Chapter 1

98 4 0
                                    

“Guys!”

Napatingin kaming tatlo sa paparating, nakangiting kumakaway ito habang palapit sa amin . ..

Siya si Dylen, ang pinakamabait pero pasaway sa aming magkakaibigan . . .

“You’re late!” nakasimangot na sabi nang nasa kanan ko.

Siya si Tracy, ang pinakamaganda pero suplada sa amin . . .

“ok lang iyan Tracy, 5 minutes lang naman siyang Late”

Siya naman si Mitch ang pinakamasayahin pero moody sa aming apat, idagdag pa natin na siya ay kambal ko.

“So andito na tayong lahat! Ano sabi nang parents niyo?” Maagap kong sabi nang mapansin kong my konting tensyon sa tatlong kasama ko . . .

By the way, ako nga pala si Crystal, tulad ng sabi ko kambal kami ni Mitch, pero ako ang pinakamatalino pero weird sa aming apat . . .

Kasalukuyang andito kami sa mall ngayon para pag usapan ang tatlong araw get away vacation naming magkakaibigan . . . at napag usapan namin na pumunta kami sa Aurora ngayong Christmas Break . . . two days from now . . .

“pinayagan ako ni Papa” masayang sabi ni Dylen . . .

“Ako rin pinayagan pero dapat daw kasama ko si Kenshin at ate Garmel” nakasimangot parin na sabi ni Tracy. . .

Kaya naman pala nagsusuplada nanaman ang lola dahil isasama niya ang pamankin niya na kabatch namin na si Kenshin at ang pinsan niyang si ate Garmel . . .

“Oh! walang problema doon, pati nga samin ni Cryst, pinapasama si Bembem eh” sabi naman ni Mitch na ikinatango ko . . .

“ang nakakainis lang isasama daw ni Kenshin si Brando at si Pamela na girlfriend niya, pati si Ate Garmel isasama niya si ate Leni” nakasimangot paring sabi ni Tracy.

“eh pati si Bembem, isasama daw niya si Jasham at Lyn para naman daw hindi siya ma-out of place, at saka wala naman masama doon, mas marami mas masaya diba?” nakangiting sabi ko . . .

Marami pang inereklamo si Tracy sa pagsama nila Kenshin at ate Garmel pero kalaunan pumayag na din siya, dahil nga no choice siya, ayaw naman niyang maiwan . . .

Masaya na ang pinag uusapan namin nang bigla akong kinabahan, nakaramdam ako nang kakaiba . . . hindi ako mapakali, medyo naging balisa na din ako, tingin ako ng tingin sa paligid na para bang my hinahanap . . . my nararamdaman akong kakaiba . . .

“Hoy! My problema ba?” tanong sakin ni Mitch nahalata niya siguro ang pagiging balisa ko . . .

“ayan ka nanaman sa pagiging weird mo” sabi naman ni Dylen . . .

Oo weird ako dahil nakakakita ako nang hindi dapat makita, ilang beses ko na din sinabi sa tatlong kaibigan ko pero tinatawanan lang nila ako . . . hindi ko nga alam bakit si Mitch hindi naman nakakakita or nakakaramdam, eh magkambal naman kami . . .

The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon