Chapter 24

73.8K 1.9K 315
                                    

CHAPTER 24

JUST A SHORT UPDATE.

"KRYSTAL." Napalingon ako at napangiti nang makita si Adrian.

Kaagad ako nitong hinalikan sa mga labi bago umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.

"Galing ka na naman sa inaanak mong si Reece. Nag-enjoy ka na naman siguro sa pakikipaglaro sa kanya. Ilang beses kitang tinawagan pero hindi mo sinasagot. How's your day, hon? Napagod ka ba?" Malumanay ang boses na tanong nito at hinaplos ang buhok ko.

Nangalumbaba ako at tinitigan lang ang guwapong mukha ni Adrian.

"Naaaliw ako kay Reece." Sambit ko at malungkot na ngumiti.

Ginagap nito ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Bigyan na lang kaya kita ng baby para may kalaro ka na din palagi?" Pilyong tanong nito.

Mahina akong natawa at kapagkuwan ay tumayo. Hinila ko ito.

"May malapit na hotel dito." Bulong ko sa tenga nito.

Kaagad naman ako nitong hinapit sa beywang.

"Don't tease me, hon. Alam mong hindi kita tatanggihan." Tila hirap na hirap na usal nito.

Ngumiti lang ako at ilang minuto lang ay natagpuan ko ang sarili na kasama si Adrian sa isang malaking kuwarto ng kilalang hotel.

Kaagad na nagtagpo ang mga labi namin at mapusok na naghalikan. At pinaubaya ko ang katawan sa kasintahan ko.

Nagising ako sa mga bisig ni Adrian at tinitigan ito. Bumangon ako at nagtapis ng tuwalya sa katawan ko.

Tinungo ko ang nagsisilbing balcony ng hotel room na kinaroroonan namin. Pinagmasdan ko ang nagkikislapang bituin sa kalangitan.

"Are you watching, anak? Mommy misses you a lot." Bulong ko.

Niyakap ko ang sarili nang makaramdam ng panlalamig. Muli akong bumalik sa kama at nagbihis. Kinuha ko ang purse at umupo sa tabi ni Adrian.

Mahigit isang taon na ang nakalipas. At nagpapasalamat ako kay Adrian dahil hindi ito umalis sa tabi ko. Naging mabuti itong lalaki at tinrato akong espesyal sa buhay nito.

Nagulat pa ako noon nang malaman na pinsan pala ito ni Sharmaine. Isa din itong police officer katulad ni Sharmaine. At ito ang may hawak sa kaso ni Jastin at Minerva.

Nakulong si Jastin ng ilang buwan pero kaagad din itong nakalaya dahil wala daw sapat na ebidensya lalo na ang nangyari sa parking lot. Hindi makita sa CCTV footage ng parking lot kung sino ang bumangga sa akin samantalang kitang-kita ko na si Jastin lang ang naroroon.

Ang tanging klaro na nakita sa CCTV ay ang muling pagbalik ng kotse nito at ang pagbuhat nito sa akin papasok sa kotse nito. He was the one who brought me to the hospital that day.

But he was too late. Namatay pa rin ang anak ko. Nagmakaawa ako dito na tulungan ako pero tinalikuran ako nito.

Hinalikan ko si Adrian sa noo bago ako lumabas ng hotel room. Lumabas ako ng hotel at naglakad sa kahabaan ng gabi hanggang sa makarating ako sa sarili kong bahay.

At sa mismong gate ng bahay ko ay nakita ko ang lalaking hindi ko inaasahang makita pa.

Kaagad itong lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko.

Malungkot itong tumitig sa akin. Partikular sa leeg ko. Pasimple ko iyong kinapa and I am aware that I have hickeys there.

"You're sleeping with him." It's a question but a statement from him.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Hindi ba't nakikipag-sex na ako kay Adrian kahit noong may relasyon pa tayo? Ano ang pinagkaiba ng noon sa ngayon?" Nang-iinsultong tanong ko.

Humakbang ito papalapit sa akin pero umatras ako.

"Let me remind you that I filed a restraining order against you. Puwede kang makulong dahil sa paglapit mo sa'kin." Mariing usal ko.

"Krystal..." Napasabunot ito sa buhok na tila hindi alam ang gagawin.

"Nasasaktan ako, alam mo ba 'yon?" Anito na tila hirap na hirap aminin iyon. "Nasasaktan ako kapag nakikita kong magkasama kayo ng Adrian na 'yon at nagpapakasawa sa katawan mo at-"

Malakas ko itong sinampal.

"Pinagsawaan mo din ako noon. Binaboy mo pa nga, nakakalimutan mo na ba? Binaboy mo ako." May diin ang bawat katagang lumalabas mula sa bibig ko.

"A-Ano ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako, Krystal. Tell me. Gagawin ko ang lahat. Please." Nagmamakaawa ang boses nito.

"Gusto mong mapatawad kita?" Dahan-dahan ay tumango ito.

"Kahit ano gagawin ko, Krystal. Kahit ano basta mapatawad mo lang a-"

"Ibalik mo sa akin ang anak ko." Putol ko sa sasabihin nito.

Bigla itong natigilan at gumuhit ang sakit sa mga mata nito.

"Krystal..."

"Gagawin mo ang lahat, hindi ba? Puwes, ibalik mo sa akin ang anak ko." Hindi ito umimik at nanatili lang nakatitig sa akin.

"Hindi mo kaya, hindi ba? Kasi nga pinatay mo." Mahina akong tumawa. "Pinatay mo ang sarili mong laman at dugo." Mariing usal ko.

Naglakad ako at nilampasan ko ito. Diretso akong pumasok ng gate at walang lingon-likod na pumasok sa loob ng bahay ko.

Napabuntong-hininga ako at pasalampak na umupo sa sofa. Kinuha ko ang cellphone mula sa purse ko nang tumunog iyon.

"Hon." Sagot ko nang makitang si Adrian ang tumatawag.

"You're not here." Usal nito mula sa kabilang linya.

"I'm sorry. Biglang sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising." Pagsisinungaling ko.

"Okay ka lang ba? Gusto mong dalhan kita ng gamot?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako kahit hindi ako nito nakikita.

"No need. I'm fine." Sagot ko.

"Sige. Take a rest now. I love you, hon." Ngumiti lang ako at kapagkuwan ay pinatay ang tawag.

Sana ay hindi na lang ako muna umuwi. Sana nag stay na lang ako doon sa hotel. Kailangan ko si Adrian.

Pinindot ko ang cellphone at tinawagan si Adrian.

"Hon, dito ka na lang matulog, please." Paglalambing ko.

I heard him chuckled from the other line. At ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagbusina ng kotse nito mula sa labas ng bahay ko.

Lumabas ako at pinagbuksan ko ito ng gate. Maayos nitong pinarada ang kotse sa garahe ng bahay ko. At nang makalabas ito mula sa kotse nito ay kaagad ako nitong hinalikan sa mga labi.

"Namiss kita." Bulong nito.

Pakiramdam ko ay nanigas ako sa sinabi nito. Narinig ko na rin ang mga katagang iyon dati.

Nagpailing-iling ako at nginitian si Adrian.

"Halika na sa loob." Sambit ko at hinila ito papasok sa loob ng bahay.

At mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang isang bulto na nakatingin sa amin mula sa malayo. Lihim akong napangiti.

Ipapakita ko sa'yo na kaya ko kahit wala ka. Hindi kita kailangan sa buhay ko.

To be continued...

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon