Chapter 1

224 6 0
                                    

Brina Shane's Pov

"Wake up Brina!" Isang malakas na sigaw na naman ang narinig ko. Teka bakit kaboses ko?

"Wake up Brina!" Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na ako. Naalala ko na nag-set pala ako nang alarm gamit ang boses ko. Hahaha baliw na ba ako?

"Bakit kasi marami na naman sa tao ngayon ang sumisigaw?" Bulong ko sa sarili habang sinasabayan ko pa ng paghikab ang salita ko.

"Mom?" Bumaba na ako ng kama at sinuot ang tsinelas na favorite ko.

Lumabas na ako ng kwarto at kinatok ang kwarto ni Kuya Brix.

"Kuya? Nakauwi na ba si Mom?" Kumatok pa ako ng isa pang beses pero walang pa ring sumasagot kaya nagkibit-balikat na lang ako at bumaba na lang ng hagdan. Tanungin ko na lang si manang.

"Manang, nakauwi na ba sila Mom and Dad?" Humikab pa ako at nag-inat pa.

"Naku, baka daw po bukas na sila umuwi Ms. Brina" 

"Hala? Bakit daw?" Bigla ako nagising sa sinabi ni Manang. Bakit bukas pa? What if gabihin sila? Paano na yung birthday ko? Sino mag-aasikaso? Halaaaa! Birthday ko na nga pala bukas! Debut na yes! Pinakahihintay ko ang araw na 'yon eh.

"Ewan ko po Ms. Brina," napatango na lang ako at nagdiretso sa kusina at kumuha ng inumin.

"Good Morning!" Napaliyad ako dahil sa gulat. Napatingin ako kay kuya Brix na nakangisi sakin.

"What??" Lalong sumama ang tingin ko kay kuya ng humagalpak pa siya ng tawa.

"What the gummy bear kuya Brix!" Sigaw ko at akmang ihahagis ang baso na hawak ko sa kanya ng maalala ko na baka sermonan na naman ako ni Mommy kapag nagbasag na naman ako.

"Hahaha, what the gummy bear?? Saan mo napulot 'yon? And besides first monday ngayon so it means may pasok ka," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya habang nagtitimpla siya ng kape.

"Ano pa ginagawa mo dyan?!" Napatili ako at naalala ko na first day of school ngayon!

"Oh gummy bears!" Sabi ko sa sarili at binilisan ang pag-akyat sa hagdan.

"Be careful little sis, baka madapa ka! Hahaha" napasigaw na lang ako sa lakas ng tawa ng kuya kong si Brix.

Oh goodness! Ayaw ko ma-late! Tumakbo ako papuntang cr at agad na binuksan ang shower. Kahit na hindi ko na painitin jusko! Mabuhay lang ang mga lamang loob ko sa katawan!

"Brina! I'll go with you on school today!" Napatigil ako sa pagsasabon ng marinig ko ang sigaw ni Kuya sa labas ng cr ko dito sa loob ng kwarto ko.

"Why!?" Sigaw ko pabalik at pinagpatuloy ang pagsasabon ko.

"Anong bakit?" Nagtapis na ako ng towel nang matapos na ako sa paliligo bago lumabas ng cr at sinalubong ang madilim kong kwarto na tanging yung lampshade pa lang ang bukas. Akala ko nakapasok na si kuya sa kwarto ko kasi hindi ko naman ni-lock kakamadali.

"Well, pagkakaguluhan ka lang naman dun. Ako nga eh walang nakakakilala sakin.." mahinang sabi ko at nag-suot na nang civilian na dress na kulay yellow. Maputi din naman kasi ako haha..

"Of course you are a transfer student in that school Brina, and besides I have a lot of things to do with." Nang matapos ako magbihis, lumakad ako papuntang pinto at pinagbuksan si kuya.

"For what kuya? To baby sit me again and again, like last school year?" Na-irap na lang ako sa ere ng maalala ang nangyari noong highschool ako. Hindi porque anak ako ng isang artista ay hindi din ako nakakaranas ng bullying.

"No, I just want to care about you.." sabi ni kuya at lumapit sakin. Naglakad naman ako papalapit sa harap ng salamin at nagsuklay.

"I'm not a baby anymore kuya, kagaya ka rin ni Mommy ehh super duper caring sakin.."

My Fiancé is My Enemy (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon