Kirby's Note: Paalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, BACK OFF! hihi Joke, huwag niyo na lang po basahin :3 chalamuch . . .
TRACY's POV
Halos hindi ako makagalaw dahil sa takot, pakiramdam ko nga maiihi na ako sa pantalon ko eh . . .
"a-andiyan na siya"
"ahhh"
sabay ng pagsigaw namin ay napatakbo kaming dalawa ni aTe Garmel,
Tumakbo kami ng tumakbo, habang tumatakbo kami nakikita kong lumilingon si ate Garmel na para bang my hinahanap . . .
"Doon! doon tayo" rinig ko na lang na sinasabi niya hanggang hinila na lang niya ako, napunta kami sa isang bahay na medyo hindi naabutan ng liwanag ng buwan . . .
Pumasok kami, at sinalubong kami ng dilim . . . my konting liwanag naman pero konti lang talaga, sapat na makita namin ang isa't isa . . .
"Dito na muna tayo" sabi ni ate Garmel,
Pumasok kami sa isa pang pintuan, pero hindi ko alam kung saan iyon, para bang aparador na ewan . . .
Natatakot talaga ako . . .hindi ko alam ang gagawin . . .
"tulig ka muna ako bahala saiyo" biglang bulong ni ate Garmel . . .
Ilang oras din bago ako tuluyang nakatulog . . . hindi ko namalayan na nakatulog na din si ate Garmel . . .
"Tracy?"
Naalimpungatan ako sa isang mainit na kamay na humawak sa balikat ko, mainit sobrang init . . .
"huh" napabalikwas ako,
[boooggg]
Nauntog ako sa kahoy sa gilid ko . . .pati si ate Garmel nagulat . . .
"ok ka lang?" sabi sakin ni ate Garmel,
"opo" sagot ko na hinihimas ang ulo ko na nauntog . . .
"mukhang pwede na tayo lumabas" napatingin ako kay ate Garmel, sumisilip ito sa nakausling pintuan ng kinalalagyan namin, ngayon ko lang nakumpirma na aparador mga iyon . . .
"tara na" sabi ni ate Garmel at saka nagpatiunang lumabas,
Lalabas na sana ako nang biglang tumunog ang tiyan ko, nagugutom na ako . . .
Tumawa ng bahagya si ate Garmel nang marinig niyang tumunog ang tiyan ko . . .
BINABASA MO ANG
The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)
Mistero / ThrillerPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...