Pagpasok ni Sabrina sa loob ng tahimik niyang bahay ay naupo muna siya sofa pagkatapos i-locked ang pinto. Pinagmasdan niya ang buong sala at natuon ang kanyang mga mata sa isang malaking larawan na naka-frame at nakasabit sa dingding. It was her late father's picture. Napangiti siya ng mapait nang makita ang malapad na ngiti ng kanyang ama sa larawan. Bigla niya itong na-miss.
Her father passed away two months after her graduation in college. Nagkaroon ito ng sakit sa bato sa labis na pag-inom nito ng alak. Malaki ang naging epekto ng ilang buwan na pag-inom nito ng alak at pagkain ng maalat na pagkain kagaya na lang ng sitsirya. Hindi na malulunasan ang sakit nito, kahit pa ang pagpapa-dialysis ay hindi na rin makakatulong sa kondisyon ng katawan nito.
How she hated her own mother. Ito ang dahilan kung bakit maaga siyang iniwan ng kanyang ama. Ito ang sinisisi niya dahil ito ang dahilan kung bakit nagpakalunod sa alak ang tatay niya. Kung sana'y nakontento ang kanyang ina sa buhay na kayang ibigay ng kabiyak nito.
Pero huli na ang lahat, tapos na. Wala na siyang magagawa kahit pa magwala siya at umiyak. Hindi na maibabalik pa ang buhay ng taong pinakamamahal niya. Ang taong nagbigay ng buhay sa kanya. Ang taong hindi nang-iwan sa kanya. Tahimik na lumuha na lang siya habang nakatingin pa rin sa larawan ng mahal niyang ama.
She looked tough and untouchable outside, but she's still hurting about her family's past. Hindi na yata mawawala ang sakit na iyon kahit kailan, kahit na ano pa ang gawin niya. Pero hindi na niya hahayaan na makita ng ibang tao ang kalungkutan niyang iyon, hindi na niya nanaisin na siya pa ang maging dahilan kung bakit malulungkot ang ibang tao, tulad na lang ng nangyari noon.
Ramdam niyang labis na nasaktan ang tatay niya nang huling beses niyang nakita ang kanyang ina. Matapos kasi ang insidenteng iyon ay nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya, para bang ingat na ingat itong hindi siya masaktan. Sinasang-ayunan lang nito lahat ng gusto niya, naging over-protective rin ito. Lahat ay ginawa nito para hindi siya maging malungkot.
She sighed. Tiningnan niya ang kanyang kaliwang palad at kahit na malabo na ang paningin niya dahil sa luha ay kitang-kita pa rin niya ang mahabang pilat niya roon. She traced her protruding scar using her left index finger. Ang pilat na kanyang nakuha nang hinawakan niya ang bubog ng basag na bote. Natawa na lang siya nang maalala iyon. She was young and reckless and hurt. She didn't know what to do at that moment.
But one thing was for sure, she just wanted the pain to go away. She wanted her mother to go away and never come back. And she did. Kahit noong nakaburol ang kanyang ama ay hindi niya nakita kahit anino nito. Mas mabuti na siguro iyon dahil alam niya na baka may nagawa pa siyang hindi maganda kung sakali. Napapikit siya ng mariin nang maalala ang huling pag-uusap nila ng kanyang ama.
"Babes, mangako ka sa akin na sandali ka lang malulungkot. Na hindi mo ikukulong ang sarili mo sa lungkot at luksa. Huwag na huwag mong iisipin na nag-iisa ka, nasa tabi mo lang ako palagi."
Umiiyak siya habang ikinulong niya sa kanyang mga palad ang isang kamay nito. Tumatango lang siya at pinapakinggan ang lahat ng sinasabi nito. His free hand was gently caressing her cheeks, trying to dry her tears.
"I may not be there physically, pero lagi mong tatandaan na nandiyan lang ako at binabantayan ka. Learn to forgive, anak. Kailangan mong magpakatatag. Mangako ka na sandali ka lang magluluksa sa pagkawala ko pagkatapos magmove-on ka na at harapin mo ang buhay na naghihintay sayo."
"'Promise, Pa." Mas hinigpitan niya ang kanyang paghawak sa kamay ito. Ramdam siguro ng kanyang ama na malapit nang mamaalam ito kaya naman kinausap na siya nito na may natitira pang lakas. Marahil ay hindi nito gusto na basta na lang siya iwan nang hindi sila nag-uusap ng masinsinan. Alam naman niyang darating ang araw na iyon, inihanda na niya ang kanyang sarili pero kahit anong klaseng paghahanda pa iyon ay hindi matatawaran ang sakit na nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Her Own Happy Ending
RomanceMatagal nang best friend ni Sabrina si Drew. Madalas man silang asarin ay hindi nila iyon pinapatulan, lalong lalo na siya. Isa pa, babaero kasi ang best friend niya. Kaya lang isang araw, nawindang ang mundo niya nang basta na lamang siya hinalikan...