"Haaay! Bakit ko ba kasi sinabi 'yon sa kanya ehh..!" Nagpapadyak kong sabi at tinuktukan ng kaunti ang ulo ko dahil napahiya na naman ako.
"Anong not convince! Baliw na talaga siya!" Sigaw ko pero bigla ako napatakip ng bibig ko ng maalala na nagmi-meeting pala sila sa loob ng katapat kong office.
"Kahit kelan ka talaga Brina Shane!" Suway ko na naman sa sarili ko at pumikit ng mariin.
"Hello," bigla na lang ako napamulat at napalingon sa likuran ko.
"Hi," sagot ko naman at umayos na ko ng tayo.
"May nagmi-meeting na ba sa loob?" Napalingon naman ako sa pintuan ng office at humarap muli sa kanya.
"Oo, kakapasok lang nila," sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Ikaw yung transferee dito sa school di ba? I'm Nicole Shane Gabion. Treasurer of student council officers. Shane na lang itawag mo sakin kasi may kapangalan ako kapag Nicole eh.." napatango naman ako at kinamayan siya.
"Brina" maikling sabi ko at ngumiti ng bahagya.
"Sige pasok na ko ahh.. nice to meet you," napatango naman ako ng ilang beses bago siya pumasok sa loob.
"Hay" napabuntong hininga na naman ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Napa-upo na lang ako dito sa tapat ng pinto ng office at inilagay na lang ang pares ng headset sa magkabilaang tenga ko at pinakinggan naman ang True colors ng endless summer.
Kahit na hindi ako masyado masaya sa araw na 'to. Iniisip ko pa rin na dapat maging masaya ako para hindi naman masyadong awkward kapag kasama ko sila. Pero nakakainis kasi yung Luke na yun. Bakit pa siya naturingang School President ng University na 'to eh! Halata naman sa itsura niya na walang modo.
"Don't worry Brina, he's not a big problem. Siguro naman na hindi siya ang owner or whatever dito sa school." Napatango ako sa sarili kong sabi bago ko pinatay ang music ng makitang bumukas na ang pinto ng office.
"Hello Brina, sorry natagalan" natawa naman ako kay Pia na patuloy sa paghingi ng apologize sakin.
"Hindi naman matagal eh, okay lang naman" saad ko habang ngumingiti ako ng matamis dito. Napansin ko na kami na lang pala ni Pia ang nandito sa hallway.
"Teka na'san yung iba?" Tanong ko kay Pia na nakayakap na sa braso ko ngayon.
"Nagpuntahan na sa kanya-kanyang room nila, and by the way nga pala.. classmates tayo!" Natawa na lang ako ng tumalon si Pia dahil sa tuwa ba o galak eh?
"Nice!" Masaya ko namang sabi sa kanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa classroom daw namin. Nagtanong ako kay Pia kung ayos lang ba na hindi ako naka-proper uniform ngayon kasi naka-dress talaga ako ng yellow.
"Okay nga lang yan. Atsaka maputi ka. Pero ang ipinagtataka ko lang talaga, bakit kasama mo kanina si Brix? Close ba kayo? Sorry nakita ko kasi kayo kanina nag-aasaran----ooops! Teka boyfriend mo?!!" Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Pia. Sabi na nga ba at maraming nakakakilala kay Kuya pero ako? Wala. Kasi napakaover-protective sakin ni Mom and Dad since napunta si Kuya sa Canada para tapusin ang study niya kasi baka daw may kung anong mangyari sakin.
"Hala hindi! Kuya ko siya..I mean older brother ko siya" halos pabulong ko nang sabi sa kanya. Mabuti na lang at konti ang istudyante na dumadaan dito sa hallway.
"What!? Kyaaaahh!" Bigla ko na lang natakpan ang bibig niya dahil sa lakas ng pagtili niya dito sa hallway.
"Shss, baka may makarinig..please wag mo sabihin sa iba ahh.malalagot ako sa kuya ko eh haha" agad kong tinanggal ang kamay ko sa bibig niya ng marinig kong kumakalma na siya.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is My Enemy (On-hold)
Roman pour AdolescentsHindi inaasahang oras at panahon na pagtagpuin sila sa isang maraming tao. Tadhana na ba ito??? Written by: Clairemoon14 Date started: August 24, 2019 Date ended: ---------