I. Ang Unang Pagkikita

259 5 1
                                    

SETTING: Bus Stop in Downtown San Francisco, CA.

Kung bakit ba naman inabot ako ng rush hour. Nag-grocery ako ng lulutuin ko na hapunan namin nila mama at ate. Ako si Kieran Marie Sebastian. Pagka may konting ipon ang pamilya umuuwi sila mama at ate o kaya naman ako ang pinapapunta nila dito. Pangalawang dalaw ko na to ngayon sa kanila. Ang papa ko naman naiwan sa Pilipinas. Wala daw kasi magbabantay sa shop namin, pero dahilan na lang nya yun. Ay sa wakas! Nandito na ang bus.

 Sumakay ako ng bus ng maraming bitbit. Naabutan na kasi ako ng rush hour. Mga ganitong oras nag-uuwian ang mga nag-oopisina kaya puno ang mga bus galing financial district. Sa sobrang puno ng bus, wala ng pakialam ang mga tao kahit na maraming nakatayo basta makauwi lang. Uy! May nabakanteng upuan. Nagmamadali ako nakisiksik at nakipag unahan na umupo ng di sinasadya na makabangga ako dahil gusto din nya umupo.

 "Aray! Bwiset!" narinig kong sabi ng nabangga ko. 

 Dahil sa inaayos ko muna yung sarili ko sa upuan pati yung mga bitbitin ko di ko na tinignan yung nagsabi nun basta nag-sorry na lang ko. Pagkatapos nun tsaka ako tumingin sa mga nakapaligid sa akin. Sino kaya yung nagsalita nung tagalog muka naman wala pilipino sa kanila. Pero nung nakita ko yung isang lalaki na salubong ang kilay at nakasimangot sakin, sya siguro yung nakabangga ko kaya tinanong ko sya.

 "Did you just speak tagalog?"

 Imbes na sumagot lalo pa kong inirapan.

 Napabulong naman ako ng "baklang to.."

 "I'm not gay!." Nagulat ako at nanlaki mata ko sa sinabi nya. At pinagtinginan kami ng mga tao dahil napalakas ang boses nya. Di na lang ako sumagot at humarap na lang ako sa bintana. Nakakahiya!

 (Tyler)

 Sana pala tinanggap ko na yung offer kanina na ihatid ako ng friend ni dad pauwi eh di sana hindi na ako naipit ng ganito sa bus. Ayun may bakanteng upuan, makaupo nga malayo pa ang byahe ko. Ng may biglang bumangga sa akin. 

 "Ay, sorry.." 

 Sorry daw pero tuloy tuloy pa din sya nakipag agawan sa upuan at nahampas pa ako ng mga dala-dalahan nya.

 "Aray! Bwiset!" Sarap nyang murahin. Naku! Mga tao talaga dito rude.

 "Did you just speak tagalog?" nang-usisa pa.

 Its none of your business. Sabay irap ko nga sa kanya,

 "baklang to.."

 Ako bakla? "I'm not gay!" Napalakas tuloy boses ko at pinagtitinginan kami ng mga tao. Lupa, bumuka ka na at lamunin mo na ako. Nakakahiya!

 (kira)

 Paano ba yan.. Malapit na ang stop ko mauuna pa yata akong bumaba sa kanya. Ng malapit na ako sa stop ko at dahil sa puno pa din ang bus hinawakan ko na ang mga dala dala ko at paghintong paghinto ng bus ay tumayo na ako at dali dali lumabas. Kundi kasi masasaraduhan ako ng pinto at malayong lakaran na kung sa next stop pa ako makakababa. 

 "Excuse me please! Excuse me!"

 Dali dali ako kahit na makabangga ko yung iba, no choice naman eh wala din naman sila mauurungan. 

 "Ano ba! Di ka magdadahan-dahan.." blah. Blah. Blah

 Hay. Nakalabas din ako ng buo pa naman ako pero yung lalaki nagsara na yung pinto marami pa ding sinasabi. Nilingon ko na lang sya at kinawayan with matching smile pa. Pang pa-goodvibes lang. Di ko naman gusto na banggain sya. 

 Paguwi ko sa bahay..

 "Hi mama, nakauwi ka na pala.."

"Oo, anak umuwi ako ng maaga para naman makapag-usap pa tayo pauwi ka na bukas eh. Mamimiss na naman kita.." sabay yakap nya sa akin.

 "Ma, may skype naman eh.." niyakap ko din sya. "wag ka na malungkot.."

 "Dito ka na lang mag-aral anak."

 "Ma, ayaw kong iwanan si papa."

 "kung bakit ba naman ang tigas ng ulo ng papa mo, pwede naman tayo na magkakasama na dito."

 "Alam mo naman Ma di ba na ayaw magpabigat sa atin ni papa. Ano naman daw ang gagawin nya dito magiging pabigat lang daw sya. Bakit kasi hindi na lang kayo umuwi okay naman na ang kabuhayan natin doon."

"Nak, di ko pa pwede iwanan ang ate mo dito mag-isa. Bago pa lang sya sa trabaho nya at di nya pa kakayanin ang bills dito. Tsaka ang lolo at lola mo matatanda na din."

 Hindi na ako umimik. Si ate, kumuha sya ng kursong nursing sa Pilipinas. Napagtapos sya nila mama at papa. Pag-graduate pinili nyang sumunod kay mama para sa mas magandang oportunidad.

 "Hayaan mo anak, pag ka ayos na ang lahat magkakasama din tayo." 

 Niyakap ko na lang si mama. Matagal na naman bago ko sya makasama ulit. 

 "i love you po."

 "i love you too, anak."

I Don't Like You Like ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon