Chapter 34
"Please...magpapakasal ako sa anak nyo.Kahit ngayon lang po...hayaan nyo akong makita sya.P-Pagkatapos po nito...iiwan ko na po ang buhay ko dito sa Pilipinas... "
Umiiyak na sabi ko.Hindi ko alam kung may konsensya ba itong pamilyang ito pero kung kailangan kong lumuhod para lang makita si Lucas, sige gagawin ko!Gagawin ko lahat!
"Pakiusap po---"
"Sige na, pumapayag na kami.Basta pumunta ka sa Hongkong bukas,maliwanag?Kung hindi ay alam mo na ang mangyayari sa pamilya at sa lalaking iyon."
Mataray na sabi ng babae."M-Marami pong salamat!Pangako po,susunod po ako doon agad!"
Nakangiting sabi ko.Tumango na lang sa akin ang babae at umalis na ng bahay ko kasama ang limang lalaki.Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang mga bodyguards nila na syang bumaril kay Lucas kagabi.
Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili.
Nang makarating ako sa room nya ay huminga muna ako ng malalim bago itulak ang pinto ng kwarto nya.
Mabuti na lang at wala syang bisita ngayon.Malaya ko syang makakausap.
Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay tumulo na agad ang mga luha ko.Mahal na mahal kitang hayop ka... pero hindu talaga tayo pwede...
Hinaplos ko ang pisngi nya.
"S-Salamat kasi nakilala kita...salamat kasi minahal mo ako...minahal mo parin ako kahit sumusuko na ako...patawarin mo ako kasi dahil sa akin kaya ka nandito ngayon.M-Mahal na mahal parin kita...pero h-hindi talaga tayo pwede, Babe... hanggang doon na lang talaga tayo.Makakahanap k-ka rin ng babaeng mamahalin mo ng husto...at ako...mamahalin ko rin ang mapapangasawa ko.Salamat sa lahat, Lucas... mahal na mahal kita."
Lumuluhang sabi ko.Hinalikan ko sya sa noo at labi nya bago ako tumakbo paalis ng kwarto nya.Tinapik-tapik ko ang dibdib ko.Ang sakit!Ang sakit-sakit!
Wala naman akong magagawa kaya dinaan ko na lang lahat sa pagiyak.Bakit hindi na lang kasi kami?Bakit ba kasi may mga hadlang pa?
Inayos ko ang sarili ko.
"Hindi, Stacey.Hindi kayo ang para sa isa't isa.Malinaw na malinaw na iyon.Kaylangan mo na lang tanggapin."
Sabi ko sa sarili ko.Kung hindi ko kakalimutan ang lahat ay mananatili ako sa sitwasyong iyon...at baka hindi na ako makabangon pa.
Itinulog ko na lang ang mga problema ko.Pagod na pagod ako ngayong araw.Kailangan ko lang ng pahinga.
♥♥♥
Gumising ako na walang iniisip na kahit anong problema.Kakalimutan ko lahat kung kailangan.
Last day ko na ngayon kaya susulitin ko na.Namili ako ng mga gamit ko ng ako lang magisa.Kung magsasama pa ako ay baka hindi na ako sumama sa Hongkong.Malaking problema na naman iyon.
Pagkatapos kong libangin ang sarili ko ay umuwi na ako.Mamimiss ko ang Pilipinas---
"A-Anong ginagawa mo dito?"
Nanlalaking mga matang tanong ko sa lalaking nakaupo sa sofa."Ano pa nga ba?I will win you back, of course."
Sagot nya."Ang tigas talaga ng ulo mo, ano?!Hindi nga tayo pwede!Umalis ka na dito!Ayaw na kitang makita pa kahit kailan!"
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Boyfriend's Bestfriend
Jugendliteratur(Alferez Series 1) Lucas Dwayne Alferez & Stacey Leila Flores Story Started Writting: Dec.20,2018 Finish Writting: Feb.6,2019 Written By:Shireroseee