" Nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Aba! Mabuti ng nakakasiguro baka kung ano pa masabi ko, mapahiya ako sa harapan niya huhu.

"Haha oo naman," natatawang sabi niya kaya napangiti na lang ako.

"Dun sa may gilid ng cafeteria, pasukin mo lang yun tapos nandun ka na!" Masayang sabi ko kanya.

"Thanks, by the way I'm Shalla" sabay abot ng kanang kamay niya sakin. Napangiti na naman ako ng malapad dahil sa wakas may makakakilala na agad ako.

"I'm Brina Shane but you can call me Brina if you want to." Nakangiting sabi ko at inabot ko ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad at nag-shake hands kaming parehas!

"Nice to meet you Brina" sabi ni Shalla at nagpaalam na pupunta na siya sa bathroom.

"Excuse Ma'am here's your order po" bigla ako natauhan at agad na tumingin sa aleng binilhan ko pala ng juice. Grabe naman ang ganda ni Shalla, pero may napapansin talaga ako kakaiba sa kanya. Feeling ko may sakit siya. Leukemia kaya? Ang putla kasi ng balat niya or sadyang napakaputi lang talaga.

"Thanks po" sabi ko at naglakad na sa isang mesa na malapit lang sa kinatatayuan ko.

Inilapag ko ang in-order kong juice sa table at saka humila ng upuan bago naupo.

Habang umiinom ako isang lalaki ang pabalang na naupo patalikod sa katabi kong lamesa.

"Get me some drinks!" Napatalon ang balikat ko sa gulat ng bigla na lang sumigaw ang kadarating pa lang na lalaki. Pati ang babaeng inorderan ko kanina ay hindi na alam ngayon kung ano ang gagawin niya.

"Faster!"

"Y-yes sir!" Napatingin naman ako sa lalaking nakataas pa ang dalawang paa sa table nitong cafeteria. Hays, teacher ba 'to? Bakit ganito na lang ang pag-asta nito?

Ang nakapagtataka pa, bakit tinawag ni ate na sir yung lalaking sigaw ng sigaw. Hays.

Ininom ko na ulit ang juice na binili ko pero agad din nakuha ni ate ang atensyon ko nang maglakad-takbo na ang ginawa niya para lang maihatid yung inuutos na drinks nitong lalaki.

"I-ito na po sir, sorry po kung natagalan" halos mautal ang babaeng ito sa pagsasalita ng mailapag na niya yung mga juice sa table.

"Stupid!" Bigla ako napatayo nang bigla na lang itapon lahat ng lalaking ito ang mga inumin na dinala sa kanya.

"Hoy!" Sigaw ko. Sorry naman, di ka mapigilang makagawa na ng eksena 'e, kanina pa kasi sumosobra ang lalaking 'to feeling hari nitong cafeteria.

"Para kang ano! Ikaw na nga ang dinalhan ng mga drinks na inutos mo sasabihan mo pa siya ng stupid?" Pandidiin kong sambit sa kanya kahit na nakatalikod pa rin siya sakin.

"Ma'am hindi niyo na po kaila------" mabilis kong inilagay ang hintuturong daliri sa lips ko, pahiwatig na shut up na muna siya.

"Sino ka ba ha!" Nanggagalaiting sabi ko kahit na gustong-gusto ko nang isigaw 'yon.

Napatigil ako at ang babaeng basang-basa na ngayon dahil sa drinks nang bigla na lang tumayo itong si lalaki.

Pero nang humarap siya sakin, nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Siya yung naka-encounter ko sa airport! Yung sinigawan ko ng impakto! Kahit na alam kong siya ang may gawa nung pagkakabangga ko ay pilit na ako pa rin ang sinisisi niya.

Nakatingin din ang mga mata niyang mapanuri sakin. Pero lalo akong kinabahan ng bigla siyang ngumisi. Teka, naaalala niya kaya ako? Hala! Sana hindi!

"So, who's the impakto?" Tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko nang mapagtantong narinig niya pala ang sinigaw ko ng magkasalubong kami sa airport.

"Mr. President! Nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap ehh," napatingin ako sa babaeng hingal na hingal pa habang nagsasalita pero lalong nanlaki ang mata ko sa napagtanto ko.

"Hey Brina, magkakilala kayo nang school president?" WHAT!? School President siya? Siguradong lagot ako nito huhu..

My Fiancé is My Enemy (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon