💖Eleven

207 12 0
                                    


Nang malaman ng lahat ang totoong relasyon ni Maia sa Presidente ng kompanya ay nag-iba na din ang pakikitungo ng mga kasamahan sa kanya. Marami na rin ang bumabati at ngumingiti sa kanya na mga nakakasalubong. Actually, wala naman siyang paki sa mga hindi pumapansin sa kanya noon. Alam naman niyang ang iba ay binabati lang siya dahil sa nalaman.

" Hoy bruha! You owe me an explanation ha! Napakamalihim mong bruha ka! Nauna ka na palang magpakasal kaysa kay Jaime. Kurotin kita sa singit eh!"

Napakamot siya sa ulo. " Sorry, sasabihin ko naman talaga sayo, naghahanap lang ako ng timing."

" Lechugas ka! Ni hindi mo ako ininform na si AA pala ay si Akihiro Aoki ang may-ari nitong kompanya. Di mo naman sinabi na si Mr. President at si supladong antipatikong unggoy na hudyo ay iisa. " Windang na hinampas siya nito sa balikat.

" Nahihiya nga ako. Baka isipin mo na nahihibang na ako eh. Tsaka kailan ko lang naman nalamang siya ang may-ari at Presidente dito noh. Yon yong bumisita sila dito."

" Aba last week pa yon. Bruha ka talaga!" Umayos ito ng upo saka bumulong. " May nangyari na sa inyo noh? Malaki ba?"

" Hay yang bibig mo Firenah! Bakit ba palaging yan ang tanong niyo?"

" Sus! To naman nahiya pa. Halata naman sayong nadidiligan ka. Napansin ko kayang blooming na blooming ka. Pero sige, kwentuhan mo na lang ako kapag ready ka na para mas intense. Yong lahat-lahat ah! No more, no less! Ciao!"


Kanina pa masama ang pakiramdam ni Maia magmula nang magising siya. Mas maagang nagising si Aki sa kanya kaya ito na ang nagluto ng agahan nila. Ganon ang routine nila sa mga nakalipas na araw, kung hindi siya nagigising ng maaga ay ito ang nagluluto.

" Ayos ka lang, hon? You look pale." Puna nito sa kanya kaya inalalayan siya nitong umupo. Naglaway naman siya sa pagkaing nasa harap kaya agad niya iyong nilantakan na ikinatawa nito.

" Hey easy baka mabulunan ka." Saway  nito sa kanya. Sinubuan niya  ang asawa kaya natahimik  ito. Ganado na din itong kumain kagaya niya.

" Wag ka na kayang pumasok pa sa opisina? Magpahinga ka muna ha? " Anito na ibinaba siya sa kama.

" Okay. Hay! Masyado mo akong binebaby Aki. Hindi ko na alam kung makakaya ko pang wala ka sa tabi ko. Ang swerte ko sayo, alam mo ba?"

" Ikaw din naman ah? Palagi mo din kaya akong inaalagaan noon kahit ang high blood mo palagi sa akin. " Saka pumasok ito sa walk in closet at nagbihis.

" Ay ano ba?!"

" What's wrong? Bakit pinalalayo mo ako sayo?" Nagtatakang tanong nito sa asawa na humakbang lang ng dalawa paatras.

" Ayoko sa amoy mo. Magpalit ka please! O kaya maligo ka na lang ulit."sagot niyang tinatakpan ang ilong.

" Ha? Eh paborito mo ang pabango na ito kaya ito na nga ang ginagamit ko. "

" Ah Basta! Nababahuan talaga ako sa amoy mo. " Saka nagtaklob siya ng kumot.

Nagtataka man sa inakto niya ay napapakamot na nagpalit si Aki ng damit. Hindi na din siya nagpabango.

Walang babalang nangunyapit sa kanya si Maia at tumingkayad pa para halikan siya sa mga labi.

" Pag-uwi mo, bilhan mo ako ng strawberry ha? With whipped cream please." Ungot niya na nagpatawa dito.

" Sure. Wag kang magpapalipas ng gutom okay? Or pwede namang magpa-deliver na lang ako ng lunch mo dito mamaya. If you want, uuwi ako para sabay tayong kumain." Anitong hinaplos ang pisngi niya.

" Hmm wag na. Sige na. Alis ka na! Ingat ka!" Taboy niya dito pagkatapos niyang nilapirot ang ilong ng asawa.

Naiiling na lang na lumabas si Aki. Nagtataka talaga siya sa kakaibang inaakto ng asawa.

My Annoying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon