Outing in bataan

6.1K 141 8
                                    

Emma POV

"Bakit ba ang tagal nila?kanina pa tayo naghihintay dito!"maktol ni Venus.

"Tinawagan ko na sila...parating na daw silang lahat dito,kaya maghintay pa tayo!"sabi ko.

"Hay!..ano pa nga ba!" Mataray na saad ni Venus.

Naghintay kami ng ilang minuto sa kanila at buti dumating na din silang lahat.

"Sorry na late kami.. traffic Kasi, tara na guys..umalis na tayo!"Saad ni Ann samin.

Nakita Kung napairap nalang si Venus sa gilid namin at sumakay nalang sa Van.

Hay nako maldita talaga..

Lumingon ako Kay Chris."Handa na ba yung sasakyan natin? pati na yung gamit?"Tanong ko Kay Christian.

"Oo kanina pa handa, gagabihin yata tayo ng punta dun Kong di pa tayo aalis ngayon"sabi ni Christian.

Nang maayos na ang lahat ay pumasok na kami sa Van ni Christian at ang iba naman sa Van ni Prince.

Ang kasama ko ngayon sa Van si Jack,Christian, Justin, Ann,Joy at Min. at sa kabilang Van naman Prince, Eliza,abbey,Venus, John,Joon at Bert.

Lahat kaming mag kakabarkada ay pupunta sa Bataan para mag saya at mag bonding ng magkakasama..

Hanggang ngayon ay bumabyahe parin kami,.Ako nalang ang gising at si Jack,Siya ang nagmamaneho nitong Van.Yung mga nasa likod naman preskong natutulog at ngayon ko lang pala napansin na hapon na. Busy Kasi ako sa kakanood ng music video ng paboritong Kung banda.

Napabaling ako Kay jack na humihikab na.

"Jack pagod ka na ba?Gusto mo maidlip muna?Ako muna Kaya ang mag drive?" Sabi ko dahil alam ko na maaga syang nagising dahil sya ang nag ayos ng mga gamit sa Van namin.

"No, Okay lang ako Em, ikaw nalang ang umidlip para makapag pahinga ka..gigisingin ko nalang kayo kapag malapit na tayo!" Sabi nya at ngumiti sakin.

"Sigurado ka?" Pag-alangan ko.

"Oo,kaya mag pahinga ka na jan" sabi nya.

Tumango nalang ako at Naidlip na.

7 pm Nagising na ako at nag kusot-kusot pa ng mata, ang tagal ko palang natulog.

"Oh, buti Gising ka na.,Malapit na tayo sa bahay nila Ann" baling Saad sakin ni jack.

"Ah,ganon ba." Sabi ko at tumingin sa paligid.

Subrang dilim sa labas ka-unting bahay lang ang nakikita ko at mga puno at palayan na.

"Malapit na ba tayo dun?" Tanong ni Joon sa likod namin.

"Oo malapit na tayo dun"sagot ni Ann.

Nang makarating na kami,bumaba na kami at may sumalubong samin na matandang babae na nakahawak ng lampara.

"Magandang gabi po Señorita Ann at sa inyong mga kaibigan nya, ako po pala ang Care taker nitong bahay,Ako si Manang lily"Sabi ng matanda.

"Ikaw pala manang,Naghanda po ba kayo ng Dinner namin?medyo gutom na po kasi kami" Sabi ni Ann.

"Ah..Opo naghanda na ako,halina kayong lahat at nang makakain na..siguradong iba sa inyo ay gutom na gutom na dahil sa mahabang byahe.." sabi nito.

Sumunod na kami Kay manang papasok ng bahay nila Ann.

"Medyo nakakatakot pala dito kapag gabi no...Sobrang tahimik at magubat-gubat pa.." Sabi ni Eliza.

"Sinabi mo pa sis..pati bahay nila Ann nakakatakot din eh!" Sabi ni Venus.

The Forest Where stories live. Discover now