Chapter 16

75.6K 2K 148
                                    

CHAPTER 16

"GRANDMA, tulungan ko na po kayo." Nakangiting alok ko kay grandma habang abala ito sa kusina.

Nakangiting tumingin ito sa akin.

"Huwag ka ng mag-abala pa, hija. Doon ka na lang muna sa salas dahil ipagluluto ko kayo ng pasta. Masasarapan ka sa gagawin kong pasta, promise." Masayang usal nito.

Nakita kong pumasok si Jastin sa kusina pero hindi ko ito pinansin. Kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel na kinuha nito sa loob ng ref.

Tinutok ko ang atensyon kay grandma.

"Sigurado naman po masarap talaga ang pasta niyo. Is that your specialty, grandma?" Tanong ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng ilang sandali lang ay lumabas na si Jastin. Hindi ako makatingin ng diretso dito.

At mas lalong hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito kaninang umaga pagkagising ko. Pinapatibok niyon ng napakalakas ang puso ko at kaakibat niyon ay ang munting kabang nararamdaman ko. What if he didn't really mean it?

Kaya pilit ko itong iniiwasan mula pa kanina. Baka nagbibiro lang ito o kaya ay nabibigla.

"This is my apo's favorite." Tugon ni grandma. Tila hindi nito napapansin ang hindi ko pagpansin kay Jastin dahil abala ito sa ginagawa. Mas mabuti ng wala itong mapansin.

Nagpatango-tango ako.

"Mahal na mahal mo talaga si Jastin ano, grandma?" Nakangiting usal ko.

Natigil ito sa ginagawa at ngumiti.

"Oo naman, hija. Mahal na mahal ko ang apo ko. Ako na lang ang tanging natitira sa buhay niya. Iniwan siya ng mga magulang niya sa murang edad at ang masaklap pa..." Mapait itong ngumiti. "Umalis sila sa mundong ito sa kahindik-hindik na paraan. And Jastin... Ang aking apo, sa napakamurang edad ay nasaksihan niya ang pagkamatay ng mga magulang niya." Malungkot ang boses na sambit nito.

"A-Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Mapait lang itong ngumiti.

"I don't want to talk about their death. Ayokong marinig ng apo ko na pinag-uusapan ang pagkamatay ng mga magulang niya. Kahit litrato ng mga magulang niya ay ayaw niyang makita dahil bumabalik sa isip niya ang mga nangyari. Iniiwasan naming makita niya ang mga litrato ng parents niya."

Nagtataka at naguguluhan ako. I want to ask more pero alam kong wala akong karapatan dahil usapang pamilya ito kaya pinakinggan ko lang ito.

"Naalala ko pa ang unang beses na nakita niya ang litrato ng mga magulang niya. He almost died because of anxiety. Awang-awa ako sa kanya dahil iyak siya ng iyak, nagwawala at halos mabaliw. Ilang doctor na ang tumingin sa kanya noon para mapagaling siya. Pagtapos noon ay tinanggal na namin ang mga litrato ng mga magulang niya ayon na rin sa utos ng doctor. Pero hindi natapos ang lahat doon, hija." Kusang tumulo ang luha sa mga mata nito.

Nataranta ako at kaagad na kumuha ng tissue. Inabot ko iyon kay grandma na kaagad naman nitong kinuha.

"Grandma, you don't have to-"

Umiling ito.

"It's okay. It's just that... Kapag naaalala ko ang mga pinagdaanan ng apo ko noon ay nasasaktan ako. Masyado pa siyang bata para kunin ang mga magulang niya sa karumal-dumal na paraan. He tried to kill himself not only once. Napakaraming beses niyang tinangkang patayin ang sarili niya. Noong nag-aaral siya, marami siyang nasaktang tao, physically. He had this attitude na kapag galit siya, wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Nagiging bayolente sya kapag...kapag galit siya." Nilapitan ko si grandma at hinaplos ang likod nito.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon