Chapter 12

66.6K 1.8K 184
                                    

CHAPTER 12

"KAYA PA?" I looked at Adrian whose holding a one glass of beer on his right hand.

Pilit akong ngumiti at tumungga ng alak mula sa basong hawak ko.

Hindi ko alam kung bakit sumama ako kay Adrian. He's a total stranger and I only know his name. Sadyang magaan lang ang loob ko sa lalaki.

Sa ilang oras na magkasama kami sa isang sikat na bar kung saan ako nito dinala ay wala itong ibang pinakita kundi ang concern para sa akin. Ang sabi nga nito ay gusto lang ako nitong bigyan ng maboteng usapan. At gusto lang nitong maging maboteng kaibigan. Kaya heto at bote ang nasa harapan naming dalawa.

"What are you referring to? Kaya pa ang alak na iniinom ko o kaya pa ang sakit ng puso ko?" Tanong ko at bahagyang natawa.

Mukhang tinamaan na ako ng alak dahil ramdam ko na rin ang pagkahilo ko.

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

"I'm not in the position to say this but you deserved someone better than him. Hindi na uso ang martir sa panahon ngayon. Huwag mong sayangin ang ganda at halaga mo bilang babae para lang sa isang lalaki. Find someone better and be happy. Don't stick with someone who doesn't know your worth." Litanya nito.

Tinitigan ko itong mabuti at kapagkuwan ay mapait na ngumiti.

"Kung ganoon lang sana kadali ang lahat." Mahinang usal ko at muling tumungga ng alak.

I told Adrian about Jastin and he was just there to listen. I didn't tell him everything about Jastin. Kinuwento ko lang ang pagiging tanga ko sa pag-ibig at ang pagtataboy sa akin ng lalaking mahal ko.

"Gusto mong sumayaw?" Pasigaw na tanong ko dahil sa lakas ng tugtog na nangingibabaw sa loob ng bar.

Ngumiti ito at umiling.

"It's better to stay here, Miss Stewart. Just stay where you are. Ayokong may mambastos sa'yo dahil siguradong mapapaaway ako." Tugon nito at inagaw mula sa akin ang alak na sunod-sunod kong tinungga.

"And please, don't get drunk on me. Mukhang mabigat ka pa naman, hindi kita kayang buhatin." Pabirong usal nito.

"Akala ko ba maboteng usapan? Bakit parang sumusuko ka?" Taas ang kilay na tanong ko.

He just chuckled.

"Alam mo, mas maganda sigurong ihatid na kita. Baka mamaya umiyak ka diyan dahil sa nagdurugo ang puso mo." Natatawang sambit nito na ikinatawa ko na rin.

Mukhang nakatagpo ako ng kaibigan sa katauhan ni Adrian. Ramdam kong mabuting tao ito at halata ang pagiging marespeto nito. Palabiro at palangiti din ito.

"Thank you." Nakangiting usal ko.

"For what?"

"For being with me. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. You're a good adviser." I said and smiled at him.

Tumayo ako pero nabuwal ako kaya maagap akong hinapit ni Adrian sa beywang.

Mahina akong natawa. Ramdam ko na ang kalasingan ko. Umiikot na ang paningin ko at malabo na rin ang tingin ko sa mukha ni Adrian.

Narinig ko itong napabuntong-hininga at kapagkuwan ay hinila ako. Nagpatianod naman ako kahit gusto ko pang uminom.

"Iuuwi na kita." Anito habang naglalakad kami.

"Iuuwi mo na ako sa bahay niyo?" Tanong ko at tumawa.

Lasing na talaga ako. Hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon