LENI’s POV
Nakakita ako nang isang bahay sa baba na kita kung saan ako nakatayo kanina, pero hindi ko naman akalain na isang barangay ata o baryo iyon . . .
Napagpasiyahan namin na puntahan iyon dahil wala naman kami pagpipilian eh . . . kailangan namin ng matutuluyan dahil na din sa walang natirang gamit samin, isang bag lang na puro damit ang karga . . . at isa pa padilim na . . . kahit my mga sugat o masakit samin na aming iniinda, pinilit na lang namin makarating agad sa baryo na iyon . . .
Halos magkatinginan kaming lahat nang marating namin ang baryo na iyon . . . nakakatakot ang itsura . . . malamig ang paligid . . . ang maririnig mo lang ay ang tunong ng mga kalat na pinapagalaw ng hangin . . . sa unang tingin mo pa lang mababakas mo nang walang katao tao sa lugar na iyon . . .
“Leni!”
“ay! kabayo!” nagulat naman ako sa biglang pagtapik sa balikat ko . . . naiinis na napalingon ako sa likod ko . . .
[whhhoooosssshhhhh]
Malamig na hangin ang sumalubong sa mukha ko . . . bigla akong kinilabutan . . . ramdam ko ang pananayo ng balahibo ko . . .
“Hoy Leni! Tara na!” napalingon ako sa tumawag sakin, si Garmel na nagtataka ang mukha . . . doon ko lang napagtanto na ako na lang ang naiwan at lahat sila nasa harapan ko kanina . . .pero sino? . . . nanginig ako bigla sa naisip ko . . .
“Leni!” sigaw ulit ni Garmel
“Oo, andiyan na!” sabi ko na lang at binalewala ko na ang naramdaman kong takot . . .
“Guys, hindi ba kayo nagtataka na my baryo dito at hindi ba kayo natatakot?” narinig ko na lang sabi ni Tracy nang makalapit ako sakanila, nasa gitna kami nang baryon a iyon . . .
“Hindi ba mas nakakatakot sa gitna nang kakahuyan tayo matutulog?” sabi ni Dylen, napatingin naman kami sa pinanggalingan namin, tama si Dylen mas maganda na din iyong my bahay kaming matutuluyan pero mukhang wala naman bahay doon . . .
“parang wala naman tao dito” sabi naman ni Brando na lumingon lingon pa sa paligid . . . lahat tuloy kami napalingon din sa paligid . . .
“Ganito na lang guys, Leni ano nang oras diyan sa relo mo?” tanong sakin ni Garmel, kaya naman tinignan ko ang relo sa kamay ko . . .
“4:30” sagot ko . . .
“Guys, ganito na lang, maghiwa-hiwalay muna tayo para mas medaling makahanap ng magandang matutuluyan at pagkain . . . balik na lang tayo dito after 1 hour” puro daing at maktol ang isinagot nang mga kasama namin sa sinabi ni Garmel . . .
“Bakit kailangan natin maghiwa-hiwalay? Pwede naman tayo magkakasama ah” sabi ni Kenshin . . .
“Oo nga!” sabi naman ng iba . . .
“Guys, mas madali kung maghiwa-hiwalay na muna tayo . . .para mas madali natin malibot ang buong baryo na ito, mahihirapan tayo kung sama sama tayong labing dalawa, kahit sana dalawang grupo lang” sabi ulit ni Garmel . . .kaya naman nag grupo grupo na ang lahat, ang unang grupo ay sila Mitch, Dylen, Tracy, Crystal, Bembem, at Brando . . . ang pangalawang grupo ay kami nila, Lyn, Jasham, Garmel, Kenshin, Pamela at ako grupo . . .
BINABASA MO ANG
The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)
Mistero / ThrillerPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...