Kanina pa naiilang si Maia dahil sa kakatitig ni Troy sa kanya. Nasa isang Chinese restaurant sila nag-dinner ng binata.
" M-may dumi ba ako sa mukha?"
" Nope but I love staring at your face."sagot nitong nakangiti nang matamis sa kanya.
Natawa ng walang tunog si Maia. Isusubo na sana niya ang dumpling nang mapansin ang magkapareha na kakapasok lang ng restaurant. Nakaabrisyete ang seksi at magandang babae sa isang makisig na binata.
Nang mahimasmasan ay ibinaba ng dalaga ang pagkain pero panay ang sulyap niya sa mga bagong dating. Nawalan tuloy siya ng gana.
" Okay ka lang Cassiopeia?"
Ngumiti ng pilit ang dalaga saka tumango. Sinulyapan uli niya ang dalawa na pumwesto malapit sa may bintana. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa at may pahampas hampas pa ang babae sa lalaki.
Hmp! PDA to the highest level lang ang peg. Tong girl naman akala mo kinikiliti kung humagikgik. At ang bruho may pa bulong bulong pa. Nakakasuya!
" You don't like the food?" Tanong ni Troy sa dalaga.
Napatingin naman ang dalaga sa kanya saka sa plato niya. Masyado ata siyang nanggigil at sa pagkain naibunton ang inis.
" Ah hindi, gusto ko kaso busog na ako eh. Tama. Busog na talaga ako."
" Oh alright. I'm also done eating. Let's go somewhere?"
Napatango lang ang dalaga pero nag excuse muna siya at magsi-cr lang. Hinintay naman ng binata ang bill nila.
Nagngingitngit pa rin ang dalaga sa nakita. Bago siya tumayo ay sinulyapan uli niya ang magkapareha kanina at nakita niyang sinusubuan ng babae ang lalaki.
Kasalukuyan siyang nagbabanlaw ng kamay nang pumasok ang isang babae. Tumabi ito sa kanya. Nang biglang winisik ng dalaga ang mga kamay kaya napatili ang babae.
" Oops! My bad! Akala ko walang tao eh"
" What?"
" Ang sabi ko it's all yours. I gotta go. Bitch!" Mahinang bulong ni Maia sa huling kataga sa babae na nalate magreact at napatingin na lang sa pintong nilabasan ng dalaga.
" What's with that woman? She looks upset or something. Jeez, whatever!" Bulong ng dalaga sa sarili at inayos ang bangs.
" Hey! Are you okay? " Untag ng dalaga kay Akihiro.
" Oh yes. I've just seen a friend. "
" What friend?"
" An old friend. "
" Oh. You know what? I encountered a girl kanina and I don't know but I think she's kinda mad at me or something. She kind of sprayed water at me and she even whispered bitch. I ain't sure if she's pertaining at me though."
" Just don't mind it. So Sora, how's your fiancé? When's the wedding?"
" Two months from now brother. And he's okay. He's just busy but he'll follow soon once his commitment is done."
" Good to know then. "
" So kuya Aki, when will I meet your special someone ba? I thought you're gonna settle down na?"
" Oh uhm you'll meet her soon. I just uhm need to fix things first."
" Oh I'm so excited. I hope not some any bitches! You know I kinda hate those kind."
" You'll see. She's definitely not."
Tahimik si Maia habang naglalakbay ang isip niya. Ni hindi niya napansin na kanina pa salita ng salita si Troy. Nasa may gate na sila ng tinutuluyan niya, hindi na kasi natuloy ang pamamasyal sana nila sa park.