Brina's PovKanina pa kami magkasama ni Luke at natapos na rin ang klase namin kanina. Nagtataka nga ang iba naming classmates eh, yung iba napapatingin na lang sakin pero ako naman itong si iwas ang tingin sa kanila.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya ako hindi magawang iwan ngayon.
Kanina umalis ako sa tabi niya para mag-banyo pero nung bumalik ako, nakita ko kung paano siya mag-alala tapos nagalit pa siya sakin.
“Ano bang problema mo?” tanong ko kay Luke na seryosong nakatingin sa mga papel dito dean's office.
Sabi niya, babalik na daw ang ate niya kaya kailangan niya ng ayusin ang mga naiwang papeles sa kanya since siya ang president ng school.
“What?” tanong niya ng hindi tumitingin sakin.
“Ano nga sabing problema mo? Ang weird mo kasi ngayong araw,” sabi ko kaya ibinaba na niya ang mga papel na hawak niya bago ako tiningnan.
“Masama bang protektahan lang kita?” agad na tanong niya sakin kaya bahagya akong nagulat.
“Saan? Anong meron?” tanong ko pero hindi niya 'man lang ako pinansin. Ibinalik na niyang muli ang atensyon niya sa mga papel na kanina niya pa binabasa.
“Huy! Ano ba kasi iyon? Bakit mo naman ako poprotektahan? May masama bang mangyayari sakin?” sunud-sunod kong tanong kaya tiningnan niya lang ako ng mariin.
“Wala.” sa dami ng itinanong ko, 'yan lang ang bukod tangi kong narinig na sagot mula sa kanya.
“Huh? Anong wala?”
“By the way, inaayos na ng mga parents natin ang engagement party para sa ating dalawa,” parang wala lang niyang sabi. Pinipirmahan naman niya ngayon ang mga papel na binabasa niya lang kanina.
“Hala, bakit ang bilis?” tanong ko pero hindi niya na ako sinagot.
Mahigit isang oras na kami dito sa loob ng dean's office pero parang wala namang nangyayari sa mga binabasa niya. Parang hindi na matapos tapos.
“Matagal pa ba 'yan?” naiinip kong sabi sa kanya pero parang wala namang pakialam sakin ang masungit na 'to.
*kring
Biglang napatigil si Luke sa ginagawa niya at napatingin sakin. Ngumiti lang ako ng marahan sa kanya bago ako nagpaalam.
“Sasagutin ko lang 'to,” tugon ko kung kaya't tumayo na ako sa kinauupuan at lumabas na nang dean's office.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sakin pero iba ang nakalagay.
Unknown Number...
Napakibit-balikat na lang ako bago ko sinagot ang tawag na iyon.
“Hello? Sino 'to?” tanong ko pero tahimik lang ang nasa kabilang linya.
“Hello?” ulit ko pa kaya may sumagot na rin dito.
[“Hello? Are you Sheena?”] - agad akong nagtaka dahil boses babae ang nagsalita sa kabilang linya.
“Yes po,”
[“Hi, it's me Shalla. Remember me?”] - biglang nagbago ang expression ko ng magpakilala ang tao sa kabilang linya. Si Shalla pala.
“Bakit? Saan mo nakuha phone number ko?” nagtataka kong tanong kaya agad namang natawa si Shalla.
[“Sorry, kinuha ko yung number mo kay.. kay Pia! Right, kay Pia ko kinuha”] - hindi ako agad nakasagot dahil sa sinabi niya.
Kay pia? Ibinigay ko ba ang number ko kay Pia?
BINABASA MO ANG
My Fiancé is My Enemy (On-hold)
Teen FictionHindi inaasahang oras at panahon na pagtagpuin sila sa isang maraming tao. Tadhana na ba ito??? Written by: Clairemoon14 Date started: August 24, 2019 Date ended: ---------