Chapter 5

65 5 0
                                    

BRANDO’s POV

Naiinis ako dahil naisama ako sa apat na magkakaibigan, gusto ko sana sumama kay Kenshin pero hindi pwede dahil dadalawa na lang kaming lalaki tapos magkasama pa kami . . .

Pero masaya na rin ako kahit papaano dahil kasama ko si Bembem . . . my makakakulitan ako . . .

“kuya!”

Napatingin ako sa tumawag sakin, si Bembem, medyo malayo na pala sila sakin, napakamot pa tuloy ako sa ulo, haist pa emote emote pa kasi ako . . .

“Oo andiyan na!” sigaw ko sakanyaat nakita ko siyang tumalikod sakin, hahakbang n asana ako nang isa nang . . .

[Psssssssttttttt]

My sumitsit . . . kaya naman tumingin agad ako sa likod . . .

Pagkalingon ko sa likod, bigla na lang ako kinilabutan nang bigla na lang ako sinalubong ng malamig na hangin . . . pakiramdam ko lahat ng balahibo ko tumayo . . .

[cccrrraaaccckkk]

Kinabahan ako, hindi! dumoble ang kaba sa aking puso nang maramdaman kong my tao sa aking likod . . . hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng ganoon . . . pero kahit kinakabahan, dahan dahan akong lumingon sa aking likod . . .

at . . .

“hoy!”

“Ayyy!” hindi ko napigilan mapahiyaw . . .

“hahaha, Ayyy! para ka naman bading!” sumingkit na lang ang mata ko nang makita ko kung sino ang nasa likod ko, si Bembem, mukhang nainip sa kakahintay sakin kaya niya ako nilapitan . . . muntikan pang nahulog ang aking puso . . .

“Bakit ka ba nanggugulat diyan!” naiinis na sabi ko saka ako nagpatiunang maglakad . . .

“eh paano naman kasi para kang natatakot diyan!” sabi sakin ni Bembem saka tumatawang sinusundan ako . . . hindi na lang ako nagsalita para hindi na lumaki ang isyu . . .

pero ilang minuto lang ang nakalipas nang biglang tumahimik si Bembem, na nakakapanibago, sabihin na natin na nakasama ko na siya ng ilang beses at alam kong madaldal siya . . .

“hmp, baka naguilty lang sa ginawa niya” sabi ko sa sarili pero . . .

“aaaahhhhh kuya!”

napatigil ako sa lakad . . . saka dali daling lumingon sa likod ko . . . at doon . . .

nakita ko si Bembem pinipigil  niya ang kanyang tawa . . . binibiro lang naman pala niya ako, kaya naman iniwan ko na lang siya . . .

“Kuya! Sandali nagbibiro lang naman ako eh” sabi niya sakin at alam kong nasa likod ko lang siya . . .

The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon