Chapter 13

69K 1.9K 69
                                    

CHAPTER 13

(SHORT UPDATE) I'm sorry, need na mag sleep ni author dahil may pasok pa bukas.😅

ENJOY READING!😘

NAPABUNTONG-HININGA ako habang pinapalitan ko ang bimpo sa noo ni Jastin.

Panay din ang check ko ng temperatura nito kung bumaba na ba iyon. Pinainom ko na ito ng gamot kanina bago ito makatulog.

Nasa loob kami ng condo nito. Nagpatulong pa ako sa mga staffs na napadaan kanina para lang madala namin ang binata sa loob ng unit nito.

Pinunasan ko ang pawisang mukha nito at napatingin sa cellphone nito nang tumunog iyon. Noong una ay hinayaan ko iyon pero hindi iyon tumigil sa pagriring kaya dinampot ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

Grandma calling...

Nag-aalangan man ay sinagot ko iyon. At hindi pa man ako nakapagsalita ay sunod-sunod ng nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Hijo! Nako kang bata ka! Bakit ngayon mo lang sinagot ang mga tawag ko? Alam mo bang alalang-alala na ako sa'yo? Kumusta ka na diyan? Ayos ka lang ba? Did you dream about it again? Nilalagnat ka na naman ba? Bumalik ka na ba sa doctor mo? Umuwi ka na kaya muna dito at-"

Hindi natapos ang sasabihin nito nang biglang namatay ang cellphone ni Jastin. Tinignan ko iyon at nakita kong dead battery na.

Napaisip ako. Is that his grandmother? Ang alam ko ay ulilang lubos na si Jastin at sa poder ng lola nito ito lumaki. Bakit parang alam na alam ng lola nito na may sakit ito ngayon? Madalas ba itong nangyayari kay Jastin?

Napatingin ako sa binata nang marinig ang pag-ungol nito. Umupo ako sa tabi nito at hinaplos ko ang buhok nito. Inalis ko ang medyo basang bimpo sa noo nito at inayos ang medyo kumukunot na noo nito. Tila nananaginip ito base na rin sa ekspresyon ng mukha nito.

Pabaling-baling din ito sa higaan at pawis na pawis.

"Jas, wake up." Sinubukan ko itong gisingin pero patuloy ito sa pag-ungol na tila ba hindi ito makaalis mula sa panaginip nito.

Nataranta ako nang mas lalong lumakas ang ungol nito na tila ba nasasaktan ito.

"Jastin, wake up." Malakas ko itong niyugyog at sa wakas ay nagmulat ito ng mga mata.

Hingal na hingal ito.

Kaagad naman akong kumilos at tinuyo ang pawis sa mukha at leeg nito gamit ang tuyong bimpo.

Titig na titig ito sa akin habang pinupunasan ko ang buong mukha nito.

At akmang tatayo na ako para sana kumuha ng tubig pero hinawakan ako nito sa kamay at hinila ako dahilan para mapahiga ako sa ibabaw ng katawan nito.

Kumilos ito at pinahiga ako sa tabi nito habang yakap-yakap ako.

"Dito ka muna, please." Pakiusap nito.

Ikinulong nito ang ulo ko sa matipunong dibdib nito.

Pinapakalma ko ang sarili ko. Lalo na ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"H-Hindi naman ako aalis. Kukuha lang akong tubig para makainom ka." Mahinang usal ko.

Hindi ito umimik. Sa halip ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin. Hindi pa ito nakuntento at inalis ang isang unan na nakaharang sa pagitan namin.

Aatakihin yata ako sa puso sa ginagawa nito. Kinakabahan at pinagpapawisan ang mga kamay ko dahil sa sobrang lapit ng katawan nito sa akin.

"J-Jas, I can't breathe." I murmured.

Niluwagan nito ang pagyakap sa akin at nagsalubong ang mga mata naming dalawa.

"I'm sorry. I hugged you so tight." He apologized.

Umiling ako.

"It's not that..." Usal ko at napalunok. "It was because of my heart. A-Ang lakas ng tibok ng puso ko." Walang pag-alinlangang pag-amin ko.

Napatitig ito sa akin at hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako dahil nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.

Nabigla ako nang inunat nito ang braso nito at pinahiga nito ang ulo ko doon.

"Can you sleep here beside me?" He asked.

Natigilan ako sa tanong nito.

"Hindi pa ako nakapagbihis. Tapos medyo nahihilo pa ako dahil uminom ako. Tapos amoy alak pa ako at hindi pa ako nakapag toothbrush. Tapos-"

"I don't mind. Just sleep here beside me. Please." Ito na naman siya. Nakikiusap. Not a typical Jastin. What's wrong with him?

Wala sa sariling hinaplos ko ang pisngi nito.

"You had a bad dream. Anong napanaginipan mo?" Mahinang tanong ko.

Kaagad itong nag-iwas ng tingin sa akin. Hinila nito ang kumot at kinumutan ako.

"Matulog ka na." Anito.

Napatitig ako sa binata. Umiiwas ito at ramdam kong malalim ang dahilan nito kung bakit ito nagkasakit ngayon. Hindi ko pa rin makalimutan ang hitsura nito kanina habang humihingi ito ng tulong sa akin. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoong dahilan nito.

Sinalat ko ang noo nito at napangiti ako nang masiguradong wala na itong lagnat.

"Wala ka ng lagnat." Masayang usal ko.

Natigilan ko nang makitang titig na titig ito sa akin. Kanina ko pa napapansing tinititigan ako nito.

"B-Bakit?" Naiilang na tanong ko.

Umiling lang ito at kapagkuwan ay ginagap nito ang kamay ko. Pinagsiklop nito ang mga kamay naming dalawa at kapagkuwan ay hinalikan ako sa noo.

"Don't be too sweet, Jastin." Mahinang usal ko.

"Natikman mo na ba ako para masabi mong matamis ako?" Napakurap ako sa tanong nito.

Hindi ako nakapagsalita.

"Ako pa lang ang natikman mo." Wala sa sariling usal ko.

Hindi man ito ngumiti ay kitang-kita ko naman ang pagkaaliw sa mga mata nito.

Binasa nito ang ibabang labi nito na kahit hindi nito sinasadya ay naaakit ako. What was I thinking?!

"I want to taste you again and again. And I want to..." He couldn't finish what he wants to say and he closed his eyes tightly.

At nang magmulat ito ng mga mata ay iba't-ibang emosyon ang nakikita ko doon.

"But I can't even if I want to." Patuloy nito.

Gusto ko itong tanungin. Gusto kong tapusin nito ang sasabihin nito pero inunahan ako ng takot. Natatakot akong marinig ang sagot nito. Natatakot akong malaman ang rason nito dahil ilang beses na din ako nitong pinagtatabuyan. Natatakot ako na baka mas lalo ako nitong layuan. Kaya minsan ay sumasabay na lang ako sa agos kahit nasasaktan na ako.

Pero bakit? May mga bagay bang pumipigil dito para lapitan ako? O talagang hindi lang nito kayang suklian ang nararamdaman ko?

Naikagat ko ang ibabang labi ko at ipinikit ang mga mata.

"Goodnight, Krystal." He murmured.

Hindi na ako umimik pa. Ang gusto ko lang ay makapagpahinga ang utak ko mula sa mga tanong na naiipon sa isip ko. At dahil na rin siguro sa alak na nainom ko ay kaagad akong nakaramdam ng antok.

"I love you and I'm sorry."

That was the last words I heard but I'm not sure if it was really true. Or it was just a dream?

To be continued...

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon