Chapter 31

74.5K 1.9K 219
                                    

CHAPTER 31

IT'S BEEN TWO WEEKS but Jastin didn't woke up yet. He's still in comatose. Thankfully, Rein decided to transfer him to the private room.

Wala na ito sa ICU. Stable na daw ang kalagayan nito pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala dahil hindi pa rin ito nagigising.

Nilapitan ko at umupo sa hospital bed nito. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha nito.

"Jas, come back to me, okay? Gising ka na, please." I whispered.

"Someone's waiting for you." Bulong ko at hinawakan ko ang kamay nito patungo sa tiyan ko. "Feel that? So please, wake up."

I sighed and kiss him on his forehead.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Kaagad akong nilapitan ni Sharmaine nang makapasok at inabot sa akin ang isang folder.

"This is him?" Kalmadong tanong ko habang pinagmamasdan ang litrato mula sa folder.

"Tama ang hinala mo. Minerva hired him. Sinadya ang pagbangga sa kotse mo. And about the explosion... It's her doing also. She plans to kill the both of you." I gritted my teeth.

"Nakakakilos pa rin siya kahit nasa loob na ng kulungan." Napailing ako at seryosong tinignan si Sharmaine.

"What's your plan?" She asked.

I smiled coldly.

"Release her from jail." I said.

Kumunot ang noo ni Sharmaine.

"What exactly are you planning?"

I shrugged my shoulders.

"Just release her and let me do the rest." Tugon ko at tinignan si Jastin. "I'm sure Jastin won't mind."

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Sharmaine ay nakita kong matiim ako nitong tinitigan.

"What?" I asked, frowning.

Makahulugan itong ngumiti.

"You remind me of someone. Ganyan na ganyan din ang ekspresyon niya habang namimili ng bulaklak pang-patay noon." Natatawang sambit nito.

She was talking about Amber. Kung naririto lang sana ito ngayon ay alam kong isa ito sa susuporta sa akin sa kung anuman ang binabalak kong gawin. Pero naiintindihan ko kung bakit wala ito. She's busy with her son and I know that she's still mourning on Renz's death, our friend and her husband.

Ilang sandali lang ay nagpaalam na si Sharmaine para asikasuhin ang pinapaasikaso ko dito.

Tinignan ko si Jastin at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito. Nasa ganoong eksena ako nang may pumasok.

Akala ko ay bumalik si Sharmaine pero natigalan ako nang mapagsino iyon. Mabilis akong tumayo at sinalubong ang dumating.

"Grandma..." Mahinang sambit ko.

Maluha-luhang tinignan ako nito.

"K-Kumusta ang apo ko?" Kaagad ko itong niyakap.

"Stable na po siya, grandma. We are just waiting for him to wake up." Tugon ko at hinaplos ko ang likod nito.

"My poor grandson." Kumalas ito mula sa pagkakayakap ko at nilapitan nito si Jastin.

Mahigpit nitong hinawakan sa mga kamay ang binata at tahimik na umiyak. Hinayaan kong ilabas nito ang bugso ng damdamin.

Ilang sandali lang ay inayos nito ang sarili at tumingin sa akin.

"I'm sorry kung ngayon lang ako nakarating, hija." Anito.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon