Naglalakad na kami ni Kuya Brix papasok sa isang kilalang restaurant, or would I say na parang pang-mayamang resto. Hindi naman sa nagyayabang pero parang ganun na nga.
Ano ba! Ang gulo ko haha.
"Good Afternoon Ma'am and Sir, do you have any reservation?" tanong nung magandang babae na todo ang ngiti sa kuya ko. Aba ate, parang alam ko ang mga ngiting ganyan, flirt nga ba hahaha.
"Yes," sabi ni kuya Brix kaya napatango ang babae bago tumingin sa isang big notebook.
"Name of reservation Sir?" tanong ulit ng babae. Parang nagche-check in lang kami sa isang hotel eh.
"Brix," maikling sagot ni Kuya at ngiting-ngiti pa din sa babae. Tumango ang babae bago kami pinapasok.
"This way Sir," sabi nung babae kaya sumunod kami sa kanya.
Napahawak ako sa braso ni Kuya dahil kinakabahan na talaga ako sa ikinikilos niya, kanina pa.
"Kuya, saan ba talaga tayo pupunta? Spill it out na kasi, dami-dami kasing secrets nito!" singhal kong bulong sa kanya at mahigpit na nakakapit sa braso niya.
"Don't worry, nandito din sila Mom and Dad meron silang business meeting about sa inyo," sabi ni Kuya kaya bigla ako nagtaka. Business meeting para sa'min? Bakit? Anong meron?
Magtatanong pa sana ako may Kuya ng tumigil kami sa isang gray na pintuan na parang private room ng resto na 'to. Grabe ang big deal naman.
"I think your nervous," natatawang saad ni Kuya kaya napa-irap tuloy ako sa ere ng wala sa oras.
"Nope. Bakit naman ako kakabahan kung nandito naman sila Mom di ba?" confident kong sabi kaya natawa na lang si Kuya sakin bago ginulo ang buhok ko.
"Hayst! Kuya! Kakaayos ko lang nito!" hindi ko na napigilang sumigaw ng kaunti dahil iniirita na naman ako ni Kuya Brix.
"Baka nga last na yan eh," sabi ni kuya ng hindi tumitingin sakin. Biglang nanlaki ang mata ko. What the!
"Kuya babalik ka ulit sa Canada?" naiiyak na sabi ko pero tumawa lang siya. Potek, kuya ba naman.
"Yes, tapos ganyan ka pa sakin" nagtatampong sabi ni Kuya kaya bigla ako napayakap sa kanya.
"Ehhh!! Guluhin mo na ang buhok ko kung gusto mo Kuya, wag ka lang umalis please" sabi ko sabay higpit ng yakap kay kuya. Ayoko na ulit maiwan mag-isa sa bahay.
"Hahahaha! I'm kidding, tingnan mo nga, parang baliw umiiyak hahaha" bigla na lang ako nainis sa sinabi ni Kuya kaya ng wala sa oras nahampas ko siya pero mahina lang.
"Tama na Brina ang ka-dramahan mo, pasok na tayo" pinihit na ni Kuya ang doorknob kaya mabilis na sinulyapan ko ang loob kung nandito nga sila Mom and Dad, and Kuya Brix is right nandito sila with someone. Nagtatawanan sila na parang walang dala-dalang problema.
Pero ng makita na nila kami tumayo silang apat bago ngumiti sakin ang kasama nila Mom.
"Nandito na pala ang unica hija mo Mrs. Lee" sabi nung lalaking may katabaan pero sakto lang sa kanya, mukha siyang nasa mid-30s ang age. Yung isa naman na babae na nasa tabi niya or what I mean is his wife, masaya siyang nakita ako.
Wait. Nagkita na ba kami dati?
"Yes, Mr. Imperial, ang bunso nga po namin ni Bryan" sabi ni Mom kaya ngumiti ako. Siguradong ako ang pinag-uusapan nila kanina kaya sila tumatawa. Haay.
"Napakagandang bata, talagang maganda ang genes ng mga Lee hahaha" napuno ng tawa ang apat na sulok ng kwartong ito kaya sinamantala ko na.
"Mom? Bakit niyo po ako---" natigil ako sa pagsasalita ng magsalita si Mom.
"Maupo ka muna dun anak, ipapaliwanag naman namin sa inyo ang lahat." sabi ni Mom kaya sumunod ako. Naupo ako sa pinakadulong upuan kung nasan ang pinaka-dulong mesa. Sinong inyo? Marami pa bang ka-meeting sila Mom and Dad?
"Excuse me by the way, may pupuntahan lang po ako Mom and Dad," singit ni Kuya kaya napunta lahat ng atensyon sa kanya.
"Okay, take care son" saad ni Mom.
"Mag-ingat." sabi naman ni Dad kaya lumapit si kuya at ni-pat ang shoulder ni Daddy bago lumapit kay Mom at bumeso bago sakin at ginulo ulit ang buhok at nag-wink. What-the-gummy-bear-kuya-is-your-problem-look? Tingin ko habang pinanlalakihan ko siya ng mata.
"I'll be quick, dadaanan ako mamaya dito para mag-dinner," sabi ni Kuya at umalis na. Ramdam ko ang titig sakin nung babae na sinabing maganda ako kaya ngumiti na lang ako at tumingin sa kanya.
Ehem* -Mr. Imperial
"Anyway, let's wait for my son hmm.. by the way what's your course hija?" tanong ni Mr. Imperial sakin kaya kinabahan ako. Interview ba 'to?! My god, di ako ready!
"Ahm.. Business Management po Sir." magalang na sagot ko. Kaya ngumiti siya ng malawak at tumawa ng kaunti.
"Good thing for that! My son and you are the same course!" bahagya naman ako nagulat dahil sa sinabi niya pero parang hindi naman siya galit kasi tumatawa naman siya.
Tiningnan kong muli si Mom at Daddy na ngiting-ngiti, hindi ko alam kung bakit ganyan sila umasta ngayon. Bakit parang feeling ko ipapamigay nila ako?
Ngumiti na lang ako at tumahimik dahil nagchi-cikahan sila. Pero sa hindi malamang dahilan, nangangamba ako na kinakabahan. Bakit kaya? Hays, hallucination y'ata tawag dito. Natatakot ako
baka mabuang ako bigla huhuhu.Pero parang biglang bumagal ang oras ng makita ang pagbukas nung pinto.
"Oh, I think my son is here" sinsiridad na sabi ni Mr. Imperial at ng tumingin ako sa kanya seryoso na siya at parang bumalik na sa wisyo ang kaugalian niya. Hala, nagpapanggap lang ba siyang masaya kanina?
Pero imbes na ituon ko ang tingin ko kay Mr. Imperial ay tumingin na lang ako sa pagbukas ng pintuan. Kung sino nga ba ang son na kanina niya pang binabanggit sa harap nila Mom and Dad.
Nang tuluyan ng bumukas ang pinto, parang may biglang sumabog sa puso ko at talagang kinabahan ako ng sobra. What the heaven is he doing here?!
Nakita ko kung paano niya tingnan ang kinaroroonan ko kaya bigla ako napatayo at tiningnan siya ng masama.
"Brina, meet your fiancé," halos magulat ako sa sinabi ni Mom. Are she really sure?!
"YOU!?/IKAW?!" hindi na ko nagulat ng magsabay kami sa pagsabi nun. Pero bakit? Paano?!
BINABASA MO ANG
My Fiancé is My Enemy (On-hold)
Teen FictionHindi inaasahang oras at panahon na pagtagpuin sila sa isang maraming tao. Tadhana na ba ito??? Written by: Clairemoon14 Date started: August 24, 2019 Date ended: ---------