“Luke,” saad ni Hans at napahawak na sa labi niyang may kaunting dugo.
“Hala Hans,” lalapitan ko na sana si Hans nang hilahin ni Luke ang kamay ko papunta sa likuran niya.
“Don't come near her, again.” rinig kong sabi ni Luke ng tuluyan na niya akong hilahin papaalis sa lugar na 'yon.
Nginitian lang ako ni Hans at sinabing “I'm okay.”
Hindi na ako nakapag-sorry sa kanya dahil hanggang sa makalabas kami ng school ground ay hawak-hawak pa rin ako ni Luke at hila-hila pa rin.
Nakita ko kung paano nagtaka ang mga istudyante sa kanyang ginagawa.
“Luke—”
“Shut up.” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pangunahan niya na ako.
Napatungo na lang ako dahil hindi ako sanay na tinitingnan ng maraming tao.
Dahil sa malalaking hakbang ng paa ni Luke eh parang tinatakbo ko na ito.
Huminto lang siya sa paglakad ng marating na namin ang tapat ng pinto ng classroom. Binitawan na niya ang kamay ko pero nanatili pa rin siyang nakatalikod sakin.
Pero agad din akong napatungo ng tingnan niya na ako. Nakita ko pa kung paano pa siya napa-face palm dahil sa ginawa ko.
Teka—ano nga bang ginawa ko? Nag-uusap lang naman kami ni Hans ng bigla na lang siya sumulpot at suntukin ito ng walang dahilan.
“Luke—”
“I said, shut up.” bigla ako napatikom ng bibig ng magsalita siya. Pero I have a reason naman.
“Luke hindi ko naman kasi—”
“Kaya pala,” bigla akong nagtaka ng sabihin niya iyon.
“Anong kaya pala?”
“Tapos ngayon nagmamaang-maangan ka pa? Wow!” sarkastiko niyang sabi at nagpameywang pa.
“H-hindi kita maintindihan Luke,” mahinahon kong sabi bago inilibot ang tingin ko. Pinapanood na nila kami.
“Luke napakaraming students sa paligid natin.” dugtong ko pa kaya naman marahan niya akong tiningnan.
“Nag-breakfast ka na?” nagulat ako sa tanong niyang iyon. Nakainom na naman ba ulit siya?
“H-huh?” tugon ko sa kanya. Imbis na sagutin ang tanong niya eh 'yan pa talaga ang sinabi mo Brina. Hays.
“Kung nag-breakfast ka na? Hindi ba sinabi sayo ni manang na sabay tayong magbe-breakfast?” tanong niya pa kaya napatingin na lang ako sa mga mata niya.
“Nagmadali kasi ako—”
“Kasi may pupuntahan ka? Ganun ba 'yon para iwan mo akong mag-isa sa hapag kainan?” putol niya sa sasabihin ko.
“A-ah kasi—”
“Kumain muna tayo.” nagulat ako ng sabihin niya iyon. Halos pati lahat siguro na istudyante na nasasaksihan kung paano ako kausapin ni Luke eh nagulat din sa sinabi niya.
“S-sige,” nahihiya kong sabi kaya kinuha niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa school cafeteria.
Hindi ko talaga alam kung ano ang balak ni Luke sa buhay niya pero bakit? Akala ko magagalit siya dahil nakita niya akong kasama si Hans. Pero bakit siya pa itong mahinahon sakin?
Makailang minuto naming nilakad ang daan patungo sa school cafeteria ng magka-hawak kamay.
Hindi na lang ako nagsalita dahil si Luke amg kasama ko at ang nakahawak sa kamay ko. Wala akong magagawa para pigilan siya sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is My Enemy (On-hold)
Teen FictionHindi inaasahang oras at panahon na pagtagpuin sila sa isang maraming tao. Tadhana na ba ito??? Written by: Clairemoon14 Date started: August 24, 2019 Date ended: ---------