Chapter 10

43 4 0
                                    

TRACY's POV

Naghahanap kami ni ate Garmel sa iba't ibang lugar, nagkataon na nasa harap niya ako at nasa likod ko siya . . .

"Ate Garmel, tignan mo ito" masayang sabi ko nang my makita akong puno ng bayabas, nanlalaki ang mata ko sa tuwa . . .

"Tra-tracy"

Napalingon ako agad sa likod ko nang my mapansin kong parang nanginginig ang boses ni ate Garmel sa takot . . .

Kinakabahan akong napalingon sakanya at . . .

"a-ate Garmel" sigaw ko, napatumba pa ako dahil sa gulat, napaupo ako sa lupa

Si ate Garmel, hawak siya nang lalaking nakamaskara, my hawak itong palakol, pumapalag si ate Garmel . . .

nanginginig ako sa takot, wala akong magawa . . . hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan . . .

"si-sino ka ba?" umiiyak na sabi ko, hindi ko napigilan mapaiyak mas lalo na nang makita ko ang umiiyak na itsura ni ate Garmel . . .

"Tracy, Tracy tulong" umiiyak na sabi niya, pero hindi ko alam gagawin ko . . .

"te-teka ano gagawin mo?" tanong ko nang makitang itinaas niya ang kamay nito na my hawak na palakol . . .

"aaaaaahhhhhhh!" sabay namin na sigaw ni ate Garmel, tinaga niya ito sa likod si ate Garmel halos malaglag ang puso ko sa pagsigaw ko . . .

Pero mas hindi ko natanggap ang nakita ko, ilang ulit niya tinaga si ate Garmel . . .

Tinaga niya ng tinaga, kahit na wala nang buhay si aTe Garmel hindi parin niya ito tinigilan, halos nanghina ako sa nakita ko . . .

Lumalabas na ang mga laman loob, utak at kung ano anong parte ng katawan ni ate Garmel, halos mabaliw ako nang makita kong tinataga niya ito na para bang hayop na ipagsasahog sa ulam . . .

"ate Garmel!" sigaw ko, halos hindi ko magalaw ang katawan ko sa nakikita ko . . . hopless akong naihalamos ang aking mga kamay sa aking mukha, halos masuka ako sa nakikita . . .

[Bllllaaagggg]

Napatingin ako agad nang marinig kong itinapon nito ang palakol sa harap ko . . . nanlaki ang mata ko nang makita kong nakatingin siya sakin at nakangiti ito ng nakakaloko, kinabahan ako, nangangatog ang katawan ko, at idagdag pa natin na gutom na gutom na ako . . .

Hindi ko kayang tumakbo, mas kinabahan ako nang makita kong palapit na siya sakin . . .

[tak tak tak]

Kailangan ko makatakbo, kailangan ko makaalis, kaya naman inipon ko ang aking lakas at ibinuhos ko sa pagtayo . . .

Tatayo na sana ako nang maramdaman kong nahihirapan akong hilain ang isang sapatos ko, agad kong tinignan, iyon pala ay naibaon sa lupa kasama ng palakol na inihagis niya . . .

Nataranta ako, nag isip ako agad kaya umupo ako ulit at saka dali daling tinanggal ang sapatos na suot ko . . . nahirapan ako dahil sa sintas nito,

"ugghh! please please please" saBi ko habang nagmamadali hanggang sa . . . natanggal ko na ang aking sapatos, tumayo ako at tatakbo na sana pero . . .

"aaaahhhh" nasa harapan ko na pala siya . . .

[Paaaaakkkkkkkk]

Isang malakas na palo sa ulo ang natanggap ko, napadapa ako sa lupa, ramdam na ramdam ko ang pag agos ng dugo sa aking ulo . . .

Naramdaman ko na lang na my humihila sa kanang paa ko, nakadapa pari ako kaya ramdam ko ang sakit pag tumatama ang katawan ko sa mga bato . . .

**********************************

"Sandali! Saan kayo pupunta?"

Natigilan si Mitch at Crystal sa narinig mula kay Dylen . . .

"Dylen, si Tracy . . ." hindi natapos na sasabihin ni Mitch ang sasabihin nang . . .

[Paaaaakkkkkk!]

Natumba ito at agad nawalan ng malay,

"aaaahhhh!" napasigaw si Crystal nang makitang nakabulagta si Mitch, lumapit ito agad sa kambal at tinignan si Dylen na nagtatanong . . . my hawak itong baseball bat. . .

"Dy-Dylen ano ibig sabihin nito?" tanong ni Crystal sa kaibigan . . .

"wala naman, gusto ko lang makipag laro sainyo" tumatawang sabi ni Dylen . . .

Dahan dahan lumalapit si Dylen sakanya, hindi na ito ang kaibigan kiya, para bang nasapian ito ng napakasamang espirito dahil sa pagkangiti niya . . .

"Dylen, ba-bakit mo ginagawa ito?" tanong ni Crystal . . . pero hindi ito sumagot bagkus tumawa ito nang malakas . . .

Tumayo si Crystal, nilabanan niya ang takot at kaba sakanayang sarili . . . paghahandaan niya ang pwedeng mangyari, hanggang sa . . .

"aaahhh"

sinunggaban siya ni Dylen ng palo pero nakailag si Crystal,  at dahil sa mabilisan na pagsugod ni Dylen, medyo nawalan siya ng panibang at nakakita naman ng pagkakataon si Crystal . . .

[BLaaaaaggggg!]

Tinulak niya ito, kaya napadapa si Dylen at agad naman sinakyan ni Crystal si Dylen sa likod . . .

Nag agawan sila, pilit kinukuha ni Crystal ang pamalo kay Dylen hanggang sa nakuha nito ang pamalo . . .

"hah hah hah bakit mo ginagawa ito Dylen, ikaw ba my pakana ng lahat ng ito?" hinihingal na sabi ni Crystal sa kinilalang kaibigan pero tawa lang ang isinagot nito, hindi parin umaalis si Crystal sa likod ni Dylen . . .

"Magsalita ka! Sino ang kasama mo gumagawa nito!" halos sigaw ni Crystal pero hindi parin ito sumagot hanggang sa . .

[Paaaaakkkkkk]

Napatumaba si Crystal sa likod no Dylen, naramdaman niya ang sakit sa likod ng kanyang ulo . . . my tumama kasi dito na matigas na bagay . . .

"Pa!"

Iyong na lang ang narinig ni Crystal mula kay Dylen bago siya mawalan ng ulirat,

The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon