Gulat na gulat si Aki nang may mga kamay na yumakap sa kanya at bigla na lamang siyang hinalikan. Ni hindi siya nakatutol.
" Hi Babe, I missed you."
" Eunice..." Para siyang nakakita ng multo.
" Yes babe, it's me. I'll be staying in this country na for good kaya hindi na tayo maghihiwalay simula ngayon." Anitong ngumiti nang matamis sa kanya.
Luminga sa paligid si Aki baka makita sila ng asawa niya. Nang hindi nito makita si Maia ay hinila niya si Eunice sa gilid na umabrisyete naman agad sa kanya.
" What are you doing, Eunice? Why are you here?" Matigas na tanong niya sa babae.
Pumulupot naman ang mga braso nito sa leeg niya. " I'm here to get you back."
" You're too late. May asawa na ako. And I'm happily married. Magkakaanak na nga kami eh." Balewalang sagot niya na alerto ang mga mata.
Sandaling natigilan si Eunice pero agad ding ngumiti. " Whatever. Kasal ka man o hindi, that won't change the fact that I'm still into you babe. I know also that you're still madly in love with me so here I am, let's be together at papaligayahin uli kita, hm? "
" No, you don't understand. We can't be together. And you're wrong. I don't love you anymore." Aniyang iwinawaksi ang mga kamay ng babae.
" Oh babe, wag mo naman akong sabihan ng ganyan. Nasasaktan ako eh. I already know naman that sa papel lang kayo mag-asawa. And you're " wife " is just using you to get what she wants. She's just a lying bitch and a gold digger, you know. You belong with me. "
" You have no right to say those words right to my face. Wala kang karapatan na insultuhin ang asawa ko. " Galit pero pigil ang boses na inilayo niya ang katawan sa babae.
" You're nothing compared to her."" I know you still love me Akihiro, ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Come on, updated pa rin naman ako sayo kahit ilang babae na ang dumating after we broke up. Magsama na tayo babe please. Umalis tayo at mamuhay malayo dito. Miss na miss na kita. Oh, how I missed your touch and kisses. I remember those time that we're making love and both screaming each others name in bed. Please babe, bumalik ka na sa akin." Anitong yumakap uli at hahalikan sana siya pero tinanggal niya ang mga braso ng dalaga at lumayo dito.
" Nahihibang ka na Eunice. Hindi na kita mahal. Maniwala ka. At wala ka nang babalikan pa dahil mahal na mahal ko ang asawa ko. Maisip ko pa lang na malayo siya sa akin ay parang mamamatay ako. Matagal nang natapos ang ugnayan natin ng piliin mo ang career mo. We're through, finished. " Aniyang tumalikod at hinanap ang asawa.
" P-pero hindi naman talaga ako lumayo para sa career ko, Akihiro. "Kagat-labing habol nito.
Parang nawawalan ng pasensyang luminga si Aki sa paligid, may iilan nang miron ang nakatingin sa kanila dahil nasa may counter sila malapit sa exit.
" Oh yeah? You really forgot that you chose your career over me? And what's worst was, I caught you and Carl doing nasty things in bed nang dalawin kita sa condo mo. Pinuntahan kita para makiusap na balikan ako. Because I really love you. Pero nagbago ang isip ko nang makita ko yun. That was very painful on my part. And nandiri ako sayo that time."
" I...I didn't know na pumunta ka sa condo. " Naluluha na si Eunice.
" Dahil kung anong kababalaghan ang ginawa niyo at nalimutan niyo pang e-lock ang pinto." Tumigil siya at pumormal ang mukha. " But that was years ago. Napatawad ko na kayo sa ginawa niyo. Alam mo kung bakit? Dahil sa asawa ko. And I can't live without her. She's my life now."
" I'm... I'm sorry Akihiro. I'm really sorry. "
" Like I told you, tapos na tayo. Matagal na iyon. Excuse me at hahanapin ko pa si Maia." Aniyang tatalikuran na sana ulit ito.