CHAPTER 33
This chapter is dedicated to my brutal na admin YellowLily31. Just want to say thank you, ate. Hindi man halata, isa ka sa mga nagbibigay ng inspiration sa akin. Isa ka sa mga tumutulong sa akin to go on and you really pulled me up when I'm down sometimes. Nandiyan ka para makinig sa mga frustrations ko sa pagsusulat lalo na kapag nilalamon ako ng writer's block. You were there to cheer me up and gave me advices which lead me to look for a positivity. Thank you for all the praises on my works. Thank you sa motivation and being a good ate towards me. You mean a lot to me. God bless you always po.🤗😘
"GRANDMA." Kaagad kong niyakap si grandma nang makapasok ako sa malaking bahay nito.
Kadarating ko lang sa Tagaytay at sinadya kong hindi ipaalam kay grandma na darating ako ngayong araw.
"Ginulat mo ako, hija. Nagpasabi ka sanang darating ka para napagluto kita." Anito at hinalikan ako sa pisngi.
Matamis ko itong nginitian.
"I'm fine, grandma." Pagsisinungaling ko kahit kanina pa ako nahihilo sa buong biyahe.
"Are you sure? Magpahinga ka muna. You look pale." Anito at inakay ako patungo sa kuwartong inuukopa ko noon.
"Magpapaluto ako agad para makakain ka. Just take a rest, okay?" Anito at tinalikuran ako.
Bago ito lumabas ng kuwarto ay lumingon ito sa akin.
"Thank you sa pagpunta mo dito. Alam kong namimiss ka na ng apo ko kahit itanggi pa niya. Batang 'yon talaga." Napailing ito at ngumiti. "Enjoy your stay here, hija. Batukan mo 'yang apo ko at ng matauhan." Iyon ang huling sinabi nito bago tuluyang lumabas.
Napailing na lang ako. Mamaya ko na haharapin si Jastin. Kailangan kong magpahinga dahil bukod sa puyat ako ay napagod pa ako sa biyahe mula Maynila. Nagpahatid lang ako sa driver na kinuha ko dahil hangga't maaari ay ayoko ng magmaneho dahil sa pinagbubuntis ko.
Paunti-unti ay pumikit ako at tuluyang nakatulog. Nang magising ako ay nakaamoy ako ng pamilyar na amoy. Napakasarap niyon sa pang-amoy ko.
Nag-inat ako at natigilan nang makita si Jastin sa tabi ng kama ko. Nakatunghay ito sa akin habang nakaupo ito sa wheelchair nito.
Bigla akong napabangon at bigla kong nasapo ang ulo ko nang makaramdam ng pagkahilo.
"Are you okay?" Jastin asked.
Nang tignan ko ito ay parang hindi nito alam kung ano ang gagawin. Kung hahawakan ba ako nito o hahayaan ako.
"I-I'm okay." Tugon ko.
Napabuntong-hininga ito.
"Hindi na kita tatanungin kung ano ang ginagawa mo dito. Lumabas ka na at maghapunan. Buong araw kang tulog at walang laman 'yang tiyan mo." Anito at pinihit ang wheelchair patalikod sa akin.
Lumabas ito ng kuwarto ko.
"Sungit." Nakasimangot na usal ko at bumaba mula sa kama.
Inayos ko ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Tinungo ko ang dining room at naroroon na ang maglola.
"Come and eat with us, apo." Nakangiting bungad ni grandma sa akin.
Naglakad ako at piniling tumabi kay Jastin. Hindi ako nito tinignan at nag-focus lang sa kinakain nito.
Baby, sana hindi ka magmana sa kasungitan ng ama mo.
Grandma served me the food. Asikasong-asikaso ako nito. Nang nilapit nito sa akin ang adobo ay napangiwi ako sa amoy niyon.
BINABASA MO ANG
Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)
Fiksi UmumMATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rivera Date started: August 2019 Date ended: September 2019