Chapter 7

1.6K 75 12
                                    


“Kuya, b-bakit bumalik ka?” kinakabahang tanong ni Sarah nang pumasok si Aga sa gate.

“May nakalimutan lang,” sagot naman nito. “Bakit ka nga pala nandito sa labas?”

“M-may pinakuha kasi sa’kin si Aya sa tree house”

“Gan’on ba,” tugon ni Aga at bahagyang sinilip ang tree house kaya mas lalong kinabahan si Sarah. Nandoon pa rin kasi si Lea at nagtatago. “Sige, kunin ko lang ‘yung gamit na naiwan ko tsaka aalis na ako ulit”

Sarah just smiled nervously at him before he went inside the house. Hindi siya sanay na may tinatago kaya hindi niya mawari ang nararamdaman ngayon. Kinakabahan na nagu-guilty. Sana lang talaga at hindi maisipan ni Aga na umakyat sa tree house at paniguradong malilintikan silang lahat.

“Hay nako Daddy, you are really getting old. You’re being forgetful already” Aya told her Dad while Aga was walking downstairs holding some important files.

“And who’s getting old, ha?” tanong naman ni Aga at bahagyang kiniliti ang anak sa kili-kili. “Alis na ulit ang Daddy. Behave, okay?”

Aya just nodded and smiled sweetly at her Dad, “Yes po, Daddy”

Kumunot naman ang noo ni Aga nang mapansin ang alagang ibon ni Aya, “Bakit nandito si Pica?”

“Uhm... Pinakain ko lang po. Ibabalik ko na rin po siya sa tree house”

“Amin na, ako na ang magbabalik sa kanya”

Aakmang kukunin na sana ni Aga ang kulungan kung nasaan ang parrot nang pinigilan siya ni Aya, “No, Daddy, huwag na!”

“A-ako na ang magbabalik, Kuya” singit ni Sarah.

Aga looked at the two with his eyebrows furrowing. He doesn’t know but he felt like these two are hiding something from him. He could tell by Sarah’s anxious look. Hindi naman gan’on ang pagkakakilala niya rito.

“Sige na Daddy, you go already. Baka magalit pa sa’yo si Mama kapag late ka na naman”

“Sige. Sarah, mauuna na ulit ako”

“Ingat po ulit, Kuya”

Nakahinga na nang maluwag ang dalawa nang tuluyan nang umalis si Aga, “T-That’s very... intense”

“That’s why I’m not a fan of secrets,” Sarah said and sat beside Aya. “Tawagin mo na nga Mommy mo sa tree house at pababain mo rito.”

“Mommy?” nagtatakang tanong ni Aya.

It was too late when Sarah realized what she just spilled, “D-did I say Mommy?”

“You did, Tita”

“W-why would I say that?” pagpapalusot niya. “Huwag mo na lang panisin, Peanut. Tawagin mo na lang si Tita Lea mo.”

Sinunod na lang ni Aya ang sinabi ni Sarah at tinawag nga si Lea. Maya-maya pa ay nakita na ni Sarah na pumasok ang kapatid, “Am I even allowed to be here?”

“Sa totoo lang, hindi, Ate. Pero hindi naman puwedeng sa tree house ka lang buong hapon.”

“Thank you though. Thank you for covering me up” she said and smiled at her sister.

“As much as I hate this hide and seek game of yours, I’m happy that you’re here,” Sarah replied and smiled back at Lea. “Miss na miss kita sobra.”

“Na-miss ka rin ng Ate, bunso”

“So, how did you know each other nga po?” biglang tanong ni Aya na ngayo’y nakatingin sa kanilang dalawa.

SoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon