Sumpa

428 16 7
                                    


Emma as (Eliana)
Ann as (Emelia)

***





"Hay, nako ang daming pagtataguan ng mga duwag, Don pa sa madaling makita" natatawang saad ni Eliana habang hawak ang mga puso nila Prince at Jhon.

Napatingin si Eliana sa nakahigang si Eliza at nagtaka dahil hindi na ito gumagalaw.

Mabilis na tinapon ni Eliana ang puso nila Jhon at Prince at lumapit Kay Eliza.

"Patay Ka na ba? Grabe di man lang ako hinintay" Saad ni Eliana.

Akmang sisipain niya si Eliza para tuluyan ng mahulog sa bangin ng may malakas na pwersang humagis sa kanya at napasubsob siya lupa.

"Ganito ba talaga ang gusto mo Eliana" Saad ni Emelia.

"So, kinuha mo na pala ang katawan ni Ann, Hindi nako nagulat" Saad ni Eliana at Mabilis na tumayo.

"Ikaw, ang nagpabalik sakin dito, para ano? Para gumaya sayo" Galit na Turan ni Emelia.

"Bakit Hindi!, Binuhay kita para makapaghiganti tayo!" Galit na sigaw ni Eliana.

"At ganito Ang gusto mong ganti, Ang patayin ang mga taong wala naman talagang kinalaman sa nangyari noon, Mga Inosente Sila Eliana!"

"Dugo sa dugo, Laman sa laman dapat lang Sila mamatay lahat" Galit na saad ni Eliana.

"Baka nakakalimutan mo, Ikaw Ang pumatay sa sarili mong kakambal!" Galit na sigaw ni Emelia.

"Pero Binuhay kita Ngayon at matutupad na ang gusto natin, Ang maubos ang mga kumuha sa Buhay ng magulang natin" Saad ni Eliana sa Kapatid.

"Ikaw lang Ang may gusto nito, At Ang pagkakamali mo Ngayon ay Ang ibalik Ako, dahil isasama kita Sa hukay pabalik kung saan dapat nandoon tayong dalawa" nakangiti saad ni Emelia.

Galit na Galit na tumingin si Eliana sa Kambal niya. Akala Niya ganito din Ang gusto nito Ngunit magkaiba pala sila.

"Kung Kaya kitang ibalik Kaya din kitang burahin sa mundong ito, Emelia" nakangiting saad ni Eliana.

"Kung ganun gawin mo, pero nasisigurado ko, Kasama kitang mabubura sa mundong ito Eliana"

Mabilis na Lumapit si Eliana Kay Emelia at akmang dudukutin niya ang puso nito ngunit nakaiwas agad si Emelia at mabilis na binali ang buto sa kamay ni Eliana.

Napasigaw si Eliana sa sakit.

Kahit immortal si Eliana, katawan tao padin ito at nakakaramdam ng sakit ngunit hindi kaagad mamamatay.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat.

"Hindi tayo Aabot sa ganito kung sumunod Ka sakin Eliana!" sigaw ni Emelia.

"Sinong Tangang susunod sayo noon, Hinayaan kita mahulog sa bangin para makaligtas ako at para makaganti sa kanila" sigaw ni Eliana.

"Makasarili Ka Eliana" Galit na Turan ni Emelia.

"Tama ka! Makasarili ako, Kaya nga hinayaan ko masunog ang mga magulang natin at Patayin nila si Veronica at Hayaan Ka mamatay sa bangin noon" natatawang saad ni Eliana.

"Baliw Ka Eliana, Hindi nga sila ang may Sala kundi Ikaw, Demonyo Ka!" Sigaw ni Emelia akmang lalapitan Ang Kambal ng Hindi siya makakilos sa kinatatayuan.

Nakita ni Emelia na may mga Itim na anino na nakahawak sa paanan niya.

Hindi niya iyon makontrol dahil kapangyarihan iyon ng Kapatid niya.

Tumayo si Eliana at inikutan siya.

"Kasalanan din naman nila ang nangyari sa kanila dahil sa ginawa nila, Ikaw ang paboritong Anak, Bakit? Dahil bulag Ka noon! at kailangan mo ng pag-gabay, at Ako? nakatayo lang sa sulok habang nakatingin sa inyo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forest Where stories live. Discover now