Busangot ang mukha na umupo si Maia sa kanyang swivel chair. First day kasi ng menstruation niya. At hindi pa masyadong umeepek ang gamot na ininom niya kanina. Tingin niya ay mabubulyawan niya kung sino man ang lalapit sa kanya. Wala kasi talaga siya sa mood.
Bored na binuksan niya ang kanyang email. Napakunot-noo siya nang mabasa ang isang mensahe mula sa high school classmate niya.
" Beh, ano tuloy tayo mamaya ha?" Excited na tanong ni Firey.
Kinunotan niya ang kaibigan." Ano namang pinagsasabi mo diyan?"
" Kita mo 'to, nagka amnesia agad. Diba sinabihan na kita sa lakad natin mamaya? Ime-meet natin ang best friend kong si Jaime?"
" Bakit? Sinabihan ba kitang payag ako?" Nakakunot noo pa ring tanong niya, Di kasi niya matapos tapos ang pagbabasa sa email.
" Oo kaya, pumayag ka last week. Duh!.Aga aga eh HB ka agad. "
" Pwede bang magpass? Wala ako sa mood eh."
" I don't take no for an answer di ba? Pain reliever lang katapat niyan."
Nagtatanong ang mga matang napatingin siya sa kaibigan.
" I know kaya na you're on your period kaya antaray taray mong bruha ka. Susme! E-try mo kaya yong sinabi ko sayong way para mawala na yang monthly pain mo."
Nang maunawaan ang sinabi ng kaibigan ay namula si Maia.
" Bastos nito. Umalis ka nga sa harap ko. Kita mong wala talaga ako sa mood eh!" Inis na pagtataboy niya.
" Sus pa-demure ka talaga Maria Cassiopeia. Hello malapit ka nang mawala sa kalendaryo girl. "
Lalong uminit ang ulo ni Maia. Akmang kukunin niya ang feather duster para ihampas sa kaibigan nang nagtatawang tumakbo ito palayo.
Nakaupo sa isang kilalang restaurant sina Maia at Firey. Hinihintay kasi nilang dumating si Jaime.
" Beh, restroom muna ako ha. You know na."
" Sige lang. Wag na wag mong iisiping umalis ha? Babatukan kita."
Napairap nalang na tumayo ang dalaga. Papasok na si Maia sa restroom nang tumunog ang cp niya. Hindi tumitinging nag lakad pa rin siya while fishing her phone inside her bag.
Muntik nang mapasalampak sa sahig ang dalaga nang mabangga siya sa matigas na bagay.
" Watch where you're going Miss. Wag kang tatanga tanga. Masyado kang nakakaabala." Supladong saad ng lalaking nakahawak sa likod niya.
Inis na tumayo ng maayos si Maia at tatalakan sana ang lalaki nang bigla itong umalis. Asar na pumasok siya sa restroom. Magkatabi lang kasi ang pinto ng Babae at lalaki kaya nagkabanggan sila nong supladong lalaki. OK lang naman siya at magpapasalamat pa sana sa pagsalo sa likod niya kung hindi lang siya pinagsupladuhan nito.
" Beh! Si Jaime, bff kong lalaki." Pagpapakilala ni Firey sa lalaking nakatalikod sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Maia. " James? As in Jameson Geronimo? Ikaw si Jaime? "
" Cassiopeia...long time no see." Ngumiti ng simpatiko sa kanya si Jaime.
" Woah! Magkakilala kayo?"
Sabay na tumango at nagsabi ng Oo ang dalawa. Napangiti naman ng malawak si Firey. Lalo na ng dumating ang boyfriend niyang si Carlisle.
Masayang nag dinner ang apat. At sina Maia at Jaime ay panay ang usapan tungkol sa past. Classmates kasi sila sa high school at minsan na rin siyang niligawan ni Troy noon. Jameson Troy Geronimo kasi ang buo nitong pangalan. Sweet na sweet namang naglalambingan ang lovers.