Chapter 8

110 4 0
                                    

Iminulat ko ang aking mata bago humikab. "Happy Birthday to me!" malakas kong sabi bago gumulong ng gumulong sa kama ko.

Hindi ko namamalayan na tumatanda na ko. Hahahaha. Bakit sobrang weird mo, Brina? Hay.

Humikab muli ako atsaka napag-desisyunan ng tumayo sa pagkakahiga at dumiretso sa cr para gawin ang morning rituals.

Natapos na ko sa pag-aayos sa sarili ko. "Aren't you happy Brina?" tanong ko sa salamin habang sinusuklay ko ang buhok ko. Bakit parang kinakabahan na naman ako na ewan ngayon? Dahil ba birthday ko? Eh, si Pia pa lang naman ang ininvite ko tapos si Shalla ahh.

Napaisip ako saglit bago kinausap ang salamin. "Nababaliw ka na Brina, dapat nag-aasikaso ka na ngayon kasi pupunta ang mga Imperial dito! Hayst." sigaw ko sa salamin at tinuktukan iyon. Ano bang nangyayari sakin? Haay.

*tok tok tok*

Bigla ako napatalon sa gulat ng marinig ang katok na iyon. Sino naman kaya? Hinintay ko muna na may magsalita bago ko bubuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Ms. Brina, nasa sala's na po ang mga bisita niyo, pinapababa na rin po kayo ni Ma'am Sheena at Sir Bryan," rinig kong salita sa labas ng kwarto ko. Si manang. Huhu nandito na sila! Anong gagawin ko? Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi pagka-uwi namin sa bahay.

Flashback;

Nakauwi na kami nila Mom at Dad sa bahay at pagkababa ko ng kotse, nagulat na lang ako ng hawakan ni kuya ang braso ko bago hinigit patakbo sa loob ng bahay.

"Why are you two running?!" rinig kong sigaw ni Mom sa'min ni kuya pero parang hindi naman narinig ni kuya kaya kinurot ko yung braso niyang nakahawak sakin.

"Nothing!" sigaw ni kuya ng hindi man lang binabagalan ang pagtakbo namin. Hayst! Hinihingal na ko ah!

"Stop staring at me Brina, hindi mo pa sinasabi sakin kung sino ang may gawa sayo nyan" napa-iling na lang ako. Hindi pa rin pala nakakalimutan ni Kuya ang nangyari kanina. Napaka-ano talaga.

Dahil sa madaliang pagtakbo namin ni kuya agad kaming nakarating sa kwarto ko at pina-upo ako sa sarili kong kama. Talagang sesermonan ako nito.

"Tell me. Who's that ass?" napayuko na lang ako dahil alam kong galit si kuya. Huhu, pa'no ko sasabihin sa kanya na si Luke ang may gawa nung sa may braso ko? Na hinawakan niya yun ng mahigpit tapos isinalampak ako ng napakalakas sa pader? Hayst. Bakit kasi di ka nag-iingat Brina ha!

"Tell me!" napasinghap ako sa gulat ng sumigaw si kuya. Haaay what to do Brina?!

"I told you kuya, wala lang ito" nagsusumamo kong sabi at pinagdikit ang dalawang palad ko. Natatakot talaga ako kay kuya kapag nagagalit siya.

"Bakit feeling ko, nagsisinungaling na sakin ang kapatid ko?" marahan akong napayuko ng marinig ko ang ibinulong ni kuya sa sarili niya.

"This is my fault, I just can't believe na ikakasal ako sa ganitong edad kaya nagalit ako at sinaktan ang sarili ko. Please kuya, I didn't want to hurt myself pero nagawa ko na," mahinahon kong sabi. I'm so sorry kuya dahil nagsisinungaling ako sayo ngayon pero kapag naka-recover ka na sa galit mo, I will tell you everything.

Nang mga sandaling ito, naramdaman ko ang pag-upo ni kuya sa tabi ko at marahan niya akong niyakap.

"I'm sorry," bulong ni kuya kaya hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Grabe naman ang pag-comfort mo sakin kuya! Pinapaiyak mo naman ako eh! Para tuloy akong nagi-guilty dahil nagsinungaling ako sayo.

Hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari dahil ng mga sandaling 'yon nakatulog na ako.

End of Flashback:

Napabuntong-hininga na lang ako sa harap ng salamin. Nagpapasalamat talaga ako dahil kahit na busy si Kuya Brix sa ibang bagay, nandyan pa rin siya sakin at binibigyan ako ng time niya. Thanks to god dahil binigyan niya ako ng kapatid na katulad ni Kuya Brix.

Naka-ilang katok pa si Manang bago ko siya pinagbuksan ng pinto ng kwarto ko.

"Yes manang pakisabi po na pababa na ako," sabi ko at akmang isasarado na ang pinto ng may maalala ako.

"Wait Manang!" sabi ko kaya agad namang napatigil si manang sa paglalakad sa hallway at bumalik ulit sa harapan ko.

"Bakit po, Ms. Brina?" tanong niya.

"Na'san po si Kuya? Nasa baba na rin po ba siya?" tanong ko na agad namang nasagot ni Manang.

"Maaga siyang umalis kanina, hindi sinabi kung saan nga lang papunta." sabi niya kaya napatango na lang ako. Hay, awkward na naman ang mangyayari nito panigurado.

"Ahh thanks po Manang" sabi ko at saka pumasok nang muli sa kwarto ko.

"Kuya, bakit ngayon ka pa umalis?" kausap ko sa sarili. Bakit nga ba umalis si Kuya ng sobrang aga? Ganon ba kaimportante ang gagawin niya? Bakit di niya man lang ako binati? Hays kuya, ikaw pa naman ang inaasahan kong babati sakin ngayong araw.

Nang mapagtanto ko na ang ayos ko, bumaba na ako ng hagdan at nagpunta na sa dining area kung saan nakita ko ang bisita naming si Tita Heather at Tito Timothy na tumatawa kasama ang Mom and Dad ko. Pero parang may hinahanap ang mga mata ko. Wait, na'san si impakto?

'At bakit mo naman hinahanap Brina?' Napa-iling na lang ako sa sarili dahil alam kong si konsensya ang sumagot sakin 'non. Putek!

"Oh Hi, good morning" bati sakin ni Tita Heather ng makita niya akong patungo na sa kinaroroonan nila kaya ngumiti ako at bumati sa kanila.

"Good Morning po," bati ko kaya napatingin ako sa bandang kanan ni Tita Heather, nakita kong tinganguan ako ni Tito Timothy kaya ngumiti ulit ako at binati siya ng good morning. Wala bang nakakaalala?

"By the way, hindi nga pala namin kasama si Luke dahil kagabi pa siya hindi umuuwi" panimula ni Tito.

"Hindi ba't kasama niyo siya kahapon?" tanong naman ni Dad kaya napalipat ang tingin ko sa kanya.

"Yes, pero hindi siya sumabay sa'min. Nauna siyang umalis sakay ng motorbike niya" dugtong naman ni tita kaya napatayo ako. Wala naman akong pakialam sa lalaking 'yon eh. Bakit pa nila pinaparinig sakin ang usapan nila? Ramdam ko ang tingin nila kaya agad akong nagsalita.

"Excuse me," sabi ko kay Tita at Tito Timothy. "Mom, Dad can I go outside?" tanong ko at nagtinginan naman ang mom and dad ko sa isa't isa.

"No problem," sabi ni dad kaya agad akong naalerto at lumayo na sa kanila. Madali akong naglakad papunta sa may swimming pool area para makapag-isip naman. Nakalimutan ko pa nga ang phone ko eh, kung kelan kailangan.

Umupo ako sa may gilid nitong pool at inilagay ang dalawang paa ko sa tubig. Maaga kasi ngayon kaya medyo malamig pa ang tubig sa pool.

Ano bang balak ni tadhana at kami pa ang ipinagkasundo niya? Minsan sumasakit ang ulo ko kung totoo ba ang tadhana eh!

"Hay, bakit ba ngayon pa 'to nangyari?!" saad ko sa sarili at sinipa ng malakas ang tubig.

"Bakit kung kelan birthday ko pa?! Bwisit talaga! Napakasama mong tadhana ka!" nanggagalaiti kong sabi bago ako nagpapadyak sa tubig.

"Happy Birthday, Brina" napatigil ako sa pagpapadyak ng marinig ko ang pamilyar na boses. Napatingin ako sa may likuran ko at nakita ko si Luke na nakatayo doon at nakangiti sakin. Wait, si Luke ba 'to?

"Anong sabi mo?" nagtataka kong tanong kay Luke na ngayon ay nakangiti sakin. Ibang-iba ang pagkataong nakikita ko sa lalaking 'to. Bakit parang ang gwapo niya ngayon? Bakit feeling ko naggo-glow ang mukha niya sa paningin ko?! Weird.

***

Updated! Sorry for the late update again, hihi pero Be-lated merry christmas and happy new year!

My Fiancé is My Enemy (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon