Chapter 26

75.2K 1.9K 229
                                    

CHAPTER 26

NAGSALUBONG ang mga kilay ko nang makitang umupo si Jastin sa tabi ko sa VIP seat na inuukopa ko sa loob ng eroplano.

"Anong ginaga-"

Natigilan ako nang may maisip. Sinabi ni James kanina na may makaka-partner ako sa misyon na binigay nito pero hindi ko alam na si Jastin iyon.

"Of all people." Umikot ang mga mata ko at napabuntong-hininga.

Napasinghap ako nang bigla itong dumukwang at ikinabit ang seatbelt ko.

"We're going to take off." He said with my questioning eyes.

Tumama ang mainit at mabangong hininga nito sa mukha ko dahil sa sobrang lapit nito sa akin.

Lumayo ito at ikinabit ang sarili nitong seatbelt. At ilang minuto lang ay lumipad na ang eroplanong sinasakyan namin.

"Did you take your medicine for your cold allergy?" Maya-maya ay tanong nito.

Hindi ko ito pinansin at nanatili lang akong nakapikit habang nakasandal sa upuan ko.

I heard him sighed. Naramdaman ko ang paggalaw nito at napamulat ako nang may inilagay ito sa katawan ko. It's his jacket.

"Stop doing that, will you?" Inis na turan ko.

He just look at me and didn't speak.

Masama ko itong tinignan at muli akong pumikit dahil sa sobrang inis.

Ilang oras kaming nasa biyahe hanggang sa nag announce ang piloto ng eroplano na malapit na kami sa destinasyon.

Nang puwede na kaming lumabas ay nauna na akong lumabas at sumunod si Jastin. Naghintay pa kami para sa mga maleta namin sa loob ng airport at nang dumating ay si Jastin ang nagdala ng lahat ng iyon.

Hinayaan ko ito at nauna ng naglakad. Sa paglabas namin sa airport ay may naghihintay ng sasakyan doon na inihanda ni James para ihatid kami sa tutuluyan namin.

Buong biyahe akong walang imik. Katabi ko ang binata sa backseat pero hindi ko ito kinakausap.

Kinuha ko ang cellphone mula sa sling bag ko nang tumunog iyon.

"I already arrived here, hon." Kaagad na bungad ko kay Adrian.

Nahagip ng mga mata ko ang pagtagis ng mga bagang ni Jastin. Hindi ko ito pinansin.

Kinumusta lang ako ni Adrian at naglambing ng konti na ikinangiti ko. Hindi ko na sinabi na kasama ko si Jastin.

Napatingin ako sa labas nang tumigil ang sasakyan. May bahay doon na tila nagsisilbing rest house. Hindi iyon ganoon kalaki pero sapat na para may matuluyan kami.

Nandito kami para sa isang misyon. Kailangan lang naming bantayan ang kilos ng isang leader ng sindikato dahil nakarating kay James na may balak itong pasabugin ang kalahating bahagi ng Palawan. Kailangan namin siyang mapigilan bago pa nito mapagtagumpayan ang binabalak. Maraming buhay ang nakataya kaya kailangan naming maging maingat.

Alam na rin namin kung nasaan ang pugad ng mga ito. Marami itong tauhan at natitiyak ko na mahihirapan kami ni Jastin kung sakaling magkagipitan. Pero ayon kay James ay ipapadala nito ang limang snipers nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin kilala dahil sinasadyang hindi ipakilala ni James sa amin.

They are James's newly hired snipers and they are working for James for almost two years now. Sa aming mga Phoenix ay si Prince ang nagsisilbing sniper sa grupo at natitiyak ko na magiging leader ng mga ito si Prince dahil paunti-unti ay si Prince ang inuutusan ni James kapag may misyon ang mga ito lalo na sa malalayong lugar.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon