Chapter 1

3.4K 80 10
                                    

/AGA/

“Kyle, paki-assist naman ‘yung table 6” utos ko sa staff ko at ako naman ang tumao sa may counter.

“Sir, mukhang stress na stress ah” rinig kong saad ni Justine, isa sa mga server dito.

“We’re too busy today, that’s why”

“Hindi po ba kayo napapagod? Alam ko pong marami kayong ginagawa. Kaya naman na po namin dito.”

“Ayos lang, libre naman ako ngayon. Isa pa, everything here is my responsibility so I need to look out for every single thing. Lalo pa’t wala pa si Dawn.” sagot ko naman habang chinecheck ‘yung recent order ng raw products ng restaurant. Hindi na nakasagot si Justine kasi tinawag siya ng trabaho niyo.

So yes, I kind-of owned a restaurant— well not me alone because I have my sister as a co-owner who’s currently in Paris for a honeymoon after her wedding couple of weeks ago. We opened this two years ago and so far it’s going successful. Blockbuster.

Nabaling ang atensyon ko sa pagtunog ng telepono ko. I get it from my pocket and my brows furrowed upon seeing a familiar contact flashed on the screen. I chose to go to the office first before answering the call since it is too crowded outside, hence the noise.

“Hello, Ma’am?”

“Hello, Mr. Muhlach? Naistorbo ko po ba kayo?”

“Ay, hindi naman po,” tugon ko sa guro. “Bakit po kayo napatawag? May nangyari po ba?”

“Si Aya po kasi...”

______

Dali-dali akong naglakad papunta sa guidance office ng paaralan kung nasaan ang guro na tumawag sa akin kanina. The situation is too urgent and important that I had to leave work just to attend this matter. Pagkabukas ko ng pinto, agad na naagaw ng atensyon ko ang isang batang lalaki na umiiyak habang may ice bag na nakalagay sa pisngi nito.

“Ikaw ba ang tatay ng batang sumuntok sa anak ko?” I was taken aback when a man approach me in rage. Dahil sa sinabi niya, napagtanto ko na siya ang magulang n’ung bating lalaki. “Pagsabihan mo iyang anak mo, ha? Que bata bata, ang tapang tapang na”

“Huminahon ho tayong lahat. Mapapag-usapan natin ‘to. Mr. Muhlach, please take a seat” the guidance councilor offered me. I sighed and looked at the young lady sitting on the couch who’s frowning.

“Sigurado po ba kayo na si Aya ang may gawa nito?” tanong ko ulit kahit na nasabi na sa akin ng adviser ni Aya ang nangyari kanina sa telepono. It’s just that, I can’t believe that my daughter can do this kind of thing.

“Si Aya na po mismo ang umamin sa amin” sagot ng guidance counselor. Napabuntong hininga na lang ako dahil doon. Napaka-honest din naman talaga ng anak ko.

“Ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Aya. I’ll take over the expenses for your son’s medication”

“Dapat lang ‘noh! Tignan mo naman ang ginawa ng anak mo sa anak ko,” I took a glance at his son and the kid was really awful. God, how did his daughter do this? “Pero hindi iyon sapat. Kailangan maparusahan ang batang iyan.”

“Hindi lang po si Aya ang may kasalanan dito. May pananagutan din po si David. Napag-alaman namin na kaya nagawang suntukin ni Aya si David ay dahil sa pangbu-bully nito. And, this is also not the first time that David was involved in a bullying incident, Mr. Acosta” the guidance councilor said.

“Wait, my daughter is being bullied?” I exclaimed. Alam kong may kasalanan si Aya rito pero hindi naman ako makakapayag na inaapi ang anak ko.

SoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon