Chapter 3

55 5 0
                                    

Nagising bigla si Mitch dahil sa nakakapasong kamay na dumampi sa kanyang balikat . . . pero nang tignan niya ito . . . wala naman siyang nakitang kahit ano maliban lang sa mga abong nagkalat doon . . .

Nagtatakang pinagpag ni Mitch ang kanyang balikat, hindi niya talaga maisip kung saan galing iyon . . .

Iaangat na sana ni Mitch ang kanyang ulo pero bigla na lang ito nakaramdam ng kakaibang pananakit ng ulo . . . dahil na din siguro sa pagkauntog niya kanina nang biglang magpreno ang kapatid niya . . .

“Mitch!” Narinig niyang tawag ng mga kasama niya. . . kaya naman kahit masakit ang kanyang ulo pinilit niya itong iangat at hinanap ng kanyang paningin ang kanyang mga kasama . . .

Doon lang niya napansin na wala siyang kasama sa loob ng van . . .

“Kung wala akong kasama dito? Sino ang humawak sakin kanina?” tumindig balahibong tanong niya sa kanyang sarili . . .

[Craaaaccccckkkk]

Bigla na lang gumalawa ang van na sinasakyan niya . . .

“Miiiittttcccchhhh!”

Kinabahan siya mas lalo na nang marinig niya ang sigaw ng mga kasama niya . . .

“Lumabas ka na diyan Mitch! Mahuhulog na ang van!”

Nataranta siya . . . hindi niya alam kung ano gagawin . . . tumayo siya para buksan ang pintuan ng van nang . . .hindi niya mabuksan ang pintuan, na automatic lock ata iyon . . .

[craaaccckkkk]

mas gumagalaw ang van . . . umindayog ito na para bang mahuhulog . . ..

“Sh*t ano gagawin ko?” sabi niya sa isip niya . . . hindi na niya napigilan ang pag iyak  . . .

“Guys! Help! Please!” umiiyak na sigaw niya sa mga kasama . . .

Nag aalala naman si Crystal nang makita niya ang kambal na umiiyak, bakit ba naman kasi nakalimutan niya ito kanina noong pababa pa lang sila ng van . . .

“Guys! Please tulungan natin si Mitch! Please!” umiiyak na turan niya sa lahat ng mga kasama niya . . .

“Cryst!” sigaw ni Mitch kaya naman napatingin ulit ito sakanyang kambal . . .

Sa hindi inaasahan . . . ang iisang tao kanina sa loob ng van bigla na lang naging dalawa sa paningin ni Crystal . . .

“Guys? Si-sino iyong kasama ni Mitch sa van?” wala sa sarili na tanong ni Crystal sa mga kasama, bigla na lang siyang kinilabutan . . .

“Kasama? wala naman siyang kasama huh? iisa lang niya” sabi ni Dylen . . .

“Ok ka lang ba Crystal?” sabi naman ni Tracy . . .

The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon