" Hoy! Long time no see my friend. Where have you been?"Ang agad na bati ni Firey sa dalaga pagkakita sa kanya. Maaga siyang hinatid kanina ni Aki sa kompanya dahil may lakad din daw ito kaya isinabay na siya.
" Diyan lang. " Bigla siyang binatukan ng kaibigan. " Aray naman!"
" Ilang araw kang absent ah, akala ko tatanggalin ka na eh. Pero himalang walang memo na dumating para sa'yo."
" Talaga ba? Mabuti kung ganon." Nakahinga si Maia nang maluwag.
" Yong totoo, may kapit ka ba sa itaas?"
" Anong pinagsasabi mo diyan? Paano naman ako magkakakapit eh alam mo namang I'm just nobody."
" Hmp! Well considering your performance in work baka pinagbigyan ka rin ng management. Taray! Sa susunod susungkitin ko din ang employee of the month in 3 consecutive months. "
" Sure. Ikaw pa ba. "
" Hoy make kwento naman. San ka galing?"
" Diyan lang, 'no ka ba."
" Nakakatampo ka na. Ayaw mong magkwento. Di na tayo bati."
Pabirong sinabunotan ni Maia ang kaibigan. Nasa ganon silang ayos nang magsipulasan ang ibang empleyado.
" Hoy girl anyari sa mga yon at natataranta sa pag-aayos ng table nila?"tawag pansin ni Firey sa katabi ni Maia.
" Girl balik ka na sa pwesto mo. Nandito daw ang mga board of directors at mukhang pati si Mr. President.
" Ano?!" Sabay pa silang nagulat ni Firenah kaya dali-dali itong bumalik sa table nito.
Napapitlag si Maia nang mag-vibrate ang phone niya. Napakunot-noo pa siya sa nabasang mensahe.
Why so serious wife? Miss me?
Isang tikhim ang nagpalingon kay Maia. Nanlaki ang mga mata niya. Nakatingin sa kanya ang mga kasamahan, sinesenyas naman ni Firenah na malapit na sa kanya ang mga Big boss.
At para lang lalong magulat nang makita ng dalaga si Akihiro.
Isa ba si Aki sa big boss ng kompanya? Hala! Kaya pala nakakasabay ko siya minsan dito. Siguro isa siya sa mga board of directors.
Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang mga ito. Kumindat pa sa kanya ang binata kaya napairap siya. Agad silang bumati sa mga ito pagkalapit sa kanila.
" Oh so you're Miss Galvez. The three consecutive employee of the month. Please keep up the good work hija. " Anang matanda na ipinakilala kanina ng Secretary ng President na VP pala.
" I will Sir. Thank you po Vice President. " Aniyang nahihiyang yumukod ng konti. Hindi talaga siya sanay na pinupuri.
Tumaas naman ang sulok ng bibig ni Aki pagbaling niya dito. He even mouthed Best Employee to her to tease her.
Nagkumpulan sila nang sabihin ng VP na may magaganap na ball sa papalapit na anniversary ng kompanya. Tuwang-tuwa naman ang mga kasamahan niya.
" Hoy natulala ka na diyan. Ang gwapo nong dalawang big boss na bata pa kanina noh?. Lalo na yong chinito? God besh, ang hot, naalala ko tuloy yong crush kong hapon.! "
Naiiling na lang si Maia sa kaibigan. Kung alam lang nito na asawa na niya ang tinutukoy nito.
" Hey Maia pinapatawag ka nga pala ni Mr. President. " Ani Miss Marasigan, ang secretary ng Presidente ng kompanya. Ang totoo ay hindi pa talaga nila nakikilala ang Presidente ng kompanya maliban sa mga head ng department kaya nagulat siya sa sinabi ng Secretary nito.