Chapter 9

96 2 0
                                    

"Anong sabi mo?" nagtataka kong tanong kay Luke na ngayon ay nakangiti sakin. Ibang-iba ang pagkataong nakikita ko sa lalaking 'to. Bakit parang ang gwapo niya ngayon? Bakit feeling ko naggo-glow ang mukha niya sa paningin ko?! Weird.

Ano bang nangyayari sayo ha Brina! Napa-iling na lang ako sa iniisip ko at agad na tumayo dito sa may gilid ng pool.

"Anong sabi mo?" mahinahon pero ulit kong sabi. Alam kong alas sais pa lang ng umaga pero bakit ganito ang itsura ng lalaking 'to?

"I said, Happy Birthday" sabi niya habang nakangiti pa din. Nagtaka naman ako dahil hindi naman siya ganito magsalita.

"May sakit ka ba Luke? Bakit parang ang bait mo ngayon?" nagtataka kong tanong at naglakad palapit sa kanya. Tiningnan ko siyang mabuti at nakita ko ang suot niyang damit. Kahapon niya pa suot 'yon ah. Pero may napansin ako, kasi simula nung pag-usapan ng mga magulang namin ang about sa kasal, parang may nag-iba sa kanya.

"I want to say..." parang napintig ang tenga ko ng marinig ang bulong niya.

"You want to say what?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. Bigla na lang siya tumungo at napabuntong-hininga bago ngumiti at humarap sakin. Parang antok na antok ang mga mata niya.

"I'm sor---" naghihintay ako ng kadugtong ng sasabihin niya ng bigla na lang siya nawalan ng balanse. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil babagsak siya sakin!

"Hala! Luke!" hindi makapaniwalang sabi ko dahil nakayakap na siya sakin ngayon. Bears! Ang bigat naman ng impakto na 'to!

"Uyy! Bakit amoy alak ka?" napayakap ako sa bewang niya dahil kapag hindi ko ginawa yun, matutumba kaming dalawa.

"Napakabigat mo! Tumayo ka nga! Uyyy! Luke---"

"Please... Don't leave me... Again," naputol ang dapat na sasabihin ko sa kanya nang marinig ko ang pagbulong niya sa tenga ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. "S-sino ba ang.. tinutukoy mo?" nauutal na tanong ko kahit na alam kong wala na akong matatanggap na sagot mula sa kanya dahil wala na siyang malay ngayon at natutulog na sa kaliwang balikat ko.

"Sino ba ang nang-iwan sayo, Luke?" pabulong kong sabi bago ko hinigpitan ang yakap sa bewang niya.

***

"Fvck!" naalimpungatan ako dahil sa mahinang bulong na 'yon.

"G-gising ka na pala," kinakabahan kong sabi dahil alam kong totoo nang Luke ang nasa harapan ko ngayon.

"What happened? Where am I? D*mn!" tanong ni Luke habang nakapikit siya at hinihilot ang magkabilaang sintido niya.

"Lasing ka ng magpunta dito" mahinang sabi ko at nag-unat ng maigi. Ang hirap palang matulog ng nakaub-ob tapos nakaupo.

"What the hell? Why are you here? Goddammit! Get the fvck out!" sigaw niya habang tinuturo pa ang pinto ng kwarto ko. Parang lalabas ang eardrums ko sa lakas ng sigaw ng bakulaw na 'to! Walang-utang na loob!

"Ayoko nga" maikling tugon ko at sumandal sa couch na inuupuan ko ngayon.

"I said get out!" sigaw niya at pinalakihan pa ako ng mata.

Napa-ismid na lang ako at pinigilan ang sarili na huwag magalit. Birthday mo ngayon Brina kaya no bad vibes, okay!? Nilingon ko ang lalaking ito bago ako nagsalita.

"Alam mo ba Luke, may itsura ka sana pero yung ugali mo basura naman" mahinahon kong sabi bago ko siya tinitigan sa mata. Nakipagtitigan din siya sakin na parang sinasakal na ko nito sa imagination niya.

My Fiancé is My Enemy (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon